CHAPTER 22 - KEEP LIVING

5.8K 290 48
                                    

ASHARI'S POV

Lumulutang ang utak ko habang naka-upo sa yayamaning salas ng mga Marchese. Nandito lahat ng mga pabidang nilalang!

Ang happy lang kasi parang walang nangyari! Gusto kong tumawa ng malakas! Legit napatunayan ko na talaga na mga kampon ng kadiliman 'tong mga 'to!!!

May tea party ba kami dito? Bakit pa-tsaa tsaa lang sila at pakuyakuyakoy ng paa e kitang may pagsabog nga na naganap.

Ahhh, Mafia sila Ashari. M-a-f-i-a!

Literal na 'little surprise' lang para sa kanila 'yung pagsabog ng pang Jurassic World kong cellphone! Kahit pa sabihing dumagundong buong mundo ko sa pagsabog na'yon, para sa kanila wala lang 'yon!

Utot lang 'yon para sa kanila!


"If you didn't throw the phone on time, chunky corned beef na kayo ngayon, Easton." kita mo si Kumareng Helen, easy na easy lang sa kaniya sabihin na chunky corned beef sana kami---ako!

"It was a time bomb! Rebel don't take his killings that way. Sinadya niyang manakot pero wala siyang intensiyon na pumatay...sa ngayon." isa pa 'tong si Dyther the Boy Hayop, bakit parang kampante pa siya na hindi kami papatayin nung kung sino mang kasumpa sumpang Rebel na'yon!

Tahimik lang ako dito habang hinahayaan na lumutang ang utak ko habang nag uusap sila. Si Gali, natutulog na. Si Uranggu nagpatulog sa kaniya ngayon dahil sabi ni Isprikiton e makichismax daw ako sa usapan nila dito sa salas.


"There's a spy in us." huh? Ano 'tong pinagsasabi ni Mister Salvador Elcano the Vintage boy? Uso pa ba spy ngayon? Atsaka haler, sino magtatangkang mag spy sa ganitong lugar e lahat ng tao dito kasing sama ng budhi ko, mas malala pa nga e.

Tsk, nakahanap talaga ako ng mga katapat ko. Buset!

"Bitawan niyo ako! Sabing bitawan niyo ako!" sigaw ng isang galit na boses ng babae.

Lahat kami ay napatingin sa pumasok sa eksena.

Dalawang armadong extra na Marchese ang karay karay ng marahas ang isang maid...


"Oh?" medyo gulat kong bulong sa sarili ko. "Siya 'yung maid na..."

Siya 'yung maid na pinagtanungan ko kung sino si Boy Kulot. Siya 'yung nagsabi na nagtraining si Boy Kulot kay Queen Elizabeth II at kay Queen Elsa ng Frozen Manaloto.

Anong ginagawa sa kaniya ng mga armadong extra na'to?

"She's the spy...Sir Easton!" wika nung isa pang armadong extra na mukhang leader nung dalawang may hawak sa kawawang maid.

Napa-awang ang labi ko. Whuutttt? Siya 'yung spy? Sasampalin ko obaryo ng babaeng 'yan e, kinausap pa niya ako kaninang umaga tapos siya pala 'tong spy?

Dahil sa kaniya montik pa akong mategi!

Grr, sasabunutan ko siya kapag hindi ako nakapag timpi!

Tumayo si Easton at naglakad papunta sa spy. Kanina pa siya hindi kumikibo at madilim lang ang aura. As usual naman diba, ano pa ba bago sa isang 'yan? Kampon yan ni kadiliman e. Next in line sa trono.

"Sir, she's a Silvian technologist. Isa siya sa mga nang hack ng system natin the last incident."

"The 454 hotline..." bulong ng katabi kong si Boy Hayop.

Ahh, okeehh! Now I know kung bakit ibang tao ang sumagot ng tawag ko non! Na hack pala system ng Marchese!

Bwisit talaga 'tong babaeng 'to! Dapat sa kaniya malibing ng buhay e.

BABYSITTING THE MAFIA'S KIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon