CHAPTER 68 - WITH A KNIFE

3.5K 119 102
                                    

Warning ! Sa lahat po ng nakabasa ng CHAPTER 67 before February 14, may major revision po ako don na may malaking epekto sa flow ng story. Kindly reread nalang po. Thank you!




Third Person's POV

Tonyo was dead...

They were mafias...

Mahirap makipagsapalaran sa siyudad lalo na kung may pinagtataguan ka. Ang bawat galaw mo ay kalkulado at maingat dahil hindi ka pwedeng mahuli. May pamilya kang nag-hihintay sa iyo at dapat mong uwian. Pero kahit anong pag-iingat at kahit anong pag tatago mo, nakita ka pa din nila. Dinala ka sa isang secluded at saradong bodega kung saan tanging mabahong amoy mula sa na-aagnas na laman ng iyong kaibigan ang tangi mong kasama.

Iyan kalagayan ni Peter.

Natagpuan niya sa wakas si Tonyo ngunit wala na itong buhay. Ikinulong siyang kasama ng patay na katawan nito sa isang madilim na bodega. Ni wala halos sumilip na liwanag sa lugar gawa ng wala itong bintana. Nagpahirap pa sa kaniya ang lamig, gutom pati na ang mga daga at kung ano-anong gumagapang na hayop sa kaniya.

"SHOOO! ALIS! HUWAG NINYONG GAGALAWIN SI TONYO!!!" Histerical niyang ginapang ang madilim na lugar papunta sa labi ng kaibigan. Narinig niya kasi ang mahihinang huni ng daga sa pagngatngat ng mga ito sa pakiramdam niyang katawan ng kaibigan.

Nagtakbuhan paalis ang mga daga, malamig ang paghinga ni Peter at nawawalan na talaga siya ng pag-asa na makalabas dito. Ilang araw na ang lumilipas, blankong blanko na ang utak niya. Gusto na niyang tapusin ang lahat pero tuwing naaalala niya ang kaniyang mag-ina at mga anak nagkakaroon siya ng lakas na loob para magpatuloy pa.

Nais lang ni Peter na hanapin ang kaibigan ngunit hindi niya inasahan na magiging ganito ang lahat. All this time, bantay sarado na pala talaga sila kahit pa nasa isang malayong isla sila. Sa loob ng higit tatlong taon, nakamasid at nakabantay sa kanila ang mga Silvia, nag-iintay lang ang mga ito na lumabas sila sa lungga.
aNg daming pagsisisi ni Peter. Dapat talaga ay pinigilan niya ang kaibigan na umalis, dapat talaga ay hindi siya pumayag. Edi sana ngayon ay buhay pa ito.

Hindi alam ni Peter kung paano niya haharapin si Bia pati si Tobias. Nadamay lang sila dito sa gulo na pinasok niya. Wala silang kinalaman dito pero ito ngayon ang katawan ni Tonyo, malamig at umaalingasaw na sa baho.

Ilang araw pa ang lumipas, no food no water just a stinking dead friend. Unti-unti nang nilalamon ng hallucinations si Peter. Ni hindi na siya makapag isip ng maayos. As if he's already dead.

At para din namang pinaglalaruan talaga siya ng mga Silvia, binuksan ng mga tauhan nito ang bodega at tila blurred na liwanag na lamang ang nakikita niya. Nabubulag na din yata siya sa sobrang gutom e.

He was tortured, narinig pa niya ang mga ito na pinag-uusapan kung paano siya i-de-despose. Katapusan na din yata niya, hindi niya lang talaga sure kung sadyang sinwerte ba siya dahil may biglang dumating na isang matandang lalaki nna nagsabi na huwag galawin si Peter dahil ito ang napag-usapan sa Mafian organization.

Doon na nagising sa katotohanan si Peter. Kung kayan malapit na siyang mategi atsaka niya malalaman na all this time, tama si Tonyo at ang mga chika nila ni Bia na mafia nga ang mga Silvia...parte ng mafian organization si Veronica.

He felt surreal...

Nang mga oras na iyon, hindi nakaramdam ng kahit kaunting takot si Peter. Isa lang ang tumatakbo sa isip niya noon....kung wala nang mga Mafia, magiging maayos na ang buhay nila ni Veronica.

Magkakasama sama na silang lahat!

"Oi boy tumayo ka diyan!" Sino ba itong nagmamagaling na nilalang na'to?  Pabibo e, kitang bugbog sarado nga siya paano siyang makakatayo? May malaking pasa siya sa magkabilang mata kaya hindi niya maaninag ng maayos ang mukha ng taong kung maka-utos na tumayo siya e akala mo hindi siya 50:50. Idagdag pa ang kakanting liwanag lang na sumisilip mula sa maliit na awang ng pinto ngbodega kung saan ito pumasok. "Bilisan mo, may pag-uusapan tayo e. Kapag nahuli nila ako, lagot tayong parehas."

Vous avez atteint le dernier des chapitres publiés.

⏰ Dernière mise à jour : Apr 04, 2023 ⏰

Ajoutez cette histoire à votre Bibliothèque pour être informé des nouveaux chapitres !

BABYSITTING THE MAFIA'S KIDOù les histoires vivent. Découvrez maintenant