CHAPTER 53 - BEHIND THE WHITE MASK

3.9K 250 81
                                    


Third Person's POV

Ang Project ExG ay ginawa para magkaroon ng payapang ugnayan ang mga civilians at Mafian organization.

Ang Mafian Peace Organization ang siyang siyang nagsulong ng proyektong ito.

Katuwang ng MPO ang mga kilalang Mafian organization at ang World Peace Organization para maisakatuparan ang proyekto.

Si Galileo Arthfael Marchese ang bata na simbolo ng proyektong ito.

Carried thru an artificial womb whose the owner of the mother's egg is unknown and a sperm from the first born son of the Don of the current highest in rank mafian organization

That is how Gali was made. Artificial.

And right before his heart developed inside the artificial womb, the scientists incharge planted a microchip.

Ang microchip na naglalaman ng lahat ng baho ng iba't ibang organizations sa buong mundo.

One wrong use of that Microchip can cause the biggest World War in history.

Kaya gets niyo na kung bakit todo ang alaga at aruga ng mga Marchese kay Gali.

Hindi naman sa OA sila pero imagine, inaalagaan mo 'yung bata na pwedeng magcause ng extinction ng human kind, char.

Pero kidding aside, ganoon kahalaga si Gali. He is not to be joke with.

Kaya naman noong unang beses na nawala ito, halos masiraan ng bait ang buong mafian organization.

Tapos i-child abuse lang ni Ashari si Gali non hmpf.

At ngayong nasa ibang kamay si Galileo, ang buong Marchese ay windang to the max.

Kulang nalang sakalin ni Easton si Helen na myembro ng MPO. Si Ashari at Angel e susugod na talaga sa Vernix, kakalbuhin nila si Peter na presidente pero napigilan lang sila ni Nate.

Si Leonard at Shera na aalis na dapat pagdating ni Gali ay hindi na natuloy. Nag-ala right hand man at sekretarya ang ganap ulit nila. Literal na isinantabi nila ang sariling desisyon ng pag-alis para kay Gali.

May tenga ang lupa at may pakpak ang balita

Hindi lang ang mga Marchese ang nawindang sa pagkuha ng MPO kay Gali sa airport kundi ang buong sangkaMafiahan!

Wala sa kasunduan na pwedeng kuhanin basta basta ng MPO si Galileo sa kamay ng mga Marchese.

Daraan pa sa mahabang trial at proseso kung nais angkinin ng isang organisasyon ang custody ni Gali. At hindi exempted ang MPO doon.

Everyone...

Every body in the Mafian community right now is not in ease.

Alam nila na may pinaplano si Peter.

Hindi sila engot para hindi magets na naghahamon ng gera si Peter sa pagitan ng MPO at mafian society.

Ang hindi nila maisip ay kung bakit...

Ano ang dahilan ni Peter para gawin niya ito?

Bakit niya kailangan si Gali?

Hindi mapalagay ang mga Big Boss ng mga Mafia na naka sign sa Project ExG. Kaniya kaniya silang padala ng mga investigator at spy para malaman kung ano ang nangyayari.

They should act fast lalo na't anniversary ng MPO bukas.

They should know if attending that anniversary will lead them to a trap that will take them to a disadvantage.

20 minutes after Gali's arrival in the airport...

Huminto ang puting kotse sa harap ng malaking entrance ng Vernix. Convoy nito ang lima pang itim na kotse.

BABYSITTING THE MAFIA'S KIDWhere stories live. Discover now