CHAPTER 29- SNEAK OUT

6.8K 380 87
                                    

THIRD PERSON'S POV

May isang malaki, mataba, maitim na babae ang taas noo na naglalakad sa pasilyo ng magandang mansion. Nakatali ang kaniyang buhok sa normal na high bun, naka-uniporme ng pang head maid atay karay karay na dalawang extrang maid sa kaniyang likudan.

Natural na malaki ang butas ng kaniyang ilong at makapal na labi kaya kung makakasalubong mo siya sa hallway, talagang masasabi mong...

Kamukha talaga niya ang isang Urang-...huwag na nating sabihin, masama ang magsabi ng totoo kung ito ay makakasakit sa damdamin ng tao, charot.

Huminto si Angel at ang kaniyang dalawang alipores sa nakasaradong pintuan ng playroom.

Ngumiti siya ng palihim, ini-imagine na kasi niya ang masayang ngiti ng kaniyang dating alaga na si Gali habang nakikipaglaro ito kay Ashari.

Dahan dahang pinihit ni Angel ang knob ng pinto, pumasok sila ng kaniyang mga alalay sa loob ng malaking playroom.

Tahimik...

Walang ni ha ni ho....

Doon na lalong nanlaki ang butas ng ilong ni Angel.

"ASHAAARIIIIIII!!!!!!" palahaw niyang sigawwww. Sumasagad na ang timpi niya kay Ashari!

Nasaan nanaman niya dinala si Gali? Napaka pasaway talaga ng batang 'yon! Walang ginawang tama! Lahat ng nasa libro na ibinigay sa kaniya, kabaligtaran ang ginagawa niya! Napaka tigas ng ulo!!!

"HUMANDA KA SA AKING BATA KAAAAAA!" gigil na gigil na nitong sigaw bago umuusok ang ilong na lumabas ng playroom.

"Hanapin niyo si Ashari! Huwag kayong titigil hanggat hindi niyo sila nahahanap ni Gali." utos niya sa kalahati ng maid na pinulong niya. Galit na galit si Angel, kulang nalang maging literal na Uranggutan na siya sa itsura niya ngayon.

Nagpulasan na lahat!

Sumugod papunta sa main kitchen si Angel. Kaylangan niyang makita si Nate, ang kaniyang sikretong irog. Kung hindi niya ito makikita at naku, baka takasan na siya ng bait kay Ashari.

Nagkita sila ni Nate, at gaya ng dati naging mala anghel na ngang muli ang pakiramdam ni Uranggu este Angel pala.

Lumabas sila upang sabay na hanapin si Ashari at Gali.

"Sinusulit talaga ng batang iyon na wala si Sir Easton at Sir Dyther. Napaka tigas ng ulo." pag kampi ni Nate kay Angel habang binabaybay nila ang hagdan papunta sa second floor para maghanap ng missing Ashari and Gali.

"Isang linggo na akong nag titiis sa batang iyon! Noong unang araw, inilabas niya si Gali at naglaro sila sa ulan! Pangalawang araw, nagpunta sila sa rancho at tumulong maghakot ng mga tae ng kabayo! Susmaryosep, hihimatayin talaga ako sa ginagawa ng Ashari na'yon kay Gali!" halos mapunit ang palda ni Angel dahil sa higpit ng hawak niya dito. "At hindi lang 'yon. Noong pangatlong araw, hindi niya pinaliguan si Gali, hindi din pinakain ng on time at hindi pinatulog ng maayos dahil naglaro sila sa playroom ng sobrang tagal! Kinabukasan, ganoon din ginawa niya! Hindi pa siya nakuntento, noong ika limang araw, sa wine production niya isinama si Gali, nilasing niya 'yung bata! Nate, nilasing niya si Gali! Pinainom niya ng pinainom ng wine. Ang high blood ko lalong tumataas."

Sa kakadiwara ni Uranggu, nalibot na nila ang buong mansion. Paikot ikot na sila ni Nate.

"Huwag kang mag alala Angel ko, hindi lang ikaw ang nape-perwisyo, kahapon ay sa kusina siya nanggulo! Hindi mo gugustuhing malaman kung ano ang ginawa niya kay Gali."

"Alam ko! Alam ko ang ginawa niya! Nireport sa akin ng isa kong maid. Pinaliguan niya ng icing ang alaga kong si Gali dahil nagbatuhan sila ng cake! Nakaka stressss talaga ang batang iyon! Hindi ba niya alam na hindi basta basta napapahidan ng kahit anong dumi ang katawan ng alaga ko?"

BABYSITTING THE MAFIA'S KIDWhere stories live. Discover now