CHAPTER 15 - A FATHER'S LOVE

8.3K 336 37
                                    

THIRD PERSON'S POV

Dyther Icexel Elcano, ang anak ni Salvador Elcano-- na Consigliere ng mga Marchese. Dahil pinsang buo ni Salvador Elcano si Gisella Marchese na ina ni Easton Artfael Marchese, naging magpinsang makalawa si Dyther at Easton.

Dahil dito, pamangkin ni Dyther si Galileo Arthfael Marchese. Sana gets niyo HAHAHAHA.

Nasa kwarto ni Gali si Easton, Dyther at ang doctor at apat na nurse na kasalukuyang nag che-check sa kalagayan ni Gali.

"Mataas pa din ang lagnat niya Sir Easton. Bibigyan ko siya ng reseta, ang mga nurse na ang bahalang mag administer nito sa kaniya." ani ng doctor na lalong nagpa sad boi kay Easton Hahahahhaha.

Tulog si Gali, naka dextrose pa din at namumula ang buong mukha dahil sa lagnat.

Hindi malubos maisip ni Easton kung anong pinagdaanan ng anak sa kamay ni Ashari. Gustong gusto na niyang patayin yung babaeng 'yon. Nagsinungaling ito sa kaniya at wala pang kahit sinong tao ang buhay hanggang ngayon na nagsinungaling sa kaniya.

Umalis na ang doctor at apat na nurse. Naiwan si Easton at Dyther sa loob.

Pinagmamasdan nila si Gali na nahihirapan sa pagtulog dahil sa sakit.

"Where's that girl?" ani ni Easton kay Dyther. Nag-iigting ang panga niya. Gusto niyang manuntok tuwing naaalala si Ashari.

"Pagkatapos namin magbreak fast, bumalik siya sa kwarto niya, may aasikasuhin daw." sagot naman ni Dyther bago umupo sa kind sized bed. Hinawakan niya ang leeg ni Gali. "He's better than yesterday."

Nakita ni Dyther ang ibang galit na nararamdaman ni Easton. Hay nakoo, basta talaga kapag kay Gali, walang mapaglagyan ang galit niya. Nakakuyom ang kamo nito, nag ngangalit ang panga at matalim na matalim ang tingin.

"I wanna kill her! Oras na malaman kong tauhan siya ng mga Silvia, ako mismo kikitil sa buhay niya." galit nitong asik.

"Chill Easton. Chill!" pag pigil naman ni Dyther. Halata kasi na puyat na puyat na si Easton kaya hindi na ito nakakapag desisyon ng tama. Ilang araw na siyang walang maayos na tulog. Simula pa nung nawala ang anak hanggang ngayon. "Alam mo naman na sobrang lapit ng anak mo sa kaniya. Who knows what happened pero iba ang pakikitungo ni Gali kay Ashari. Mahalaga siya sa anak mo Easton. Gali looks at her as if she's her real mom. If you kill her, ano sa tingin mo ano mararamdaman nitong bata?"

Lalong nagpuyos ang nararamdaman ni Easton. "Bakit kasi sa dinami dami ng babae, siya pa? Walang modo, walang galang, masama ugali, sinungaling, mukhang pera at walang takot miski kay kamatayan." Hoy grabe ka naman Easton, baka pag narinig ka ni Ashari bigla ka nalang sapakin non.

"Bakit siya pa napili ni Gali? I can hire a baby sitter! The one that will really take care of him. Hindi yung tatratuhin ang anak ko na parang batang hamog." frustrated na si Easton. Ang panget kasi ng ugali ni Ashari, ayan tuloy.

"Sa dami ng maids, butlers and personal body guard ni Gali, wala ni isa sa kanila ang itinuring ni Gali na Nanay niya. It's only Ashari, Easton. You can just pursuade her to treat your son better. She wants money anyways, she'll do whatever it takes para magkapera. Why don't you give her bribe para alagaan ng maayos ang anak mo?" suggestion ni Dyther.

Sinamaan naman siya ng tingin ni Easton na nakaupo sa isang sofa chair na nakatabi sa bed ni Gali. "You know what, you're the worst Consigliere I ever met. Ang panget mo mag advice." direktang sabi ni Easton.

Ngumisi naman si Dyther. Yup, tulad ng ama niya na si Salvador Elcano o Boy Vintage kung tawagin ni Ashari, si Dyther ay isa ding Consigliere-- "Correction Easton, Consigliere in the making. Hindi ko pa sure kung para dito ba talaga ako."

BABYSITTING THE MAFIA'S KIDWhere stories live. Discover now