ILLICIT AFFAIR 3

491 30 11
                                    

Napanganga ako sa laki ng walk-in closet na pinasukan namin ng secretary ng magiging boss ko starting today. Wow! Totoo pala talagang may mga ganitong kalaki na walk-in closet. Akala ko sa mga tv segment or movies lang ako makaka kita ng ganito.

Pero teka nga.

Hindi ko pa alam 'yung pangalan ng boss ko na iyon. Hindi naman kasi siya nagpakilala sa akin at mas lalong hindi rin ako nagpakilala sa kanya!

Eh kung tanungin ko kaya itong secretary ng boss ko ngayon na nasa likuran ko at naghihintay sa akin na magbihis ako sa harap niya? Charot lang. Hahaha.

"A-ah. ." shit. Anong sasabihin ko?

"Yes, Mr. Park?" nakangiting tugon nito at lumapit sa tabi ko.

"Kilala mo ako?!" feeling ko mukha akong tanga sa hitsura ko ngayon dahil nagulat ako ng tawagin niya ako sa apelyido ko. Shookdt!

Tumingin ito sa akin ng may pagtataka at nagpakawala ng isang weirdong ngiti, "Yes, Mr. Park. Tinawag ko na po kayo sa pangalan ninyo kanina pero mukhang ngayon lang nag sink in sa inyo."

Automatic akong napa flashback sa mga nangyari kanina after lumabas ng boss ko sa kwarto at siya naman ang pumasok makaraan ang ilang minuto.

Lutang na lutang siguro ako kanina kaya hindi ko napansin yung ginawa niyang pagtawag sa pangalan ko.

Pero teka nga.

Paano niya nalaman ang pangalan ko? Wala akong maalalang nagsasabi ako ng pangalan ko kung kani-kanino lang.

"A-ah, matanong ko lang, anong klaseng tao si Mr. Jung?" tanong ko habang sinisipat ang mga damit na nakahilera.

Parang nagulat na naman yung secretary ng boss ko sa tanong ko.

Weird ba itong mga tinatanong ko sa kanya? Eh sa nabigla ako sa mga nangyayari ngayon. Hindi ko naman inexpect na malalagay ko ang sarili ko sa ganitong sitwasyon.

"Mr. Park, sa tingin ko mas maganda kung pumili ka na ng isusuot mo at kitain mo na agad si Mr. Jung dahil hindi maganda kung sa pangalawang pagkakataon madelay ang transaction nila ni Master Min."

Napalunok naman ako sa napaka straight forward na sagot sa akin ng secretary ng boss ko. Hmmppfff!!! Ang sungit. Ganito ba talaga kapag mga secretary? Gosh!

Dahil no choice naman ako, ginawa ko na 'yung sinabi ng secretary sa akin. Humanap ako ng sa tingin ko formal pero kumportable akong dalhin na damit.

Habang tinitignan at inaayusan ko ang sarili ko sa salamin ay hindi ko maiwasang mapahanga sa mukha ko. Heh! Excuse me! I have the rights. Ang gwapo ko kaya. I can snatch hearts here and there. Charot.

Hmm. . so Master Min, huh? Iyon ang pangalan ng boss ko?

Min. .

Jimin. .

Min Jimin?

Charot! Ugh. Ano ba itong naiisip ko?!

Kung sabagay, kapag naaalala ko 'yung mukha niya kanina, well, hindi ko maitatanggi na gwapo siya at mas something pa sa awra niya na kung anong mas nagpapalakas ng karisma niya kapag natitigan mo siya.

Pagkalabas ko ng walk-in closet, napalingon sa akin yung secretary pero agad ding umiwas. Heh. Akala siguro nito hindi ko napansin na namula pisngi niya ah.

"Ito 'yung files tungkol kay Mr. Jung at sa transaction nila ni Master Min. After ng meeting ninyo ni Mr. Jung, didiretso ka sa Min Company para mag report kay Master Min at. ." huminto siya kaya napahinto din ako at nagtaka ako ng may iniabot siya sa akin na susi, ". . Ito yung susi sa magiging office mo."

ILLICIT AFFAIR (YOONMIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon