ILLICIT AFFAIR 34

150 15 4
                                    

JIMIN POV

Nagising akong naka unan ang ulo ko sa braso ni Yoongi samantalang nakayakap sa akin si Yoonji at si Yeonki naman ay kay Yoongi. Napangiti ako sa scenario na iyon pero agad ding naglaho ng maalala kong hanggang ngayong araw nalang pala maeexperience ito dahil simula bukas wala ng "kami" ni Yoongi. Balak na kami sa dati bilang boss-secretary relationship and no more beyond that pero alam ko namang hindi ko siya maiiwasan sa matagal na panhon dahil bukod sa magaganap na 'yung party na pinaghahandaan namin ng nakaraan this week eh hindi pa rin tapos ang pagbabayad utang ko sa kanya. Kailangan ko lang talaga maka isip ng paraan kung paano ko isisiksik sa utak ko ang isiping hindi na pwedeng maging more than what we're supposed to kami ni Yoongi kasi tapos na ang lahat sa amin at ako rin naman ang pumilit na mangyari iyon. 

Hindi ko alam gaano ako katagal na natulala dahil sa mga iniisip ko ng maisipan kong muling tumingin kay Yoongi para sana mapagmasdan ko ang mukha niya sa huling pagkakataon ng muntik na akong mapapitlag ng marealized na gising na siya at nakatingin siya sa akin. Napalunok ako at hindi ko mapatigil ang puso ko sa pagtibok ng sobrang bilis. Daig ko pa 'yung uminom ng matapang na kape. Pero hindi ako nagpatinag sa pagtitig niya sa akin. Bagkus ay ginawa ako ang kanina ko palang balak at pinagmasdan ang mukha niya. Napangiti ako ng mapait. Mami-miss ko ito. Itong mga sandaling ganito ako kalapit sa kanya. 'Yung natititigan ko siya ng hindi siya nagagalit sa akin. Ewan ko ba para akong maiiyak pero may something din sa mga mata niya na pakiramdam ko gaya ko ang nararamdaman niya. Na nalulungkot din siya. 

After namin magpaalamanan sa isa't-isa ay hinatid muna ni Yoongi ang kambal sa bahay nila. No, hindi ito yung tinatawag kong 'second' house niya bagkus ay duon sa bahay kung saan niya ako unang dinala at saan ko rin unang nakatagpo si Irene. Nanikip ang dibdib ko sa hindi ko malaman na dahilan. Dahil ba sa nasasaktan ako dahil sa realidad na alam ko namang papasukin ko una palang? O dahil sa inggit ko na hindi ako babae o si Irene na pipiliin niya sa huli? Hay, ewan. Ayaw ko ng pakiramdam na ito. Dapat nga masaya ako dahil matatapos na ang lahat sa amin pero bakit ganito? Bakit sobra akong nasasaktan sa sandaling panahon na nakilala ko si Yoongi at napalapit ako sa kanya? Bakit pakiramdam ko nakumpleto ako ng makilala ko siya? 

Napangiti akong pilit ng magpaalam ako sa kambal at yakapin sila ng mahigpit. Nagtaka pa sila bakit ganuon ang inakto ko pero kung alam lang nila, ito na ang huling beses na magkakasama kami. Agad akong pumasok sa luob ng kotse ni Yoongi habang may sinasabi siya sa kambal at pilit na pinapakalma ang sarili ko upang hindi maiyak kahit na nagbabasa naman na ang mga mata ko at siyang pinupunasan ko ngayon. 

Hay. Ano bang nangyayari sa iyo, Jimin? Pero huwag kang mag alala. Ngayon lang iyan. After ng ilang araw o linggo magiging okay ka na ulit. 

"Uhm, Yoongi hindi ito ang daan papunta sa apartment ko." saad ko ng mapansin na hindi sa apartment ko ang punta namin ngunit hindi siya umimik. Wala akong lakas na makipag away sa kanya dahil sa nararamdaman ko ngayon kaya hinayaan ko nalang siya kung saan niya ako o kami balak na pumunta tutal last day na rin naman na pwede kaming maging ganito. 

Laking gulat ko nalang ng mapagtanto ko na dinala niya ako sa office niya at nandito kami sa silid kung saan niya ako dinala nuon na nakatulog kami parehas. Hindi ko na tuloy alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Naalala ko na naman kasi 'yung ginawa niya dito sa akin.

Narinig ko ang pagpakawala niya ng isang malalim na buntung-hininga habang nakaupo sa mamahalin na couch. Hindi ko alam kung mananatili ba akong nakatayo sa pwesto ko o uupo ako sa gilid ng kama na nandito. Pero syempre dahil ayaw ko namang mag mukhang tanga na naka tayo dito at dahil ko alam kung gaano katagal niya balak na iignore ang presence ko habang nakatingin sa kawalan sa labas eh umupo ako sa gilid ng kama. 

Honestly, hindi ko alam bakit nandito kami. Kung bakit dinala niya ako dito. Kung anong iniisip niya, wala akong alam duon pero isa lang ang malinaw sa akin, gusto kong hawakan sa huling pagkakataon ang mga kamay niya. 

ILLICIT AFFAIR (YOONMIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon