ILLICIT AFFAIR 14

239 16 3
                                    

JIMIN POV

Nakauwi na ako ng apartment ng maka receive ako ng text message mula sa dance teacher ko ng high school na si Miss Amber at gusto nitong makipagkita sa akin para makipag usap about sa hindi ko pa alam kung ano. Ayaw niya kasi sabihin sa text kaya heto ako at papunta sa dance studio nila ng long time girlfriend niya na si Miss Luna.

Nakakagulat nga kasi nacontact niya ako. Hindi naman sa nagtatago ako or what pero hindi rin naman kasi ako nagpalit ng number ko. 'Yung number ko, yung dati ko pang number ng high school.

At nakakatawa rin na naging sila ng una kong dance instructor na si Miss Luna. Paano ko nasabi?

Well, dalawang beses kasi akong lumipat ng school ng high school. Not that ginusto ko or ng Tita ko na nagpalaki sa akin pero kasi napromote siya nu'n at kinailangan namin lumipat ng bahay na mas malapit sa trabaho niya kaya ayun.

Pagdating ko sa building kung nasaan 'yung dance studio ni Miss Amber umakyat na agad ako para makita siya.

Anong oras na rin kaya hindi na ako nagulat ng pagpasok ko sa mismong studio wala na akong nakikitang nagpapractice. So, nasaan si Miss Amber?

Para hindi ako mabored, humila ako ng mauupuan at tumapat sa malaking salamin para mag mirrorfie para ipost sa social media account ko.

Para hindi ako mabored, humila ako ng mauupuan at tumapat sa malaking salamin para mag mirrorfie para ipost sa social media account ko

Oups ! Cette image n'est pas conforme à nos directives de contenu. Afin de continuer la publication, veuillez la retirer ou télécharger une autre image.

Hay! Pinagmasdan ko ang buong studio and it sends shivers to my spine. Parang kailan lang, parang bahay ko ang dance studio. Napailing ako habang nakangiti. Nakakamiss din palang sumayaw. I remember grumaduate ako na kilala bilang star dancer ng school namin. May mga nag offer nga sa akin para maging idol pero naisip ko na wala akong kakayahan na sumabay sa strict standard ng music industry kaya nagtuloy ako ng college. Isa pa, 'yung naging crush ko rin kasi talaga nuon ang isa pa sa dahilan.

Taimtim akong nagbabasa ng mga comments sa post ko ng biglang may tumapik sa balikat ko.

"Jimin!" nakangiting bati sa akin ng taong hinihintay ko.

"Miss Luna!" sa sobrang saya ko na makita siya agad kong tumayo sa kinauupuan ko at niyakap siya.

"Woah, easy! Baka magselos girlfriend ko sa iyo." pagkalma niya sa akin dahil muntik na kaming matumba sa pwersa ng naging pagyakap ko sa kanya.

"So, nasaan po si Miss Amber?"

"Nandito!" sigaw niya mula sa pintuan at may dalang paper bag. Anong laman nu'n?

Lumapit kami sa kanya sa gilid ng studio kung saan niya nilapag yung dala niyang paper bag na may kabigatan at nilabas ang mga laman nu'n na pagkain.

Bigla akong nakaramdam ng gutom. Shit. Hindi pa nga pala ako kumakain ng dinner.

"Kumain muna tayo at sasabihin ko nalang habang kumakain." tugon ni Miss Amber. Tama nga naman siya. Kain muna. Mamaya na iyang sasabihin niya.

Oups ! Cette image n'est pas conforme à nos directives de contenu. Afin de continuer la publication, veuillez la retirer ou télécharger une autre image.
ILLICIT AFFAIR (YOONMIN)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant