ILLICIT AFFAIR 23

243 17 7
                                    

JIMIN POV

Pag alis ng kambal dumiretso tulog kami ni Yoongi. Sa guest room ako dapat matutulog pero dahil makulit siya, we ended up sleeping together sa kwarto niya ng again, magkatabi. Ayaw ko sana dahil naiilang ako but I have no choice dahil sa pagiging makulit niya at isa pa, inaantok na din talaga ako kaya hindi na ako nakipagtalo pa sa kanya.

Magaala-una na ng magising ako sa bisig ni Yoongi. Nakaunan ang ulo ko sa braso niya at nakayakap kami sa isa't-isa. Hindi ko tuloy napigilan ang pagkalabog ng puso ko. Ramdam ko din ang pamumula ng mukha ko dahil sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Sobrang amo ng mukha niya. Ibang-iba kapag gising siya at nasa office. Napangisi ako dahil duon. Pinagmasdan ko maigi ang mukha niya habang pinapakinggan ang marahan niyang paghinga. Hindi ko alam paano pero kusang gumalaw ang kamay ko para haplusin ang mukha niya na napunta sa pagkatuwa ko sa paghawak sa kilay at tenga niya kaya hindi kataka-taka kung magising siya dahil sa ginawa kong iyon.

"Jiminnie." tawag niya sa pangalan ko gamit ang kanyang 'bedroom' voice. Napalunok ako dahil bigla akong may naramdamang kakaiba sa sistema ko.

"Hi, Yoongi." malumanay kong tugon at nginitian siya.

Naestatwa ako ng bigla niyang ilapit ng husto ang katawan niya sa akin at pagkatapos ay namalayan ko nalang na magkadikit na ang mga labi namin. Paglayo niya sa akin ay nakita ko siyang nakangisi kaya sa inis ko ay hinampas ko ang braso niya.

"Jimin-ah!" nanlaki ang mga mata niyang banta sa akin.

"Bakit ka nanghalik?! Sira ulo ka ah!" tugon ko at naiinis na umalis sa kama para magpunta ng cr at ayusin ang sarili ko.

"Can you blame me? Your boyfriend, Jiminnie? Blame your pouty lips instead! That lips of yours keeps on teasing me, that's why I kissed it!" protesta niya at tumayo na rin ng kama para sundan ako.

Hindi ko nalang siya pinansin at naghilamos ng mukha ko. Ugh, I need this. Baka sakaling mawala yung kakaibang pakiramdam ko dahil sa ginawa niya.

"There's a spare toothbrush there inside the cabinet, use it if you want. Meet me downstairs once you're done. We'll go out."

"Huh? Saan tayo pupunta?"

"Anywhere we want, baby."

Nang makalabas siya ng kwarto niya ay saka lang ako bumalik sa realidad. Duon ko lang nagawang iikot ang tingin ko sa kabuuan ng kwarto niya at ng pinasukan kong cr sa luob ng kwarto niya. Duon ko lang natitigan ang repleksyon ng mukha ko sa salamin. Wala namang nagbago. Iyon pa rin naman ang mukha ko pero sa relasyon namin ni Yoongi na siyang boss at pinagkakautangan ko ay meron.

Ayaw ko man aminin dahil parang hindi totoo pero oo, magkarelasyon na kami. Malungkot nga lang isipin na mabilis lang matatapos ang relasyong ito na si Yoongi ang initial na may gusto na mangyari ito.

Napabuntung-hininga ako.

Hindi bale. Sisikapin ko nalang na ienjoy ang ganitong set up namin hanggat nandito pa ako sa so-called 'relationship' namin na ito at maglalagay ako ng boundary sa amin para hindi ako tuluyang mahulog at masaktan sa huling araw naming dalawa bilang kami.

Sana din ay magkaayos sila ng bruhilda niyang asawa dahil mas makakabuti iyon sa kanila ni Yoongi at sa kambal nilang anak at mas madali akong makaka get over kapag nakita kong masaya na silang pamilya dahil ipapaalala nu'n sa akin na hindi ako dapat magmahal ng taong alam kong pagmamay-ari ng iba. Sana nga lang talaga ay walang ibang makaalam ng tungkol sa amin. Desisyon ko na pasukin itong ganitong relasyon kaya dapat tanggapin ko kung ano man ang mangyari sa huli kahit gaano pa masakit pero sana hindi ganuon kasakit kasi pipilitin kong hindi mahulog ng lubos sa kanya.

ILLICIT AFFAIR (YOONMIN)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt