ILLICIT AFFAIR 44

215 17 6
                                    

JIMIN'S POV

Agad akong napabuga ng hangin pagka pasok ko sa luob ng apartment. Walang hiya 'yan! Sa bahay ako dapat namin ni Tita didiretso pero dahil ayaw ko itong ipaalam sa driver ni Yoongi na tiyak kong ipapaalam sa kanya ay dito nalang ako nagpa diretso tutal mukhang ito pa rin 'yung driver niya dati dahil agad akong nginitian nito ng makita ako.

"Oh, hi, Suga! Ang laki mo na ah? Kilala mo pa ba ako?" nakangiting bati ko sa pusa na siyang kuting lang ng mga panahong ampunin ko siya at tandang-tanda ko pa ang senaryo ng gabing iyon. Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng kakaibang kiliti sa sistema ko ng lumapit ito sa akin at bahagyang umakto na nagpapabuhat na siyang maligaya kong ginawa.

Tahimik akong naglakad papunta sa dati kong kwarto ng may sumigaw ng pangalan ko. Muntik ko ng makalimutan na dito pa rin pala nakatira ang roommate kong si Hyuna. Akala ko nga ako lang at si Suga ang nandito dahil sa tahimik ng apartment pero nagkamali ako. Malamang may ginagawa siya kanina kaya hindi ko siya napansin o narinig na nagiingay at nagulantang siya sa biglang pagdating ko kaya napasigaw siya sa gulat at saya.

Agad niya akong sinalubong ng mahigpit na yakap at buti nalang ay hindi naipit si Suga sa ginawa niya. Sobrang saya niya kasi na makita ako. Well, ganuon din naman ako. Sino bang hindi? Ang tagal kaya namin nagkasama nito at sa halos isang taon at kalahati ko sa ibang bansa ay hindi ako nakaligtas sa pagka homesick. Hindi na ako nagulat ng bigla niyang hilain ang buhok ko sa inis sa realization sa hindi ko pagtupad sa naging usapan nuon bago ako umalis kaya hinayaan ko nalang siya na litanyahan ako hanggang sa ilang oras ang nakalipas ay dumating naman ang rainbow puffs na gaya ni Hyuna ay masayang nakita ako ngunit agad din akong nilitanyahan ng ipaalala sa kanila ni Hyuna ang naging usapan nuon na syempre hinayaan ko nalang din kasi ako naman ang may mali.

Eleven o' clock na ng gabi at laking pasalamat ko ng nakauwi na ang mga kaibigan ko samantalang nagpapahinga na si Hyuna dahil may pasok pa siya bukas sa school. Graduating na kasi siya sa wakas at believe it or not ay sa kompanya namin siya nago-OJT.

Patulog na ako ng maalala ko ang naging usapan namin ni Yoongi kaya napatampal ako sa nuo ko. Shit. Wala pa pala akong napag kwentuhan tungkol sa nangyaring iyon sa akin kanina at kung may meron man na dapat makaalam nu'n ay walang iba kundi ang Tita ko. For sure, by now baka alam na ni Tita o ni Mr. Lee na nakauwi na ako dahil paniguradong magpo-post sa social media 'yung mga kaibigan ko na iyon na nandito kanina. Ang saya nila eh not to mention bahagya silang naweirded out na nag decide akong ipa-black ang buhok ko gaya ng buhok ko ng high school.

Kinuha ko ang laptop sa luob ng dala kong bag - yes, bag at hindi maleta. Bakit hindi maleta ang dala ko? Simple lang naman ang dahilan. Dinala ko lang ang mga importanteng gamit at 'yung mga gamit na naiwan sa apartment ko sa Amerika ay pwede ko namang ipadala nalang dito, iyon ay kung may kailanganin ako.

Pag open ko ng laptop ko ay hinanap ko agad ang zoom app at vinideo call ang tita ko sa pamamagitan nu'n. At tama nga ang hinala ko, alam na ng Tita ko ang naging pagdating ko. Syempre sinermunan ako ng Tita ko kung bakit kahit pagsundo lang sa akin sa airport ay hindi ako nagpasabi pero inexplain ko naman sa kanya ang dahilan kung bakit at kung anong nangyari sa akin ngayong araw. Halata sa kanya ang shock ng malaman niya ang ginawa ko pero much more ng nagpunta ako sa Min Company out of nowehere.

"So, hindi ko pala agad sa iyo maipapasa ang title ng pagiging CEO kung magtatrabaho ka ulit bilang secretary ni Yoongi."

"Opo, Tita. Sorry talaga. This is not part of the plan and miski ako nagulat dahil naitago niya pa pala 'yung contract ko sa kanya kahit na one and a half year na ang nakalipas lalo pa at ang nakalagay duon ay kailangan kong magtrabaho sa kanya in a span of two years." stress kong sabi kasabay ang isang buntung-hininga.

ILLICIT AFFAIR (YOONMIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon