ILLICIT AFFAIR 41

170 12 6
                                    

JIMIN POV

"Sigurado ka na ba d'yan sa gusto mong gawin, Jimin?" muling tanong ni Taemin sa akin.

Nandito ang rainbow puffs ngayon sa apartment pati ang karoommate ko.

Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ko, "Oo. Sigurado na ako dito. 'Yung napag usapan natin ah? Huwag ninyo iyon kalimutan." paalala ko sa kanila. Nakiusap kasi ako sa kanila na kung sakali mang may magtanong ng tungkol sa akin na kakilala namin eh sabihin nilang hindi nila alam kung nasaan ako at ang alam lang nila ay umalis ako.

Last day ko na kasi ngayon dito sa Seoul. Bukas maaga akong susunduin nina Mr. Lee at Tita papuntang airport.

"Mami-miss ka talaga namin." malungkot na saad ni Hyungwon.

"Hindi ka ba talaga namin pwedeng puntahan duon? I mean ako kasi, nakaka punta naman ako sa ibang bansa as part of my work kaya pwede tayong magkita." dagdag ni Holland.

"Guys, ano ba? Ilang months lang naman mawawala si Jimin. Babalik din naman siya after." nakangusong paalala ni Hyuna.

After ng so-called despedida nila para sa akin ay agad na silang nakatulog dahil pinipilit nila na sumama sa akin bukas sa aiport. Mga ayaw paawat!

"Yes, Mr. Lee?" sagot ko sa kabilang linya. Tumawag kasi siya kung kailan patulog na ako.

"Nandito na ako sa napag usapang lugar." pagkarinig ko nu'n ay dali-dali akong bumangon at nag asikaso para lumabas ng bahay.

"Give me ten to fifteen minutes. Papunta na ako."

And true enough, agad akong nakarating sa napag usapan naming lugar. Sana nga lang ay hindi ako mamukaan ng mga nandito.

Nakita ko ang rason ng pagpunta ko dito

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.

Nakita ko ang rason ng pagpunta ko dito. Ang iniutos ko kay Mr. Lee na gawin niya para sa akin ng hindi ipinapaalam sa Tita ko. Mukhang hindi naman ako nakaagaw ng pansin kahit na naka mask ako at shades kahit na ehem, gabi na sa labas nitong hotel na pinasukan namin.

Parang may bumara sa lalamunan ko na hindi ko magawang lunukin mula sa kinatatayuan ko at kinuyom ang kamao ko sa kinikimkim kong galit at isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ko.

* * *

JIN POV

"Yoongi! Tama na iyan!" sita ko sa kanya sabay hablot ng alak mula sa kamay niya, "Ayusin mo nga iyang sarili mo! Parang wala kang mga anak na uuwian ah? Hindi ka nila pwedeng makitang ganyan! Ano nalang mararamdaman nila ha, Yoongi?"

Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ko habang inis na nakatingin sa kanya. Halos isang linggo na siyang wala sa sarili. Hindi siya makatrabaho ng maayos at panay ang pagiinom niya. Ngayon ko lang siya nakitang nagka ganito at hindi ko inexpect na magkaka ganyan siya ng dahil kay Jimin at hindi kay Irene.

ILLICIT AFFAIR (YOONMIN)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن