ILLICIT AFFAIR 43

183 14 4
                                    

JIMIN POV

"I'm finally back, South Korea!" nakangiting bulong ko sa sarili ko pagtapak ko sa labas ng airport.

Finally! After one year and a half, I'm back. I never thought this day will come but here I am.

Napalunok ako sa realization kung saan ako dapat unang dumiretso ngayong nakabalik na ako

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.

Napalunok ako sa realization kung saan ako dapat unang dumiretso ngayong nakabalik na ako. If sa bahay ba namin, sa apartment or makipag meet ako sa isang restaurant or cafè sa kanila?

Wala naman kasing nakakaalam na ngayon ang uwi ko. Na ngayon ako babalik dahil hello?! Gaya ng napag usapan nuon wala akong cinontact na kahit na sino sa kanila habang nasa amerika ako and now that I'm back, hindi ko alam paano ko iyon ipapaalam sa kanila ng hindi ako masesermunan. Lumagpas din kasi ako sa napag usapan eh. Sabi ko sa kanila ilang months lang akong magtatagal duon pero hindi iyon ang nangyari.

Wala ding nagbago sa lugar na ito mula ng umalis ako gaya ng feelings ko para kay Yoongi thou alam kong may nabago sa akin maliban sa kulay ng buhok ko.

Sa katunayan nga n'yan habang nasa amerika ako ay maraming nagkagusto sa akin and believe it or not, sila pa mismo ang nanligaw sa akin mapa babae o lalaki kaso nga lang, ginayuma yata ako ni Yoongi at hindi pa rin nawe-wear off ang pag gayuma niya sa akin dahil ni isa sa kanila wala akong nagustuhan. Tanging si Yoongi lang ang lagi kong nakikita sa kanila at hinahanap-hanap. Whew. Ganito ba talaga kapag na-inlove ka sa first love mo? Hindi mo siya magawang makalimutan?

Wala na akong inaksayang panahon at agad na pumara ng taxi mula sa kinatatayuan ko at agad na tinungo ang kompanya na plano kong pabaksakin. Ito ang magiging ganti ko sa pamilyang sumira sa pamilya ko. Napalunok ako at ramdam ko ang pagtambol ng puso ko sa kaba but then I remembered na hindi ako ang dapat na kabahan kundi sila. Sisiguraduhin ko na sa gagawin ko ay maging ang pamilyang Min ay hindi sila tutulungan oras na lumabas ang katotohanan sa nakaraan. Babawiin ko ang dapat na sa amin - sa akin.

"This way, Mr. Park." sinundan ko ang secretary na siyang naka atas sa pagdating ko.

And yes, nasa plano ko ang pagpunta dito hindi ko nga lang inexpect na mapapa aga sa napag usapan namin ng nasa amerika ako. Akala talaga ng CEO nitong kompanyang ito ay isa lang akong hamak na manager na nautusan ng CEO para makipag deal sa kanya. Ang hindi niya alam, ako mismo ang CEO na nakausap at hinihingian niya ng tulong para isalba ang pabagsak nitong kompanya. Syempre, hindi niya iyon alam dahil ang pangalan pa rin ng nakalagay na CEO eh ang pangalan ng Tita ko at hindi sa akin but soon, mapupunta na rin sa akin ang titulong iyon.

Nginitian ko ang secretary ng pagbuksan niya ako ng pinto sa office ng CEO na siyang tinugunan naman nito. Napahinga ako ng malalim.

Smooth like a snake, Jimin. Smooth like a snake. You're prey is already right infront of you.

"Mr. Park." nakangiting bati sa akin ng CEO at agad na nilahad ang kamay niya na siyang agad kong tinugunan. Hindi ko naiwasang higpitan ang pagkakahawak ko duon. Buti nalang at napigilan ko ang sarili ko na ipitin ang kamay niya sa pagkakahawak ko dahil hindi ko mapigilang hindi umakyat ang dugo ko sa kinikimkim kong galit sa kanya.

ILLICIT AFFAIR (YOONMIN)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang