CHAPTER 44 - DO THEY BELIEVE ?

5.8K 394 253
                                    

(A/N: HUI NAKAABOT AKO NG CHAPTER 44. ACHIEVEMENT SAKEN TOOHHH AHH!!)

THIRD PERSON'S POV

There's this questions...

Do mafias believe in God?

Maybe not?

How could they, right? They kill people without being guilty. They commit crimes and immoralities. They are cruel, notorious and believes that they own the world. They do illegal things too...they are the worst...but still...

Tanda niyo pa 'yung matandang nanghingi kay Ashari ng burger sa waiting shed habang nag iintay siya ng jeep pauwi? Siya 'yung huling tao na naka-usap ni Ashari bago siya makidnap. 'Yung sabi e may ipapakilala daw siya kay Ashari sa susunod nilang pagkikita?

Tanda niyo?

Kung hindi, bahala kayo diyan...

Char...

Ang matandang ito ay kasalukuyan ngayong nagpupunas ng lumang kahoy na upuan sa maliit na simbahan.

"Panginoon, ingatan mo ang taong uupo sa upuan na ito. Pagpalain mo siya at tulungan sa kaniyang mga problema. Amen." banggit ng matandang lalaki.

Nakangiti siyang lumipat sa kabilang upuan para muling simulan ang pagpupunas ng biglang bumukas ang pintuan ng simbahan.

Nag-angat ng tingin ang matanda at tumambad sa kaniya ang isang makisig na lalaki.

"Magandang gabi ijo, ano ang maipaglilingkod ko at ng simbahan sa iyo?" sa uugod-ugod na boses ay in-offeran niya ang lalaki.

Diretsyo lamang ang tingin ng lalaki sa krus na nasa pulpito. Walang ekspresyon na mababasa sa mukha nito.

"Is he real?" Tanong ng lalaki sa matanda.

Lumingon din ang matanda sa krus.

"Your cross is weird, it isn't like the others. Bakit walang nakapako?" hindi nakapag-intay ang lalaki ng sagot mula sa matanda.

Iyong cross kasi na nasa harapan ay solely cross lang. Walang nakapako hindi kagaya ng krus na nakikita sa karamihan.

Isang banayad na ngiti ang ibinigay ng matanda bago ito tumayo ng maayos. "Hindi dapat ipinapako ang nabuhay na mag-uli."

"You mean Jesus Christ?"

Tumango ang matanda. "Nabuhay siya sa pangatlong araw at nanatili pa dito sa mundo sa loob ng apatnapung araw upang magbahagi pa ng kaniyang salita."

"I don't understand a word you say." Naglakad ang lalaki palapit sa upuan na huling pinunasan ng matanda. Tahimik itong umupo doon habang hindi ini-aalis ang tingin sa pulpito.

"Balang araw ay mauunawaan mo din ijo." Pagpapanatag ng matanda. "Pasensiya na tagalog ako sumagot ijo, hindi ako inglis spokening e pero buti nalang nakaka-intindi ako ng ingles hehe."

Hindi naman siya pinansin ni Easton...

Right...

Ang Easton niyo pumasok sa isang maliit na simbahan. O kavoug, buti di nalusaw.

"I asked you a while ago, is he real?"

"Oo ijo,"

"Prove to me that he exists."

"Hmmmm..." pagdadalawang isip ng matanda. "Maaari ko ba munang tanungin kung naniniwala ka sa kaniya?"

Sandaling tumahimik ang simbahan. "I don't know..."

"Kung ganoon, ito lang ang masasabi ko ijo, totoo ang Diyos at mahal niya tayong kaniyang mga nilikha."

Easton let a scoff. He almost grinned.

BABYSITTING THE MAFIA'S KIDWhere stories live. Discover now