ILLICIT AFFAIR 45

331 15 10
                                    

JIMIN POV

Sa susunod na araw na ang conference na dadaluhan ng iba't-iba at naglalakihang mga kompanya at ayon kay Tita ay pupunta ang pamilya ni Irene duon para maghanap ng tutulong sa pagsalba ng kompanya nila.

Nalaman ko kay Mr. Lee na hindi na umuuwi si Yoongi at ang kambal sa main house nila dahil nga sa inihaing divorce ni Yoongi kay Irene. Ibig sabihin, hindi siya nakakausap ni Irene para magpatulong na isalba ang kompanya nila ng mga magulang niya.

Naka leave ako ngayon sa trabaho kaya mag isa lang ngayon si Yoongi sa office. Buti nga at pumayag siya at hindi na nagtanong kung bakit ako magle-leave. Ang alam ko lang ay busy din siya dahil may inaasikaso silang dalawa ni Namjoon. Kung ano man iyon ay wala akong ideya.

"Ngayon palang mangyayari sa history na magiging private ang paglipat ng title sa sunod na CEO." nakangiting sabi ni Tita habang may mga papel na pinipirmahan.

"Alam ninyo naman po ang dahilan kung bakit kailangan ganito natin siya gawin, Tita. Don't worry, pwede naman nating ulitin ulit sa susunod. 'Yung naka public announcement na para alam ng lahat." nakatawa kong sabi sa kanya.

Pagsapit ng three o' clock ay ganap ng inilipat sa akin ni Tita ang titulo bilang CEO ng company. Hindi pa rin ako makapaniwala na nangyayari ito pero sino ba ako para tanggihan ang nakatadhana sa akin? Isa pa, sobra na ang nagawang tulong ni Tita sa akin at para suklian iyon ay ako na ang gagawa ng mga trabahong dapat nuon ko pa ginagawa para naman ma-enjoy niya pa ang buhay niya hindi 'yung puro ako o kompanya nalang ang inaalala niya. This time, sarili naman niya dapat ang isipin niya. 

Buti nalang at nag pay off ang pagpunta ko ng Amerika. Natutuhan ko ang mga dapat matutuhan sa pagpapatakbo ng kompanya mula sa maliit na posisyon at ang pagbalik ng mga ala-ala ko mula sa nakaraan sa tulong na rin ng therapy sessions na inaattendan ko. Kahit walang kasiguraduhan ang naging desisyon ko na iyon ay laking pasalamat ko na ngayon ay pakiramdam ko nasa tamang direksyon na ako upang makamit ang paghihiganti ko sa pamilyang sumira sa pamilya namin at hindi na ako makapag hintay na makita sa mga mata nila ang kanilang tuluyang pagbagsak.

"Gaya ng nasa plano, dadalo din ako sa nasabing conference at aakalain ng Appa ni Irene na ako pa rin ang CEO ng kompanyang ito na magsasalba sa kanila sa kanilang pagbagsak lalo pa at karamihan sa mga kasama natin na dadalo ay tinanggihan na sila dahil sa sitwasyon ng kompanya nila. Iniisip siguro ng Appa ni Irene na sa oras na makipag partnership tayo sa kanila ay makakakuha na rin sila ng ibang partnership sa pamamagitan natin. Nakikita mo ba, Jimin? Ito ang resulta ng magandang pagpapatakbo ng kompanya natin. Kagaya ng kompanya ng pamilyang Min, reliable ang mga hakbang natin sa mga company owners na sumusunod sa yapak natin."

"Naiintindihan ko, Tita. Huwag kang mag alala. Pananatilihin ko ang reputasyon ng kompanya natin at pangangalagaan ang mga empleyado sa abot ng aking makakaya." nakangiting sabi ko at mahigpit siyang niyakap.

Kinabukasan, pabalik na ako sa office namin ni Yoongi dala ang binili kong mga merienda ng makasalubong ko ang kalalabas lang na si Namjoon.

Agad ko siyang nginitan, "Good afternoon, Namjoon hyung."

"Jimin! It's nice to see you back." tugon nito at pinat ang ulo ko ng ilang beses at saka ngumiti, "Aayon na rin sa inyo ni Yoongi ang tadhana."

"Hyung?" taka ko siyang tinignan.

Pero hindi niya ako sinagot at kumaway nalang sa akin habang lumalakad patungong elevator.

Huh? Anong ibig niyang sabihin?

Pagpasok ko sa luob ng office ay agad akong nginitian ni Yoongi.

"Tama na muna 'yan. Tara, kain tayo." aya ko sa kanya na siyang tumalima sa sinabi ko. 

ILLICIT AFFAIR (YOONMIN)Where stories live. Discover now