CHAPTER 47.2 - STILL RAINING HARD

6.3K 382 162
                                    

THIRD PERSON'S POV

Dalawang linggo bago ang naganap na muling pagbabalik ni Ashari sa mga Marchese...

Tanging ang tunog na galing sa high heels na suot ng Secretary na si Shera ang umaalingawngaw sa tahimik na hallway ng mansion. Kagagaling lamang niya sa office ng kaniyang Sir Easton at lalabas siya para magpasala ng mensahe sa isang katransaction.

Sa kabilang side naman ng hallway, makikita din na naglalakad papunta naman sa office ni Sir Easton si Leonard...ang dakilang boy wonder around ng storyang ito. Ang kanang kamay ni Easton at ang tangin role niya e maging substitute kapag umaalis ang Under boss.

Si Shera at Leonard...silang dalawa ang pinaka pinagkakatiwalaan ni Easton. Kung wala ang dalawang ito ay tila napilayan na din ng isang paa ang Under boss nila.

Unang nagbigay ng tingin si Shera sa mata ni Leonard na kaagad namang tinugon ng lalaki.

"Tapos na ba ang preparation?" maikli at pabulong na turan ni Shera ng mag-abot silang dalawa.

"Oo, tayong dalawa nalang ang kulang." Sagot naman ni Leonard sa kaniyang pagtutuloy na paglagpas.

Biglang huminto sa paglalakad si Shera kaya naman lalong napuno ng katahimikan ang hallway.

Seryoso niyang tinitigan ang papalayong likod ni Leonard....

"Keep an eye on him..." ani ni Shera. Isang kaway ng kamay ang naging tugon sa kaniya ni Leonard.

Nang tuluyan na itong mawala sa paningin ni Shera, isang mabigat na buntong hininga ang lumabas sa bibig ng sekretarya.

Madiin niyang hinawakan ang dibdib at pilit na pinakalma ang sarili. She is a woman of dignity! Hindi siya pwedeng magpakita ng kahinaan ng loob.

"Kaunting panahon nalang..." humugot siya ng hangin bago tuluyang naglakad paalis.

Marami pa siyang gagawin. Si Leonard ang nakatokang magbantay kay Easton at sa mga Elcano.

Si Shera naman ay kaylangang bantayan sa ngayon si Angel at Nate sa mga ikinikilos nila.

Mahirap na. Maraming nagbago simula ng umalis si Ashari. Hindi sila pwedeng magkaroon ng pagkakamali!

_____

Pasimpleng nakamasid sa entrance ng garbong kusina ng mga Marchese si Shera. Pinagmamasdan niya ang mga nangyayari sa loob. Kung ok pa ba ang mga tao dito at kung buhay pa ba sila.

Nakafocus ang atensyon ni Shera kay Nate.

As usual....


Parang lutang na zombie ito habang nagluluto.

Sakto, may lumabas na capo na may dalang tray ng pagkain. Bumaba ang tingin ni Shera sa laman nito.

"Nanaman?" hindi niya maiwasang magreklamo.

"Ikaw pala Ms. Shera. Tsk, yes Miss, lugaw nanaman. Pakunswelo may monay naman ngayon. Mapipilitan nanaman kaming kumain sa labas, palagi nalang lugaw ang inihahain ni Chef Nate." reklamo din ng caporegime bago ito kakamot kamot sa ulo na umalis.

Miski si Shera ay nauumay na sa pagkain na nakikita niya. Dalawang linggo ng ganito. Simula ng umalis si Gali at si Ashari, panay walang lasa at walang sarap tapos panay lugaw pa ang hinahain ni Nate.

Lugaw na parang nilagang kanin lang.


Lumapit si Shera kay Nate. "Chef Nate, lugaw is essential, i won't argue with that, pero may budget tayo for the food and that should mean that you have to prepare us meals that is more appetizing."


BABYSITTING THE MAFIA'S KIDWhere stories live. Discover now