CHAPTER 59 - NIGHT BEFORE THE BOMB

2.6K 177 15
                                    

THIRD PERSON'S POV


Nag celebrate ng pagbabalik at syempre belated birthday ni Ashari ang angkan ng Marchese. Isinantabi muna nila ang mga chismis, ganap at katanungan na nagwindang to the max sa kanilang lahat.


Happy ang mga ferson.


Forda party sila na akala mo e mga walang problemang kinakaharap. Sige, enjoy now, lugmok later kayo diyan tignan lang natin.


Sinulit ni Ashari at Gali ang mga panahon na hiwalay sila sa isa't isa. Ayaw humiwalay ng bata sa bruha.


"Mamha, Papa where's my little sister?" Naka pout at cute na cute nitong pagtatampo kay Easton at Ashari sa kalagitnaan ng party nila nang biglang maalala ang tungkol sa baby sister na pangako ni Easton para mapapayag siya na pumunta ng Italya.



Isang masamang tingin ang ipinukol ni Ashari kay Easton na napapakamot nalang ngayon sa sintido.



"Son, I think your baby sister will come a little bit late. Maybe two or three years from now?" pasegwey na paliwanag ni Easton.


Siniko siya ni Ashari. Kung ano-ano kasi sinasabi sa bata e.

"Galit ato ta inyo hmpff. Sad ato."


Bulol pa nga ang bata, fyi Gali, hindi ka naman bulol hindi ba? Mapagpanggap!




Kahit may tampuristang bata, tuloy ang parteh!


Masaya ang lahat.



Not until an email sent to Shera broke the blissful party.





To : All the staff and personnel of Marchese, Galileo Arthfael and Ashari Ferell
From : The President of the Mafian Peace Organization, Peter Veracelli

Last night was unexpected, RIP to the seventeen souls.

The President will conduct a formal visit tomorrow to update the Project ExG. Please prepare likewise.






Maikling email pero para sa mga Marchese, sapat na ito para mag handa sila sa mga pwedeng mangyari kinabukasan.







Pumatak ang panibagong gabi, sinadyang patulugin ng maaga si Galileo sa kwarto nito dahil bukas ay sasailalim ulit ito sa mga tests.


Ayan, may mga doctor nanamang pupunta at isasalpak nanaman siya sa parang tube na glass tapos lalagyan nanaman ng mga wirings.


Ito ang paraan para icheck ang status ng katawan ng bata pati na ang mga data na naka install sa chip na nasa puso nito.


Maarte ang chip e, kaylangan palagi ding chinecheck kung hindi pa ba corrupted ang files.





"Para namang ginawang human flash drive si Gali." reklamo ni Ashari habang nanggigigil siyang nakatingin sa bilog na buwan. "Walang kwenta talaga tatay ko." bulalas niya kasabay ng pagbagsak ng balikat.


Ngayon nagsi-sink-in sa kaniya ang mga nangyari kahapon sa Anniversary.




Ito ang mga realizations ni Ashari ng mapagtagpo tagpo niya ang mga pangyayari sa buhay niya nitong nakaraang magtatalong buwan.





Una: hindi coincidence ang pagkatok ni Gali sa pintuan ng bahay niya.

Pangalawa : Hindi basta truck driver ang tatay niya, Presidente ito ng MPO. Wow, walastik.

Pangatlo : Ang nanay niya ay walang iba kundi ang babae sa painting na ipinakita ni Rebel. Peke 'yung nanay- nanayan niya na namatay DAW sa aksidente.

Pang-apat : Kabit ang tatay niya.

BABYSITTING THE MAFIA'S KIDWhere stories live. Discover now