CHAPTER 9 - GUNS AND STARES

9.2K 396 81
                                    


ASHARI JENESSE S. FERELL'S POV


Tamang tago lang ako dito sa likod ng pader habang iniintay na matapos ang gulo at mga putukan ng baril doon sa ibaba.

Phew, buti nalang di pa ako natatamaan ng mga bala. Pangalawang beses na'yon a.

Kakainis naman kasi, sisilipin ko lang naman kung naglanding ba ng safe ang mga pera ko. Malay ko bang mahinang nilalang pala ang ama ni Gali kaya kinailangan pa niya ng tulong ko.

Tsk tsk tsk, paano nalang pala kung wala ako dito diba? Edi tegibumbum na silang lahat. Dapat parangalan ako bilang isang magiting na bayani e. Ang dami kong nasagip na buhay. I-s-suggest ko na pagawan din nila ako ng rebulto doon sa monumento.

Habang nakatago dito sa likod, parang unti-unting na-d-drain ang lakas ko. Parang ngayon bumababa ang adrenaline ko sa katawan kaya pakiramdam ko para na akong nanghihina.

Daig ko pa nalalantang gulay e.

Bumuntong hininga ako yumuko sa mga tuhod ko.

Hoy tao din ako, nakakaramdam ng takot. Sadyang may inspirasyon lang ako kaya ang tapang ko. Syempre yung 500 million ang inspirasyon ko, ano pa nga ba diba? Duh, 500 million 'yon. Kahit sino magsusugal ng buhay para sa ganoong kalaking halaga.

(A/N: Ashari ikaw lang! Ikaw lang ang baliw na magsusugal ng buhay. Wag mo kami idamay HAHAHA)

Unti-unting humuhupa ang gulo at palitan ng baril ng mga nasa ibaba. Parang nawalan na talaga ako ng lakas na tumayo.

Nakakarinig ako ng mga mahihinang sigawan.

"Sir, anong gagawin sa mga wala ng buhay?"

"Send them back to Silvia. They need to know na mali sila ng kinakalaban."

"Copy!"

"Sir, itong mga walang malay at at yung mga nakaposas?"

"Bring them to the basement. Isama niyo na'tong isang 'to."

Ano ba 'yung mga pinag-uusapan nila? Nagbalik lang naman ako ng naligaw na bata at kukuha ng pabuya pero bakit naging instant action star naman na ako ng wala sa oras.

"Safe na ba?" tanong ko sa sarili ko.

Wewz, ngayon pa ako nagtanong huh? "E yung mga pera ko, safe ba? Sana!!!"

Dahil nanlalambot pa ang mga tuhod ko. At kesyo curious ako kung safe na nga ba...ang mga pera ko, pagapang na sumilip ako sa dito sa third floor. Daig ko pa bulate na gumagapang dito sa sahig e. Dahan dahan akong dumungaw sa may rehas ng veranda.

Unang hinanap ng mata ko si Gali! Nakita ko kaagad siya. Buhat buhat na siya nung ama niya tapos hindi na siya umiiyak. Namumula yung ilong niya at halatang mugto ang mata pero ok na siya...

Ok na si Gali.

Whoo. Mapapa thank you Lord nalang talaga ako! Ang akala ko ako ang huling makakabuhat sa kaniya bago siya mapunta sa kamay ng mga maling tao e..

Hay! Buti nalang...para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan.

Dahil na sure ko ng ok na si Gali, agad kong tiningnan ang mga pera ko. Phewww, mukhang naglanding naman sila ng maayos.

Bukod sa kay Gali at sa pera ko, wala na akong panahon usisiin pa yung mga extra diyan. Basta talo na ang mga man in black. May ibang nakahandusay sa sahig, may iba naman na nakaposas at nakaluhod bantay sarado sila nung mga nakasuot ng sibilyan.

Sa sobrang pag-iisip at pag-aalala ko sa kayamanan ko, hindi manlang sumagi sa utak ko ang tanong na...

"Sino ba sila?"

BABYSITTING THE MAFIA'S KIDWhere stories live. Discover now