ILLICIT AFFAIR 1

1.1K 39 5
                                    

JIMIN POV

"Alis muna ako!" paalam ko sa ka roommate ko bago ako umalis. Baka kasi magulat ito na nawawala ako at wala akong paalam. Mamaya biglang tumawag sa 911. Hahaha. Baka lang naman.

"Hoy! Anong oras na lalabas ka pa?! Hindi mo ba narinig yung mga bali-balita nitong nakaraan?" nagaalalang tugon nito.

"Ha?" anong bali-balita sinasabi nito? Ang alam ko lang maraming magagandang club dito sa amin kaya dinarayo itong lugar namin.

"Nasakop na daw ng mga drug lord itong lugar natin! Mamaya may kung ano pang mangyari sa iyo d'yan kapag lumabas ka ng ganitong oras! Mamaya ma bugbog ka, manakawan, mapagbintangang nagda drugs or worst, magahasa ka!"

Hindi ko naman napigilan na mapatawa dahil sobra naman sa pagka OA ang naiisip nitong ka roommate ko.

"Hay naku. Kaya hindi makulay life mo kasi masyado kang nega. Relax. Sa club ang diretso ko at dito ang uwi ko. Besides, ineenjoy ko na ang after graduation life bago ako magtrabaho."

Nailing nalang ito sa akin at bago ako tuluyang makalabas ng pinto ay saka siya nagsalita, "Bahala ka. Basta tandaan mo huwag kang hihingi ng tulong sa akin dahil siguradong tulog na ako kapag may nangyaring hindi maganda sa iyo mamaya."

Tinawanan ko nalang ang sinabi niya at tuluyan ng umalis papuntang club. Masyado siyang nega. Palibhasa hindi pa niya narerealize na boring ang pagtatrabaho lalo na kung hindi ayon sa iyo ang tadhana at syempre pati ang kinuha mong kurso sa kolehiyo.

Business related kasi ang kinuha kong course kaya nga lang, kinuha ko iyon hindi dahil gusto ng parents ko o gusto ko. Kinuha ko iyon dahil sa naging highschool crush ko. Nalaman kong iyon ang gusto niyang course kaso hindi umayon ang tadhana sa akin. Sinundan ko siya sa napili niyang pasukan na university at course (dahil ganuon ako kapatay sa crush ko) pero bukod sa hindi ko siya naging kaklase ay pagkatapos ng first semester nag migrate sila ng pamilya niya abroad kaya imbis na mag shift pa ako eh itinuloy ko nalang at inenjoy ang naging course ko kaso sa sobrang enjoy naman pakiramdam ko wala akong natutunan.

Dahil hindi naman ako nagmamadaling makapunta ng club, naglakad nalang ako papunta duon. As if namang may mangyayari sa aking masama eh simula ng mag college ako natuto na akong pumarty tho hindi ko naman pinababayaan ang pagaaral ko.

Pagdating ko ng club ay agad akong umupo sa counter dahil wala pa ako sa level kung saan gusto ko magwala este sumayaw sa dance floor. Isa pa, hindi agad dumarating ang mga magaganda at gwapo sa ganito. Madalas huli silang dumarating kung saan karamihan ay hulas na ang mukha.

Tumingin-tingin ako sa paligid bago ako umorder ng maiinom

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tumingin-tingin ako sa paligid bago ako umorder ng maiinom.

"Blue heaven martini."

Saglit akong tinignan ng bartender at lihim na ngumiti bago gawin ang inorder kong drink.

Problema nito? Masama bang umorder ng blue heaven martini? Dahil ba sa considered siya na ladies drink bawal na siyang inumin ng gaya ko? Kung sabagay, hindi ko naman siya masisisi dahil kahit ang mga nakasama ko sa bar ay nagtaka din. Eh sa mababa ang tolerance ko sa alak.

Pagkakuha ko sa drink ko ay agad ko itong sinimsim at minabuting ilibot ang tingin ko sa mga ibang customers na nasa luob. Ang daming magagandang babae pero ang unti ng mga gwapong lalaki. Napabusangot ako dahil duon.

Sa mga hindi nakakaalam, I'm gay. Not a closet or cross-dresser type of gay. Just gay. Hindi ko nga alam paano nangyari iyon eh sa may naging crush akong mga babae pero namalayan ko nalang na unti-unti na akong nagkakagusto sa isang lalaki ng libangin ko ang sarili ko sa lungkot ng mawala ang naging crush ko nuon na siyang sinundan ko pa sa naging university ko.

