CHAPTER 5 - FULLY LOADED

9.3K 366 30
                                    

ASHARI'S POV

Kasalukuyan akong nagpapaload dito sa maliit na sari-sari store ni Aling Marites. Alas syete na ng umaga. Kaylangan ko na ng load para matawagan ko na ang magbibigay sa akin ng kayamanan ko MWAHAHA!

Karga karga ko ang 500 Milyones ko. Nilalaro laro niya si Winnie the pooh kaya wala siyang pake sa paligid.

"Woww ang cute cute naman ng batang iyan Ashari. Kinidnap mo 'yan noh, umamin ka." kita mo 'tong si Marites hindi lang chismosa, napaka judger din!

"Aling Marites, kung wala ka din namang magandang sasabihin, pwede ba na pakiputulan nalang ng etits yung pusa mong lalaki at paki talian na din ang obaryo ang pusa mong babae para di sila sa bahay namin naglalampungan." inis na sabi ko bago inilapag ang isang daan at dos pesos kong bayad sa maliit na butas ng tindahan niya.

"Panget talaga ng ugali mong bata ka! Pati pusa ko di mo pinapalampas!" inis din na kinuha ni Aling Marites ang bayad ko. Pagbalik niya, dala na niya ang cellphone niyang de keypad. "O ayan, itype mo na number mo."

Kinuha ko ang cellphone ni Aling Marites. Ano ba naman 'tong cellphone niya, di na makita numbers. Burado na. Habang nag t-type ako, nararamdaman ko na nilalaro laro ni 500M ang buhok ko.

"Ano ba 'tong cellphone mo Aling Marites, kasing tanda yata 'to ni Enrile e. Jurassic na Jurassic ang itsura." ibinigay ko na ulit kay Aling Marites 'yung cellphone niya.

Hindi naman ako sinagot ni Aling Marites. Nagtaka ako kung bakit tahimik siya, pagkita ko, nakatitig siya kay 500 M.

"Parang pamilyar sa akin ang mukha ng batang 'yan." sabi ni Aling Marites habang inaabot ang jurassic phone niya. "Parang nakita ko na siya hindi ko lang matandaan kung saan."

Bahagyang nanlaki ang mata ko. Omygulay! Mukhang mag kakaroon pa ako ng kaagaw sa 500 M ko.

Agad kong itinalikod si 500 M. "Ay pamangkin ko to sa pinsan Aling Marites. Nagkita na kayo dati nung 6 months palang siya." pag-a-alibi ko.

Nagkunot naman ng noo si Aling Marites. Parang inaalala niya kung talaga bang may pamangkin ako sa pinsan. "Hmm, baka nga, kaya siguro siya pamilyar."

Nag ring na ang cellphone ko kaya alam ko na naload na ni Aling Marites. Magmamadali pa naman sana akong umalis ng may biglang nagsalitang nilalang na nakasandal sa gilid ng tindahan ni Aling Marites.

"Ashari." malalim na boses niyang tawag sa akin.

Leche, lahat ng balahibo ko sa katawan nagtayuan ng marinig ang nakakakilabot na boses na'yon!

Huwag kang lilingon Ashari! Huwag kang lilingon!

Nagkunwari ako na wala akong narinig. Maglakad na sana ako ng bigla niya akong hawakan sa balikat para pigilan.

"Ashari, mag-usap na tayo. Hindi ko sinasadyang lokohin ka. Nangangako akong nagbago na ako at kaya kong patunayan iyon sa'yo."

YUCK! YUCK! YUCK! AS IN YUCKKKK TO THE MAX!

Siya si Tony Perez, leader ng pipitchuging gangster dito sa brgy namin. Ex ko siya, 5 YEARS AGO!!!

Walang hiyang lalaki 'to! Ang tagal tagal na nung natapos relasyon namin. 13 years old palang ako non! Hindi pa din ba niya makalimutan 'yon? Araw araw, walang palya tuwing nakikita niya ako ganyan siya.

Isa siya sa pinaka malaking pagsisi na nangyari sa buhay ko. Napaka tanga ko nung 13 ako at pumatol ako sa gangster wannabe na'to. Kadiri talaga! Ang panget panget niya! Mukha siyang pinya! Kung ma-ibabalik ko lang ang nakaraan, isa siya sa mga taong aalisin ko sa buhay ko nung 13 ako!

BABYSITTING THE MAFIA'S KIDWo Geschichten leben. Entdecke jetzt