ILLICIT AFFAIR 26

197 16 4
                                    

JIMIN POV

Kakatapos ko lang maligo at nakabihis na ako ng pantulog ng biglang mag ring ang cellphone ko at ng sagutin ko iyon ay narinig ko ang boses ni Holland sa kabilang linya na kitain ko siya ngayon dahil kababalik lang niya ulit galing ng ibang bansa at kapag hindi ko siya pinuntahan ay siya ang pupunta sa apartment ko para bulabugin ako. Syempre, hindi ko matanggihan yung isa dahil baka makita pa nu'n yung mga binigay ni Yoongi sa akin sa kwarto ko at katakut-takot na interrogation ang mangyari sa akin.

Hindi daw kami magtatagal kaya pag uwi ko nalang ulit mamaya ako magche check ng indoor date ideas para sa surprise ko duon sa isa. Hahaha. Hindi naman siguro ganuon kahirap makakuha ng ideya sa balak ko di ba?

Agad ako nagpalit ng casual clothes at saka umalis para kitain si Holland sa isang coffee shop. Hindi ko alam kung alam na ng dalawa pang kasapi ng rainbow puffs na nakauwi na 'yung isa dahil kung kasama niya sila, dapat narinig ko na ingay nila sa background.

 Hindi ko alam kung alam na ng dalawa pang kasapi ng rainbow puffs na nakauwi na 'yung isa dahil kung kasama niya sila, dapat narinig ko na ingay nila sa background

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Greetings from Holland!" bungad niya sa akin habang papalapit ako sa entrance. Natawa ako dahil may pa posing pa siyang nalalaman.

"Aba, laki ng kargada natin ah. Meron ba ako d'yan?" biro ko at sabay kaming pumasok sa luob.

"Meron, binilhan kita isang box ng condom." saad nito at tinapik-tapik ako sa balikat ko na siyang kinagulat at kinapula ng mukha ko.

"Gaga! Pinagsasasabi mo d'yan!" nahihiyang sabi ko at umaktong normal kahit na may mga napatingin sa aming dalawa na ibang customers.

Tinungo namin ang dulong bahagi ng coffee shop at pagdating namin sa table kung saan ko sinundan si Holland ay bumungad sa akin ang magkatabing sina Taemin at Hyungwon.

"Akala namin hindi ka darating eh. Muntik ka na naming iunfollow sa blue bird app." saad ni Taemin na siyang tinaasan ko ng kilay. Uh-oh. Here we go again. Ewan ko ba kung anong meron sa aming apat pero feeling ko we share the same braincells. 'Yung outfit na naman namin halos matchy!

Mukhang narealized namin ito after naming magkatinginan na apat.

"Ah basta ako, ito yung feel na color ko today!" mataray na sabi ni Hyungwon sabay higop sa drink niya.

"Ay, ako naman need ko ng casual clothes kasi nakakasawa na magsuot ng mga mamahaling damit." dagdag ni Holland.

"Oh ikaw, bakit ganyan ang suot mo?" naka crossarms kong tanong pag upo ko katapat nila na siya namang tinabihan ako ni Holland.

"Ikaw nga dapat kong tanungin n'yan kasi gabing-gabi nakasalamin ka. Ako kanina ko pang outfit ito." depense ni Taemin at nag hairflip pa.

ILLICIT AFFAIR (YOONMIN)Where stories live. Discover now