ILLICT AFFAIR 16

210 16 6
                                    

JIMIN POV

"Sure ka ba talaga na hindi ka pupunta duon sa pakain party ng mga organizers? For sure, matutuwa sila na makita ka. Daming naamazed sa performance mo." saad ni Miss Amber habang naglalakad kami papunta sa isang night market.

"Hindi talaga pwede, Miss Amber. May pasok pa ako bukas. Hindi ako pwedeng gabihin baka mahirapan ako gumising eh. Nakakatakot ma-late sa office." sagot ko. Eh sa totoo naman eh lalo na kung ang boss mo ay katulad ng boss ko. Pfft.

"O'sya, sige. Ililibre ka nalang namin ng dinner nitong si Amber bago ka umuwi para diretso pahinga ka nalang pagkauwi mo sa inyo." saad ni Miss Luna.

Pagdating namin sa night market ay agad kong kinuha sa bulsa ng pants ko ang cellphone ko at pinicturean ang lugar kung nasaan kami para may maipost sa social media.

Hindi nagtagal ay kumakain na kami ng mga binili naming pagkain pero mas marami ang akin dahil na rin sa pupunta pa sila sa pakain party ng mga organizers sa performance kanina

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi nagtagal ay kumakain na kami ng mga binili naming pagkain pero mas marami ang akin dahil na rin sa pupunta pa sila sa pakain party ng mga organizers sa performance kanina.

Hindi ko nga alam gaano karami at sinu-sino ang mga dumalo kanina pero sapat na sa akin ang malaman na maraming manunuod na nagustuhan ang naging pagsayaw ko. Matagal din kasi akong tumigil.

Pagtapos naming kumain ay hinatid pa nila ako sa sakayan ng bus pauwi. Nakaramdam na ako ng antok ilang minuto mula ng makaupo ako kaya naman pagdating ko ng bahay dumiretso tulog na ako. Mukhang tulog na rin naman na ang karoommate ko dahil pagdating ko walang nagsermon sa akin sa late kong pag uwi.

* * *

HOSEOK POV

Nasa isang kilalang restaurant kami matapos ang performance pero lahat kami na nakakita na sa bagong secretary ni Yoongi na si Jimin eh hindi pa rin makapaniwala na siya yung nag perform sa stage kanina. Hindi ko nga naimagine na marunong o magaling sumayaw ang secretary niya na iyon.

"Ibig sabihin hindi mo man lang siya pina background check bago mo siya kinuhang secretary mo? Gosh, Yoongi! That's a very irresponsible move! Paano kung murderer yung nakuha mo ba secretary?" sermon ni Jin habang kumakain kami.

"But he isn't, right?" maikling tugon ni Yoongi sa kanya.

Napangiti ako ng maalala ko 'yung kuha ko sa kanya kanina. Nakakatawa na nakaka amazed. Simula kasi ng nagka asawa siya hindi na namin siya madalas makita na nagpapakita ng ibang emosyon maliban sa galit, ngisi at kaunting ngiti, well, maliban kung kasama niya ang kambal eh napaka lawak ng ngiti n'yan sa labi niya but that is just that.

Ngayon ko lang siya nakita na najaw drop at na curious/amazed tumingin sa bago niyang secretary. Hindi siya ganyan sa nakararami.

ILLICIT AFFAIR (YOONMIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon