CHAPTER 60 - FORMAL VISIT

2.9K 186 47
                                    

THIRD PERSON'S POV

Ano kaya pakiramdam ng isang araw nagising ka nalang na buong kamag-anakan mo pala ay mga bigating ferson.

Father mo President, half sister mo executive ng isang kilalang research company, older half-brother mo may-ari ng pinakamalaking port, twin brother mo may sariling golf course.

Buti nalang may 500 million ka kundi mukha ka nanamang kinawawang sampid.

Ganon ang feeling ni Ashari pagbangon niya sa kama. Nakatulala pa siya ng mga ilang minuto at pilit na kinukumbinsi ang sarili na baka panaginip lang ang lahat.

Ilang sapok sa mukha ang nagawa niya bago siya sumuko sa realidad na hindi talaga panaginip ang lahat.



"Mamhaaa good mowning!" ilang sandali pa may cute na cute na bebe boy ang bumisita sa kwarto niya.

"Galiiii!"

Tulad ng nakagawian, pinuno nanaman siya ng bata ng random 'I wuv yous' at mga halik sa pisngi.

Amoy laway pa nga si Ashari pero kebs lang. Amoy laway din naman si Gali e, quits lang!

Sandaling naglaro ang dalawa bago inabisuhan ni Angel na kaylangan ng gumayak ni Gali para sa pagdating ng Presidente.

Gagayak na din sana ang ating bruhildang bida ng biglang tumunog ang kaniyang IPHONE 14 PRO S MAX GALAXY.

"Anong kalokohan nanaman 'to?"

Biglang naco-corrup ang screen ng phone ni Ashari at may joker na lumalabas sa screen nagrerequest ng video call.

May nang-uuto yata sa kaniya e.

"Ha, edi mag-utuan tayong dalawa."

Hindi papatalo si Ashari dahil pabebe siya at ayaw niyang nasasapawan. Inilugay niya ang mahabang buhok paharap kagaya ng kay Sadako atsaka walang pagdadalawang isip na sinagot ang video call.

"Boooooh! Matakot ka bilisan mo dali!"

Aba demanding ang bruha! Kahit hindi na siya mag ganyan, nakakatakot na din naman ang itsura niya.

"What are you doing?"

Pagkarinig na pagkarinig ni Ashari sa boses, agad niyang tinanggal ang nakaharang na buhok sa mukha.

Kunot noo niyang pinagmasdan ang tumambad sa mata niya na lalaki na panay tattoo ang katawan.

Mas kapansin pansin kasi ang tinta nito sa buong braso paakyat sa balikat dahil nakasando lang ito.

"Rebel?"

Isang malupet na pagngisi naman ang sumilay sa labi ng lalaki kasabay ng mahinang pag-iling.

"You are calling me wrong, my little sister."

Nagtindigan lahat ng balahibo aa katawan ni Ashari ng banggitin ni Rebel ang 'my little sister'

"Ew! Ang cringgeeee! Tigilan mo Rebel nagmamaka-awa ako, nakakakilabot!"

"Don't just call be my name. Call me Kuya."

Kung hindi lang kakabili at updated version ang cellphone ni Ashari kanina pa niya ito naibalibag sa kilabot.

Parang nananadya pa kasi ang bwisit na Boy Tattoo na ito. Halatang tuwang tuwa sa reaksyon niya.


"Pwet mo! Umasa ka lang diyan, hinding hindi kita tatawaging kuya!" tudya ni Ashari. "Bakit ka ba tumawag ha? Kung wala kang magandang sasabihin, pwes huwag mong sinisira ang araw ko kung ayaw mong araw mo sirain ko!"

BABYSITTING THE MAFIA'S KIDWhere stories live. Discover now