I didn't try to hide my feminine side kaya hindi rin naging mahirap sa mga naging kaibigan ko na tanggapin ang sexualidad ko tho 'yung iba nang hihinayang kasi ang gwapo ko pa naman daw. As if namang magiging kakulangan ng pagkatao ko ang sexualidad ko.

Nagsisimula ng lumakas ang mga kalabog ng tugtog na pinapatugtog ng DJ na nasa itaas na bahagi ng club at dumarami na rin ang mga tao pero hindi pa rin ako umaalis sa pwesto ko at naka tatlong order na ng iniinom ko.

Hindi ko alam kung tipsy na ba ako dahil nagsisimula na akong matulala sa kawalan kaya para labanan ito, tumayo na ako sa pwesto ko at pumunta sa gitna para sumabay sa alon ng mga kapwa ko party goer sa kanilang pagsayaw. Wala naman akong magiging problema kung pagsasayaw ang paguusapan. Miyembro ako sa isang dance group ng highschool at college.

[ Now Playing: Martini Blue by DPR Live ]

Nagsimulang sumabay ang katawan ko sa mga nagsasayaw at pakiramdam ko, sa sandaling oras, wala ako realidad lalo pa't nagsisimula ng maglaro pati ang mga ilaw kaya hindi na ako nag atubiling makipag sayaw sa kung sino gustong makipagsayaw sa akin.

Wala pa sana ako balak na tumigil sa pagsasayaw kung hindi ko lang namalayan na muntik ko ng mahalikan ang babaeng kasayaw ko na nakapulupot na ang mga kamay sa leeg ko.

"Hey, wait." nanghihinyang at gulat na tawag nito sa akin ng bigla akong kumalas sa kanya.

Shit. That was close. I haven't had any romantic relationship before that's why I don't want to loose my first kiss from a stranger I just met.

Hindi ko ito nilingon at nagpatuloy lang sa paglalakad hanggang sa makalabas ako sa dance floor kung saan nakipagsiksikan pa ako at dahil duon nakaramdam ako ng pagkahilo.

Okay, Jimin. Oras na para umuwi.

Habang pinapatili kong nakabukas ang mga mata kong nagsisimula ng manlabo dahil sa tama ng alak at pagsasayaw, sinubukan kong pumunta ng cr para maghilamos ng mukha para tumagal ang ulirat ko ng may mabangga ako.

Aish. Ano ba iyan. May tama na rin ba itong nakabanggaan ko?

"Master Min, ayos lang po ba kayo?"

Hindi ko masyadong maintindihan ang narinig kong ingay malapit sa akin dahil nafocus ang nanlalabo kong mga mata sa taong nilingon ko --- napatingin ako sa singsing na nasa palasingsingan nito. Napangisi ako sa isip ko. Anong ginagawa ng gaya niyang may asawa na sa ganitong lugar? Sinundo niya ba ang asawa niya? O ang kabit niya? O baka naman, wala sa dalawa kong nasabi dahil siya ang may ari nitong lugar na ito?

At bakit nakatayo pa rin sila sa harap ko? Wala ba silang balak na umalis? Ah, alam ko na!

"P-p-pasensya. ." hindi ko halos mabuo ang salitang gusto kong sabihin basta ang alam ko yumuko ako para humingi ng paumanhin sa nangyari at ng makapunta na ako ng cr kaso naramdaman kong hinila ng kung sino ang kwelyo ng damit ko at dahil sa biglang paghila sa akin ay hindi ko na napigilang masuka.

"You'll regret this." nagngingitngit na sabi nito at nagsimula ng dumilim ang paningin ko.

------------------------------------------------------

A/N:

Date Published: April 11, 2021 at 03:13 AM

Oh hello. Hindi ako sure kung okay itong simula ng kwento. As I said nga, ngayon palang ako naka experience gumawa ng fan fiction. I actually made this as an appreciation story kasi I noticed most of you mukhang mga ARMY so iyon lang naman. Hahaha.

Kitakits sa sunod na update mga ka meow meow. Ichi ni san nyaa arigato!

ILLICIT AFFAIR (YOONMIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon