CHAPTER 7 - MEET AND GREET

9K 382 43
                                    

ASHARI'S POV

Sabi nila kapag nasa bingit ka na daw ng kamatayan, magkakaroon ka daw ng flashbacks ng mga happy memories mo.

Hindi ko alam kung totoo ba 'yon o wala lang talaga akong happy memories kaya bukod sa walang flashback na naganap, e literal na na-brain freeze lang ang utak ako!

Nakayakap lang ako sa suit case ng kayamanan ko at madiin na nakapikit ang mata. Iniintay na tumama sa akin ang bala ng baril na ipinutok nung man in black.

Katapusan ko na nga yata talaga. Hindi pa man din ako ready imeet si sanatanas, pero parang wala na akong choice e.

Isang panalangin ang biglang nagcross sa utak ko. Sana po duling 'yung man in black para di niya ako matamaan. At kung hindi man siya duling, kung sakaling mapatay niya ako, aba isa siyang maswerteng nilalang dahil may plus points siya sa langit. Imagine, siya nakapatay sa kagaya kong pinaglihi sa sama ng budhi, 100 points siguro maiipon niya.

"WHAT ARE YOU DOING?! DROP YOUR HEAD YOU DIMWIT!!!!"

Naramdaman ko na may palad na dumakma sa ulo ko at iniyuko iyon. Sa sobrang lakas ng pwersa niya, hindi lang yuko ang nagawa ko! NAPAUPO PA AKO NG WALA SA ORAS!

PABIBO NAMAN 'TO KUNG SINO MAN SIYA! KITANG NAGKAKALKULA AKO NG PLUS POINTS SA LANGIT NG MAKAKAPATAY SA AKIN TAPOS E-EPAL? KULANG SA ARUGA HA? KULANG SA PAGMAMAHAL!!!?

Napatakip ako sa tenga ko at napapikit ng madiin ng bigla siyang magpaputok ng baril doon sa kalaban! Walanjo walanghiya, susginoo! Ano na bang nangyayari? Ayokong magdilat ng mata! Basta safe ang suitcase na hawak ko, ok na ako doon! Basta bawal to matamaan ng bala, baka madamage ang pera sa loob! Sayaaanggg!

"KILL EVERY MARCHESE THAT WILL GET ON YOUR WAY! HUWAG KAYONG MAGTITIRA KAHIT ISA!" narinig ko ang malakas na sigaw ng nasa kabilang panig. For sure yun yung mga man in black.

Narinig ko ang galit na ekspresyon ng lalaking nakahawak pa din sa ulo ko. Aba, baka gusto niyang bitawan noh?

"PAPAAAAAAAA!" shocks! Si Gali! Andito pa siya, nakikita niya lahat ng nangyayari. Yung putok ng baril naririnig niya. Hindi pwede. Hindi pwede! Ang bata pa niya para makasaksi ng mga ganito. (Oo Ashari, tapos ikaw nakapa-upo diyan tapos nakapikit dahil sa sobrang takot, kala mo kung sinong tapang tapangan, duwag naman pala) "MAMHAAAAAAA!"

Noong narinig ko na tinawag ako ni Gali, doon na ako nag dilat ng mata.

"GET GALI NO MATTER WHAT! THIS IS A LIFE AND DEATH ORDER!!" sigaw ng lalaking nakikipag barilan habang nakaharang sa akin.


In a snap, may mga nagsisigawan na. Hindi ko na alam kung ano na ba ang nangyayari. Palitan ng putok ng baril, sigawan ng mga nag lalaban.

"Magpapakamatay ka ba? Bakit ayaw mo pang umalis! Tumakbo ka na paalis dito hanggat pinoprotektahan kita!" galit na singhal sa akin nung lalaking naka hawak sa ulo ko. Bwisit na lalaki 'to, ginagawa niya kaya akong dantayan!

At isa pa, ako pinoprotektahan niya? Bakit, inutusan ko ba siya ha? Bakit parang kasalanan ko pa na pinoprotektahan niya ako e siya tong nag volunteer!

"ALIS NA SINABI!!!" singhal niya

"Bitawan mo kaya ulo ko noh!" pinalis ko naman ang kamay niya. "Tatakbo na nga e, mabaril ka sana diyan." bwisit siya! Yabang yabang. Niyakap ko ulit ang suitcase ko at hinanda na ang sarili ko na tumakbo paalis. Leche ang ingay!

Ihahakbang ko na sana ang paa ko ng biglang may bala na dumaplis sa buhok ko papunta sa sahig kung saan sana ako aapak.

"Aahhhhhhh WALANG HIYAAA!" sigaw ko at napakayakap nalang ng wala sa oras sa lalaking nakaharang sa akin.


BABYSITTING THE MAFIA'S KIDWhere stories live. Discover now