CHAPTER 63 - OUT OF SIGHT

1.4K 89 2
                                    


THIRD PERSON'S POV

Ha ha! "HAHAHAHA!" matatakasan nalang yata ng bait si Ashari. Bakit ba kasi lahat ng pinaplano niya e hindi nangyayari.

Sarado 'yung kwarto na pagkukulungan sana niya.

Forda takbo nanaman tuloy siya ngayon. Haysss ang hirap ng buhay niya! Pasalamat na nga lang siya at hindi baril ang peg ng mga humahabol sa kaniya ngayon.

Takbo...

Sige takbo lang, baka sakaling maiwala niya 'yung mga humahabol sa kaniya. Sa lawak ng Marchese, may chance naman siguro na mawala ang mga ito kaka liko niya sa kung saan saan.

Pero sa tingin ni Ashari bago niya maiwala ang mga person e siya muna ang mawawala.

DEAD END!

Napunta siya sa isang deadend na hallway.

As in walang likuan, walang babaan.

Purong pader itong nalusutan niya. Kung babalik siya sa pinanggalingan niyang hallway, maaabutan na siya ng espada ng dalawang panget. Putol ulo niya don panigurado. O kung hindi man e malalapa na siya ng mga doggies, putol paa naman siya don.

"Rawwrf!"

Speaking of the doggies.... "Ayan na silaaaa!"

"Ashari~ Ashari~ where are you~~"

Nangilabot ang lahat ng balahibo ni Ashari sa katawan ng mag echo sa hallway ang pakanta na pagtawag sa pangalan niya ng isa sa mga panget.

"Ashari~ Ashari~ ibigay mo si Gali~~~"

Gumihit ang matinis na pagkaskas ng katana ng mga panget sa pader. Ang saket na nga sa tenga ng boses nila, pati 'yung katana nila dumagdag pa.

"Rawrf!"

Tatlong aso na ang naka-amba na sumakmal kay Ashari doon sa dulo ng hallway. Nadidinig na din ang papalakas na yabag at kanta ng mga panget.

"Hindi...hindi pa pwede." mahinang bulong ni Ashari sa sarili habang nakikipag eye to eye sa mga doggies. "Hindi ko pa nakikita si Gali." nagsisimulang mangatog ang tuhod niya, unti unti siyang nilalamon ng mga negatibong bagay. "Chef Nate, nasaan ka ba?" pilit pinalalakas ni Ashari ang loob at tinatatagan ang sarili.

Baka may pag-asa pa, baka sakaling biglang may dumating na tulong.

"Bulaga!"

Natameme nalang si Ashari ng dumungaw doon sa hallway ang dalawang panget. Ang mga itsura, halatang hindi mapagkakatiwalaan.

Nanlalaki ang mga mata nila at nakangisi ng malapad. E ang laki pa naman ng pisngi nila.

"Andiyan ka pala Ashari~" pakanta pa ng isa.

"Ay wala..." mamimilosopo pa sana siya kaso naunahan na siya ng mga aso.

"Ah wala?" sagot nung isa. "Lapain niyo na 'yan!"

Akala mo mga leon na nagtatakbo ang mga aso palapit kay Ashari. Legit, ang tuhod niya tuluyan ng nanginig sa takot.

Forda chop chop later na nga yata talaga ang katawan niya. Mag b-babye na ba siya sa mga braso at binti niya?

Ano ba ang dapat gawin ni Ashari?

"ASHARI!!!!"

Walanjowa! Kung kaylan nginig na nginig na siya sa takot atsaka may tulong na dadating.

"UMAKYAT KA DITO!"

Out of nowhere, may humila sa mga braso ni Ashari pataas sa kisame. Kisame?

Mali, sa duct area 'to! Iyong duct system ng buong mansyon, kung saan pinapadaloy ang mga hangin.

BABYSITTING THE MAFIA'S KIDWhere stories live. Discover now