CHAPTER 6 - VINTAGIO MUSEUM

8.8K 360 80
                                    

ASHARI'S POV

"Mamha alit (alis) tayo?" tanong sa akin ni 500M habang pinopolbohan ko siya.

"Oo, aalis tayo." maikli kong sagot. Ayoko ng makipag-usap sa kaniya ng matagal. Mamaya lang din naman e mag hihiwalay na kami.

Hindi na kami magkikita kahit kaylan!

Naka-upo siya sa sala set at ako naman nakaluhod sa harap niya. Pagkatapos ko siya polbohan, mulit kong sinuklay ang buhok niya. Inayos ko ito sa pinaka presentableng paraan.

Ginaya niya ako, sinuklay din niya ang buhok kong nakalugay gamit ang maliliit niyang daliri. "Mamha, taan (saan) tayo punta?"

Natigilan ako sa pag suklay sa kaniya pero siya patuloy pa din sa pagsuklay sa akin gamit ang mga daliri.

Tinitigan ko siya. Suot niya ang malinis ng polo shirt at cargo short. Naka tuck in na ito sa kaniya kaya lalo siyang naging maayos tignan. Malinis na din ang teddy bear niya kaya ito na ang nakalagay sa mga hita niya. Sayang, wala lang siyang sapatos. Naka paa lang siya. Bibilhan ko nalang siya mamaya ng sandals sa labas bago tumawag ng tricycle.

Kinuha ko ang kamay niya na sumusuklay sa akin bago ko siya sinagot sa tanong niya. "Pupunta tayo sa lugar kung saan ka talaga nararapat. Huwag ka ng magtanong ng magtanong ha."

Naiirita ako e. Ang dami dami niyang tanong, manong manahimik nalang para di ako nap-pressure.

Naalala ko kasi yung sinabi nung naka-usap ko kanina. Tegi daw ako kapag hindi ko naibigay si 500M. Hanep na'yan, bakit parang kasalanan ko na iwinala nila ang anak nila at sa akin siya pumunta para mag staycation? Walanjo, parang mga napipilitan pa na mag bigay ng 500 Million. Edi sana hindi nila ni-National TV. Kukurutin ko mga itlog nila e.

Muli kong tiningnan si 500M. Nakatingin lang siya sa akin at parang medyo nagtampo ng sinabi ko na huwag na siyang magtanong ng magtanong. Umirap naman ako, napaka-arte ng bata na'to. Ganon lang nagtatampo na? Pshh!

"Oi, ngiti ka nga." utos ko sa kaniya pano mukhang hindi maipinta ang mukha. Baka mamaya di pa siya pumayag na umalis kami edi gg pa ako.

Ngumiti naman siya at iyon na ang pinaka pilit na ngiti na nakita ko sa isang bata. Hahampasin ko 'to e. Grrr!

"Ngiti 'yung totoo, hindi yung ganyan. Para namang kinakawawa kita e." dapat happy siya kapag nakita siya ng mga magulang niya noh. Hindi pwede yung ganyan, ako matsutsugi at mukha siyang chinilde abuse sa itsura niya e.

Hindi naman na siya ngumiti. Yumuko lang siya at nagkunwaring nilaro laro ang teddy bear niya. "Palagi galit itaw Mamha ta akin." bulong niya habang nakayuko.

May biglang kumurot sa puso ko sa sinabi niyang 'yon. O bakit Ashari ha, totoo naman sinabi nitong 500M na'to bakit ka apektado?

"Anong galit? Hindi ako galit.!!!" asik ko. Bwisit na batang 'to, pasalamat nga siya kinukupkop ko siya. Kung hindi lang talaga para sa 500M baka pinatalsik ko na siya dito sa bahay e. Di marunong tumanaw ng utang na loob hmpf!

"Galit ka ulit, Mamha." nag-angat ng tingin si 500M sa akin. Nangingilid na ang luha niya.

Naihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko. Ano ba 'yang tingin niya, sobra mangonsensiya? Naf-frustrate ako, bwisit!

Pilit akong tumingin kay 500M. Tumulo na ang luha sa kanang mata niya. Pumikit ako at bumuntong hininga.

Inabot ko ang mukha niya at pinunasan ang luhang tumulo. "Hindi ako galit ok? Ayoko lang ma-attach sa'yo..." dahil maghihiwalay din naman tayo. Hindi na tayo magkikita kahit kaylan.

BABYSITTING THE MAFIA'S KIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon