ILLICIT AFFAIR 12

261 17 6
                                    

Jimin POV

After ko ikwento sa karoommate ko ang nangyari sa office kung saan involved sina Taehyung at Jungkook, ay kinabahan na ako sa maaari naming sunod na pagkikita. Like, hindi ko naman kasi alam kung sino yung mga iyon eh.

Anyway, ilang araw na rin naman ang nakalipas after ng insidenteng iyon. Wala naman akong narinig na kung ano sa boss ko kaya nakahinga ako ng maluwag.

And speaking of my boss, papunta ako ngayon sa office niya dahil may mga pinapapasa siya sa akin na files na kailangan niyang mabasa on the spot kaya heto ako at nakasakay sa elevator dala ang naka file ng maayos na mga folders.

Marahan akong kumatok sa pinto pagdating ko sa tapat ng office niya bago pumasok.

"Good morning, boss." nakangiting bati ko at lumakad papunta sa desk niya at ibinaba ang dala ko at nagbigay ng isang folder sa kanya para mabasa niya, "Coffee?"

Tumango siya sa akin kaya I take that as a yes at tumungo papunta sa mini counter na nasa office kung saan may mga nakahilerang alak at panggawa ng coffee.

Nagtaka ako ng hindi ko makita 'yung coffee maker na ginamit ko ng nakaraang punta ko dito. Nasaan na iyon? Palingon palang sana ako kay boss para tanungin kung nasaan iyon ng magsalita siya.

"I got rid of it. It's fine if you don't know how to make coffee without coffee maker." may bakas ng disappointment sa tono ng pananalita niya.

Eh? Anong tingin nito sa akin? Hindi marunong magtimpla ng manu-mano porket marunong akong gumamit ng coffee maker?

Wow! Grabeng pag underestimate naman sa akin. Pakitaan ko nga! Mukhang hindi alam nitong boss ko kung gaano siya kaswerte sa nakuha niyang secretary. Heh!

Dahil occupied siya sa pagbabasa ng mga dinala kong files na naka folder, hindi nito napansin kung gaano ako katagal na tumayo dito sa counter para gawin ang kape niya. For sure magugulat ito sa ibibigay ko sa kanya.

Well, kung hindi ninyo natatanong, ng highschool kasi ako nag part-time ako sa maliit na cafè na pagmamay-ari ng tita ko na siyang nagpalaki sa akin after mamatay ng parents ko kaya naman, confident akong masarap itong kape na manu-mano kong ginawa. Tignan nalang natin kung hindi siya magpatimpla sa akin ng coffee everyday. Napangisi ako sa isiping iyon.

 Napangisi ako sa isiping iyon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Boss, coffee." nakangiting tawag ko sa kanya at inilapag sa tabi niya ang ginawa kong iced americano. Hopefully magustuhan niya.

"O-oh, thanks." parang nagulat pa siya sa kapeng ginawa ko para sa kanya kaya bigla akong kinabahan.

Was he expecting a hot coffee?

"Iced americano?" tanong niya bago lumapat ang labi niya sa straw at sipsipin ang inuming gawa ko.

Marahan akong tumango habang hinihintay ang magiging verdict niya.

ILLICIT AFFAIR (YOONMIN)Where stories live. Discover now