CHAPTER 56 - SIMPLE PLAN

3.9K 269 194
                                    

Simple lang naman ang plano ni Easton para makuha si Galileo pabalik sa kanila.

"Our main goal is to win the white mask in the auction."

Nang sabihin ito ni Easton ay kasalukuyang nakikipagtalo si Ashari sa antok kaya nawala siya sa track ng plano.

Kumbaga sa gyera, sumasabak si Ashari ng kulang sa aruga at pagmamahal.

Basta ang alam niya, dapat malaman nila kung sino si Tobias na nasa likod ng mask. Doon, malalaman din nila kung saan dinala si Gali.

_______

The party went soooooo well.

Kamustahan ng mga nagpaplasticang mafian organization. Recognition ng mga achievements. Presentation ng milestone ng MPO at Mafian orgs.

Binanggit din ng pahapyaw ang sa Project ExG na tila ba parang ipinagdadamot pa sa bilis ng pagpresent at pag talakay. Edi waw!

After ng mga ganap na'yon, natapos na din sa wakas ang pinaka boring na parte ng program para kay Ashari.

Kasi naman, wala siyang part at hindi siya ang bida sa eksena kaya bored na bored siya.

Tapos ang mga nagpepresent pa ay nandoon sa may elevated stage malapit sa lamesa ng executives. Hindi gaanong tumitingin doon si Ashari kasi nababadtrip siya sa mga mukha ng mga executive na nagpatalsik sa kaniya dati.

"Kung hindi sana ako pinatalsik ng mga 'yan edi sana hindi kami nagkahiwalay ni Gali." bulong ni Ashari sa sarili.

Naka-ilang plato nga siya ng kutkutin para lang maalis ang pagka-inip niya.

Si Easton, ayorn, chillax na chillax. Halatang laki sa mga boring na party. Sanay na sanay si Easton na naka-upo lang buong magdamag. May part naman siya bilang Underboss ng pinaka makapangyarihang Mafian org pero kahit na. Mas maraming beses pa din ang pag-upo niya.

Pinagmamasdan nga siya minsan ni Ashari. Ang gwapo talaga letse! Tapos magtatama ang tingin nilang dalawa.

Ngingiti sa kaniya si Easton kaya lalong laglag panty siya.

"Focus on Tobias, not me." ibubulong pa nito.

Talantod ka Easton! Bahala ka pag kay Tobias na talaga nag focus si Ashari.

"Ang panget naman kasi tignan ni Tobias. Parang ang sarap drawingan nung puti niyang maskara e." Sagot naman ni Ashari.

Lumipas pa ang ilang mga sandali....

"Easton, nasaan 'yung Presidente? Bakit hindi pa din nagpapakita?"

Patapos na yata at lahat ang party e wala pa din ni anino ng Presidente.

"He comes at the ending part of the auction. Usually, siya ang nagbibigay ng item na offer ng MPO sa makakakuha nito. He does that because he mainly believes that that shows harmony between MPOs and mafias."

"Paimportante yarn?"

"You can consider it like that. Especially that he only appears to give the item and to bid his closing remarks. In total, he shows up for a 30 minute period and vanishes after like a thin wind. Peter is a very private person that even I, myself, rarely meets him. It is his executive's job to handle communicational work."

Napataas kilay si Ashari sabay sumubo ng brownie. "Paano ba mag-apply bilang presidente ng MPO? Parang ang dali ng trabaho niya e."

"You would not want that if----"

"Easton--" hindi pa natatapos ang sasabihin ni Easton sa biglaang pagpigil sa kaniya ni Ashari. "Nawala si Tobias." halos gulantang na wika ni Ashari habang inililibot ng tingin ang buong lugar. "May sa aswang ba'yon? Wala pang tatlong segundo nung huli ko siyang nakita."

BABYSITTING THE MAFIA'S KIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon