ILLICIT AFFAIR 24

205 16 6
                                    

TAEHYUNG POV

"Para kanino ba itong pinabibili mo sa akin hyung ng ganitong oras? Nasa school yung kambal tapos wala naman dito sa bansa iyang asawa mo at mas lalong hindi ka mahilig sa strawberries kaya tell me, para kanino ba ito?" dire-diretso kong tanong habang nagda drive papunta sa company ni Yoongi.

My curiosity is killing me and this is very unlikely of my hyung. Never siyang tumawag sa akin ng ganito kaaga para lang pabilhin ako ng strawberry cake na pwede niyang ipautos sa mga tauhan niya na gawin. Sa akin pa talaga! Alam naman niyang busy din ako sa work ko. Tho, I admit mas  alam ko anong bakery ang nagooffer ng pinaka masarap na strawberry cake sa siyudad na ito.

"Just bring that damn cake to me and I'll pay you." tugon niya at  ag hang up na. Argh! Nakakainis itong lalaking ito! Lalo tuloy akong nacurious.

Wala naman kasi ako maisip na taong pwede niyang pagbigyan nito dahil parehas sila ni Irene na hindi fan ng strawberries at yung kambal naman ang favorite na fruit is blueberries kaya kanino itong pinabibili niya sa akin? Hindi naman ugali ni Yoongi na magbigay ng ganito sa mga kasamahan niya sa business industry. Kaya sino?

Pagdating ko sa company niya ay agad kong pinark ang sasakyan ko sa parking lot at saktong pagpasok ko ng elevator ay may nakasabay akong may dalang boquet of flowers. Pagtingin ko kung sino ito ay muntik ko ng mabitawan ang hawak kong cake.

"H-Hyung?! What are you doing here? At bakit may dala kang boquet? Sa iyo ba iyan? Bigay ni Namjoon hyung?" maintriga kong tanong at tinaasan pa siya ng kilay.

"I should be asking the same question too. What are you doing here and what is that that you're holding?"

"Uhm, ito? Inutusan ako ni Yoongi na bumili ng strawberry cake at sa tingin ko hindi ito para sa kanya."

Napansin ko ang agad na pagkunot ng nuo niya na parang malalim ang iniisip.

"Funny because inutusan niya rin ako na bumili ng boquet. Tinanong ko pa nga siya kanina kung para kanino ito pero hindi niya ako sinagot."

Nagkatinginan kami ni kuya at para bang alam namin ang binabalak ng isa't-isa at ngumisi.

"We need to investigate." sabay naming sabi kasabay ng pagtunog ng elevator na nagsasabing dumating na kami sa floor kung nasaan ang office ni Yoongi.

* * *

JIMIN POV

Late na ako ng isang oras sa work ng makarating ako sa company building namin. Umuwi kasi ako kaninang madaling araw sa apartment ko dahil mas prefer ko na ganuon ang gawin dahil bukod sa nanduon ang damit ko pang pasok ay para malaman din ng karoommate ko na nakauwi na ako. Baka mamaya magpanic na naman siya kapag narealized niyang hindi pa rin ako umuuwi mula sa kung saan.

Pagpasok ko ng office ko ay nagulantang ako sa nakita.

Kanino galing itong mga ito?

Kanino galing itong mga ito?

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
ILLICIT AFFAIR (YOONMIN)Where stories live. Discover now