CHAPTER 52 - MISUNDERSTANDINGS

4.7K 266 81
                                    

Third Person's POV

Tanging ang tunog na galing sa high heels na suot ng Secretary na si Shera ang umaalingawngaw sa tahimik na hallway ng mansion. Kagagaling lamang niya sa office ng kaniyang Sir Easton. Lumabas siya para hanapin ang kaniyang Boss na kanina pa hindi mahagilap. Nais niyang ipa-alala dito na ilang oras nalang ay susunduin na nila si Galileo sa airport.

Saan kaya nagpunta si Sir Easton? Hindi kaya pinuntahan nito si Ashari?

Samantala, sa kabilang side naman ng hallway, makikita din na naglalakad papunta naman sa office ni Sir Easton si Leonard...ang dakilang boy wonder around ng storyang ito. Ang kanang kamay ni Easton at ang tangin role niya e maging substitute kapag umaalis ang Under boss.

Si Shera at Leonard...silang dalawa ang pinaka pinagkakatiwalaan ni Easton. Kung wala ang dalawang ito ay tila napilayan na din ng isang paa ang Under boss nila.

Unang nagbigay ng tingin si Shera sa mata ni Leonard na kaagad namang tinugon ng lalaki.

Dejavu? Hindi niyo ba feel na parang nabasa niyo na ang eksena na'to sa mga nakaraang chapter? (SEE CHAPTER 47.2 HAHAHAHA)

"Are you ready?" maikli at pabulong na turan ni Shera ng mag-abot silang dalawa.

Tumango ng isa si Leonard. "You?" tanong naman ni Leonard sa kaniyang pagtutuloy na paglagpas.

Biglang huminto sa paglalakad si Shera kaya naman lalong napuno ng katahimikan ang hallway.

Seryoso niyang tinitigan ang papalayong likod ni Leonard....

"I waited for this day, Leonard..." ani ni Shera sa halos may nginig na boses.

At sa wakas, huminto din si Leonard sa paglalakad palayo. Unti-unti siyang humarap sa direksyon ni Shera. Nagtama ang mata nilang dalawa. Ilang segundong nangusap ang mata nila. Mga pangungusap na silang dalawa lang ang nagkaka-intindihan.

Para bang sila nalang ang dalawang tao na nandito, well, sila lang naman talaga ang nasa hallway.

 Ito na ang araw na ini-intay nilang dalawa. Ito na'yon, mangyayari na talaga.

"I waited for this too..." ang sagot na bumasag sa katahimikan na namamayagpag sa hallway.

Humakbang ng isa palapit si Leonard kay Shera, hanggang sa maging dalawang hakbang ito...tatlo...apat...lima...anim...

Leonard stopped one stepped away from her.

Sa hindi kalayuan naman, saktong naglalakad pabalik si Ashari pabalik sana sa kwarto niya. Galing pa siya sa bahay ni kumareng Helen. Nagmamadali pa siyang tumakbo kasi baka mahuli siya sa paggayak e maiwan pa siya sa pagsundo kay Galileo.

Napahinto si Ashari sa paglalakad ng makita niya sa gitna ng hallway si Shera at si Leonard. Mabilis pa sa alas kwatro na patakbo siyang nagtago sa pinakamalapit na halaman para makichismis sa kung ano ang ganap ng dalawa don.

"Are you really sure you have already made up your mind? We are betraying him, Leonard."

Nangunot ng todo ang noo ni Ashari, ang tenga niya kulang nalang maging kasing laki ng elepante para masagap ang legit na chismis.

Walanjo, anong betrayal ba itong naririnig niya?

Sino si him?

"Yes, we can be killed." naletter O ang bibig ni Ashari ng sumang-ayon si Leonard.

Parang napagtatagpo tagpo niya kung sino ang pinag-uusapan ng dalawa. Haler, sino ba ang mahilig tumegi diba? Kapag kill-kill emerut ang usapan, kilalang kilala ni Ashari kung sino 'yon.

BABYSITTING THE MAFIA'S KIDWhere stories live. Discover now