CHAPTER 28- GALAXY IN HIS EYES

7.1K 398 141
                                    


ASHARI'S POV

Five years ago, jowa ko pa si Tony kulokoy na mukhang pinya, sabi ko sa sarili ko hindi ko ibibigay ng basta basta kahit kanino 'yung pers kiss ko.

Kahit hindi bongaycious, kahit walang pa fireworks effect sa background, kahit hindi sa romantic date, wapakels. Isa lang gusto ko, ibibigay ko 'yung first kiss ko sa taong papakasalan ko.

Ayaw kong makipagpalitan ng laway kahit kanino noh!

Kaya naman...

Parang biglang lumutang sa kawalan ang utak ko ng marealize ko na hinalikan ko si Isprikiton at hinalikan niya ako pabalik.

Parang gusto kong sapakin, bugbogin, lamugin, suntukin ang sarili ko sa katangahan. Anong masamang elemento ng hangin ang pumasok sa utak ko???

Si EASTON MARCHESE ANG FIRST KISS KO! SI EASTON NA MAFIA! SI EASTON NA MAMAMATAY TAO!!!!!

Parang ayaw magfunction ng braincells ko.

Dahil hindi na ako makapag-isip ng matino, si Isprikiton na ang tumapos ng halik. Tinitigan niya ako sa mata, tumitig din naman ako....

sa black eye niya!

Wala sa sarili na isinuot ko sa kaniya pabalik 'yung black glasses. Baka matawa pa ako ng wala sa oras. Bat ba kasi tinanggal ko pa 'yung salamin niya, parang gusto ko tuloy tumawa.

"Ehem." agad kaming napatingin ni Easton kay Dyther the Boy Hayop na tumikhim. "The kiss was very lovely." nakangiting dagdag pa ni Boy Hayop.

Nang-iinis siya! Alam ko na 'yang karakas ng masamang budhi niya! Alam niyang ang akward namin ni Isprikiton ngayon tapos sasabihin niya na lovely?

Dumako naman ang tingin ko kay Cannabeth kabet. Ha, ano ka ngayon ha? Diretsyo lang siyang nakatingin sa amin, walang emosyon sa mukha niya.

"Do you need more proof, Cannabeth?" suhestyon ng katabi ko na hindi ko ikinatuwa.

Magtigil ka Easton Isprikiton ha!

Nakita ko ang mahinang pagbuntong hininga ni Cabeth. Wow ha, so dapat kalmada pa den?

"I'll cancel the wedding engagement." nanlaki ang mata ko. Weeehhh? Ganon lang kadali sa kaniya 'yon? Wow! Kung ganito lahat ng tao sa mundong ibabaw, edi masaya sana. Napakadaling kausap! "Let's go back and let's start the meeting."

Hindi ko alam kung kanino ako ma-a-amaze. Kay Easton ba na nagtagumpay sa plano niya o kay Cannabeth na sobrang kalmado at sobrang chill pa din sa lahat ng nangyari?

Aba, kung ako siya kanina pa ako nakasapak! Kanina ko pa nasapak si Easton! Kung ako lang naman si Cannabeth noh.

Naunang sumakay ng kabayo si Cannabeth at hindi na kami inintay. Lumarga na ito paalis.

Sumunod naman si Dyther kasi isa siyang pekeng gentleman! Feeling niya super hero siya na nakasakay sa kabayo na dapat escortan si Cannabeth na broken hearted.

Naiwan tuloy kaming dalawa ni Isprikiton.

"Tss,"

Lumingon ako kay Easton ng bigla siyang nag spit ng laway!

Legit! Dumura siya!

"Hoy diring diri?" asik ko sa kaniya. Pinanlakihan ko siya ng ilong. Napakawalang hiya talaga ng bwisit na'to!

Tumitig naman siya sa akin. "Oo, nakakadiri." seryoso at walang pagdadalawang isip niyang sagot bago naglakad palapit doon sa kabayo niyang si Wesley.

Parang lahat ng dugo umakyat sa ulo ko! "PWE! PWE! PWEEE!" lahat ng laway na nasa loob ng bibig ko idinura ko din. Ipinarinig ko din kay Easton!

LECHE! WALA TALAGA SIYANG KWENTAAAA!

BABYSITTING THE MAFIA'S KIDWhere stories live. Discover now