ILLICIT AFFAIR 4

393 28 2
                                    

Humahangos akong nakarating sa tapat ng pinto ng office ng boss ko. Pagbabang-pagbaba ko kasi daig ko pa ang rush hour sa pagmamadaling makarating dito dahil ayaw kong maabutan ng lunch break. For sure kasi baka umalis yung boss ko na iyon at hindi kami magpang abot.

So ngayong nandito na ako sa tapat ng office niya, papasok na ba ako?

Napalunok ako at cinompose muna ang sarili ko bago kumatok.

Ay teka, ano palang itatawag ko sa kanya?

Duon ako biglang napaatras sa balak kong pagpasok sa office niya matapos kong kumatok.

Naalala ko kasi ang tinawag sa kanya ng babae kanina Master Min samantalang si Mr. Jung naman Yoongi ang itinawag sa kanya so, ano dapat ang itawag ko sa kanya? Master or Mr. Min? O baka naman Boss Min dahil siya ang Boss ko? Halaaa!!!

Hindi ko napansin gaano na ako katagal nakatayo duon sa labas pero napansin kong walang umik akong narinig mula sa luob. Nandyan kaya siya sa luob? May ginagawa? O baka naman wala?

Dahan-dahan kong binuksan yung pinto para sumilip sa luob ng marealized kong nakatingin ako sa nakakamatay na titig ng boss ko. Hindi ko magawang gumalaw para isara yung pinto pabalik dahil pakiramdam ko naestatwa ako sa nangyari.

"When do you plan to close the door?" baritonong tanong nito at saka ko palang nagawang maigalaw ang katawan ko sa taranta at agad na sinara ng malakas ang pinto ng office niya. Whew.

Agad akong napahawak sa dibdib ko at damang-dama ko ang nagkakarerang pagtibok ng puso ko. Peste!

Ihahakbang ko na sana ang paa ko para umalis sa kinatatayuan ko ng biglang. . .

"PARK JIMIN!!!" dumagundong ang galit na boses niya sa luob ng office na umecho hanggang sa labas.

Hala! Ano na naman bang ginawa ko?

Sa taranta ko nagmadali akong pumasok sa luob ng office niya kahit walang kasiguraduhan na makakalabas ako ng buhay.

"B-Boss! B-Bakit boss?!" nangangatog ang mga paa kong tanong. Nakatungo lang ako mula sa kinatatayuan sa tabi ng pinto at walang balak na mag angat ng tingin sa kanya.

"Why did you do that?" inis niyang tanong, "Did I ask you to leave?!"

Kung anong positive vibes ko kanina kay Mr. Jung, siya namang negative vibes ko dito sa boss ko na ito. Kung sabagay, ng gumising ako kanina negative vibes na rin naman kasi siya ang bumungad sa akin.

Napaisip tuloy ako kung bakit this time kumuha siya ng lalaking secretary which is ako. Dahil kaya sa walang nagtatagal sa kanya kapag babae dahil sa ugali niyang ito o dahil naiinlove sa kanya? Again, kagaya ng sinabi ko sa inyo at hindi ko naman itatanggi, gwapo siya eh. Pang dominant playboy datingan niya. Ganun! Kaya impossibleng hindi magkagusto sa kanya ang mga naging secretary niyang babae.

"Mr. Park Jimin!" muli niyang pagtawag sa akin kaya this time, napa angat na ako ng tingin ko at kinakabahang umiling sa kanya.

"N-No, Boss. You did not." muli kong binaba ang tingin ko sa sahig pero hindi nakaligtas sa akin yung singsing na suot-suot niya.

Bigla akong may naalala. Tama! Naalala ko na! Bago ako mawalan ng malay kagabi sa bar, ang huli kong natatandaan may nakita akong kamay na may suot na singsing! Oh shit. So totoo nga siguro yung sinabi niya sa akin na nasukahan ko siya dahil naalala ko yung singsing na iyon kagabi at parehas iyon ng suot niya.

Shocks! Naalala ko yung singsing pero hindi yung nagawa kong pagsuka sa kanya?! Aish!

Hmm. . So, married na pala siya? Not that nanghihinayang ako pero surprising lang dahil ganyan ang attitude niya. Para kasing nasa andropause stage siya. Joke lang!

Baka mamaya iba ang behavior niya towards sa family niya kaya titigilan ko na ang pangju judge kahit na nacucurious ako. Hahaha.

"Stupid." dinig kong bulong niya. Actually hindi ko alam kung bulong nga ba talaga kasi nadinig ko eh. I just rolled my eyes on him nalang deep inside.

"Were you able to talk to Mr. Jung?"

Tumango ako.

"Yes, Boss. He requested the transaction to be rescheduled tomorrow night."

Nakayuko pa rin ako pero alam kong nakatingin siya sa akin.

"Good. Now leave." mas malamig pa sa yelo niyang tugon sa akin.

Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil makakalabas na ako ng office niya o maiinis kasi hindi man lang siya nag compliment sa nagawa ko sa unang araw ko sa pagtatrabaho ko sa kanya. Whew.

Palabas na ako ng office niya ng marinig ko siyang muling magsalita.

Akala ko pupurihin niya na ako dahil sa nagawa kong makahingi ng second chance sa important transaction niya with Mr. Jung pero nagkamali ako.

"Send me the files I was asking my previous secretary to send me. I need that today."

What the?! How am I supposed to know anong files iyon?

"It should be in the computer. If you can't find it, it's not my problem you don't know how to use a computer or generate work as a secretary."

Seriously?! This boss?! Ugh!

"Yes, Boss. I will send it today." gigil akong ngumiti sa kanya at inis na lumabas ng office niya.

Kung may pambayad lang ako duon sa blazer niya na nasukahan ko, binayaran ko na siya ng hindi ako nagdudusa ngayon on my first day of work under him. Wait, what?!

Oh jusko, Jimin. Naiistress ka na nga sa ugali ng boss mo nakakapag pasok ka pa ng kabastusan sa utak mo!

-----------------------------------------------------

A/N:

Posted: April 24, 2021 at 01:30 AM

Hello. Second update for today. Surprising 'no? Anyway, stay safe and eat healthy foods, okay?

Kitakits sa sunod na update mga ka meow meow. Ichi ni san nyaa arigato!






ILLICIT AFFAIR (YOONMIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon