CHAPTER 27- HYDRATED

6.8K 397 175
                                    

ASHARI JENESSE'S POV

Napatunayan ko na talaga ONE HUNDRED PERCENT na ubod, atay, napaka, nuknukan ng, sagad sa yaman ang kayamanan ng mga Marchese! Isang buong probinsiya yata ang lawak ng lupain ng mga Mafia na'to. Ano kaya ginagawa ng mga 'to para maging ganitong kayaman?

Hanep, kung ganito ako kayaman, kahit hindi na magtrabaho magiging apo ko sa balakubak. Kaya naman pala easy peasy na bigyan ako ng 505 Million ng lecheng Easton na'to. Barya lang sa kanila yung 505 million!

(THIRD PERSON'S POV: Hayaan ninyong ipaliwanag ko sa inyo ang kabuoan ng lugar ng mga Marchese- MAIN ito, wala pa ang mga rest house, hotels at iba pang villa na pagmamay-ari nila. Sa harapan, may malawak na pathway na daan papunta sa mansion, napapaligidan ito ng malalawak at magandang landscaped garden. Nasa bandang harapan ang mansion, sa likod nito ay isa ulit garden na katabi ng malaking covered parking lot na puro magagarbong sasakyan. Sa east wing, nandoon ang mala planturium na zoo. Sa west wing naman, ang mahiwagang bodega na punong puno ng mga baril, armas at kung ano ano pang secret weapon ng mga Marchese. Katabi ng bodega ay ang wine production ng mga Marchese, lam niyo na, wine ang alak nila. Hindi sila umiinom ng gin bilog! Sa gitna ang rancho nila. Sa South Wing ay ang isang mini forest. Don din naka lugar 'yung bahay nila Dyther na nasa bandang bungad.)

Sa sobrang mangha ko sa kabuoan ng lupain ng Marchese, nakalimutan ko ng naghihirap na nga pala ang pwet at singit ko sa pagkakabayo na'to.

"Malayo pa ba tayo Easton?" nagrereklamo ko ng boses sa kaniya. Kanina pa ako nangangawet. Nag-aalab na singet ko!!!!

"Nakakakita ka na ba ng lagoon ha?" masungit niyang tanong sa akin.

Ilang beses na kasi niyang sinabi na ang pupuntahan daw namin ay ang pinaka gitna ng mini forest na'to na may lagoon! E HANEP, KANINA PA KAMI PUMASOK DITO SA FOREST HANGGANG NGAYON WALA PA DIN AKONG NAKIKITA KAHIT ISANG PATAK NG TUBIG!

Sinagot ko siya. "Hindi pa nga! Kaya nga ako nagtatanong diba?" gumalaw ako para ayusin ang upo ko.

"I TOLD YOU NOT TO MAKE UNWANTED MOVES! GUSTO MO BANG MAHULOG TAYO?" sigaw ni Easton sa tenga ko habang nasa kalagitnaan kami ng mini gubat na'to. Bako bako na 'yung daan dito bwisit! May ilan pang lugar na hilly tapos puro damo at matatayog na puno. Inaayos ko yung upo ko kada kakaldag 'yung kabayo.

"E MASAKIT NA NGA PWET KO! SINABI KO NA KASING HINDI AKO SASAMA NAGYABANG KA PA DIN!"

"LALONG SASAKIT 'YANG PWET MO KUNG GALAW KA NG GALAW! STAY STILL!"

"E KAYA NGA AKO GUMAGALAW KASI NGA MASAKIT NA PWET KO. ANO BA MAHIRAP INTINDIHIN DON? SUNTUKIN KO PATI KANANG MATA MO E PARA TUNAY KA NG PANDA!"

"I'LL LEAVE YOU BEHIND IF YOU WON'T SHUT YOUR MOUTH!"

"EDI IWAN MO---"

"I'll doubt that you two are a couple if you hadn't told me."

Natikom ko ang bibig ko ng biglang tumapat si Cannabeth sa amin sakay ang itim niyang kabayo. Sinipa ko ng bahagya si Easton sa paa. Bwisit kasi siya! Kanina pa kami nagbabangayan, ni hindi man lang niya ipinaalala sa akin na ako nga pala si Jenesse Silvia ngayon. Na dapat nga pala nagpapanggap akong jowa niya! ARGHHH! KAKALBUHIN KO NA SI EASTON ISPRIKITON SA SUSUNOD!

Nag-mode switch tuloy agad ako, ngumiti ako ng napakatamis kay Cannabeth, dumantay ako kay Easton kunwari sweet ako buset! "Awwe babe, ang galing mo pala mangabayo." ah basta ako magpapatuloy sa pagpapanggap ko.

"Hold tight hon, this ride will be rough. But don't worry I promise I'll be gentle." kinilabutan nanaman ako sa sinabi ni Easton. Pinarinig niyang sadya 'yon kay Cannabeth Cabeth. Ano bang kabastusan lumalabas sa bibig ng isang 'to!

BABYSITTING THE MAFIA'S KIDWhere stories live. Discover now