ILLICIT AFFAIR 27

221 13 3
                                    

JIMIN POV 

Today's Monday and the start of my week 2 relationship with my boss a.k.a Min Yoongi. After niyang umuwi kahapon from our indoor 'date' kung matatawag mang date iyon dahil para sa akin surprise iyon eh pinag isipan ko ng maigi ang mga naging usapan namin ng mga kaibigan ko sa rainbow puffs especially yung sinabi ni Holland. I admit. he really has his good and realistic point and I know kahit maghilig magsabi ng kalokohan sina Taemin at Hyunwon, alam kong maging sila nagaalala din sa akin. They were actually right kung saan sila concern regarding my relationship with Yoongi. He's my first 'boyfriend' and I've never been into a relationship. Yes, I admit na naexperience kong maging super 'inlove' sa naging crush ko nuon na dahilan pa nga kung bakit ako pumasok sa university kung saan akala ko magbubunga ng maganda ang ginawa ko and at some point naisip ko rin na baka kung hindi umalis ang babaeng iyon ay baka nagkaruon ako ng courage na ligawan siya and baka naging 'kami' pa na hindi malabong mangyari dahil alam kong kilala ako ng naging crush ko na iyon dahil medyo popular nga ako nuong high school. 

Aware naman ako na mali ang ginawa ko na pagpayag sa kanya sa gusto niyang mangyari knowing na may asawa siya and in the end, ako 'yung ika nga ng mga mangja-judge sa akin mas may kakayahan para lumayo sa tukso pero hindi ko ginawa. I mean, I don't know, hindi naman dahil sa 'crush' ko siya kung bakit ako pumayag talaga. Oops. I know what you're thinking. Don't mimic my friends and tell me na ang dami kong sinabing hindi magaganda about Yoongi but I must admit, that man is really handsome and maybe, just maybe, if he wasn't married and doesn't have kids, I would have probably taken a liking on him on the very first place that we met. But going back to the topic, the reason why pumayag ako was because of the said debt na idodoble niya kapag hindi ako pumayag sa gusto niya knowing na hindi pa bayad 'yung original na reason kung bakit ako nagtatrabaho sa kanya ngayon plus the fact na hindi ko alam kung nasabi ko na ito nuon sa inyo, he's somewhat giving me this 'I know, You know' vibes to me and 'yung sinabi pa nuon ni Mr. Jung sa akin ng una kaming nagkakilala is not helping. Remember what he told me? 

"What a lucky person you are, Mr. Park. Anyway do you think what happened today was a coincidence?" 

Like, I don't know. Pakiramdam ko nagkita na kami ni Yoongi before. At some point, I think everything that had happened is no coincidence. O baka ako lang ang nagiisip nu'n? Pero hindi eh kasi ng makilala ko ang family ang friends niya, 'yung dalawa na pinaka malapit sa kanya para bang kilala ko rin at kilala din nila ako base sa mga tingin na binibigay nila sa akin ng una kaming magkita especially si Jin. But whatever is it, coincidence or not, ayaw kong makasira ang pamilyang nabuo na ni Yoongi with Irene kahit gaano ko pa ka-hate 'yung babaeng iyon dahil ayaw kong mag suffer ang kambal ng dahil sa kasalanang ginagawa namin ngayon ng Appa nila. Hay. Sana matapos na agad ang one month na ito. Ayaw ko na ng isipin. At gaya ng una kong plano nuon, mabayaran ko lang ang pagkakautang ko sa kanya ay magreresign na agad ako sa kompanya niyang ito para maging mabilis lang ang lahat sa akin na kalimutan siya.

Napabuntung-hininga ako habang inaayos ang sarili ko sa harapan ng salamin. Kailangan ko ng puntahan si Yoongi sa office niya at malapit na 'yung conference meeting para sa mga tulad niyang business man na kailangan naming puntahan. Hectic ang schedule namin this week kaya probably hindi rin kami gaanong magkakaruon ng moments na dalawa which is good lalo na sa akin lalo pa at aware na ako na hulog na ako kay Yoongi, mas magiging mahirap sa akin kung lagi kaming magkakaruon ng moments na dalawa ng magkasama dahil after ng one month babalik din naman kami sa dati at ayaw kong magmukhang desperadong ex kapag nangyari iyon na humihiling na maibalik yung atensyon ibinibigay niya sa akin ngayon. 

 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
ILLICIT AFFAIR (YOONMIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon