ILLICIT AFFAIR 40

162 11 6
                                    

JIMIN POV

Labag man sa luob ni Tita eh umuwi pa rin ako sa apartment ko para duon intindihin ang mga sinabi niya sa akin. Sabi niya kababata ko si Yoongi at naka arranged marriage kami ng dahil sa mga tatay namin na mag bestfriend at dahil mas mayaman ang pamilyang Min kesa sa amin ay maraming gustong makihati sa yaman na meron sila at ang isa sa mga iyon ay nainggit ng malamang sa pamilya namin - pamilyang Park mapupunta iyon kaya gumawa ang naiinggit na pamilya ng paraan para idispatsya kami at ang pamilyang iyon ay ang pamilya ni Irene.

Hindi ko maintindihan kung bakit ng dahil sa yaman ay nagiging gahaman ang isang tao at naiisip nito na pumatay ng mga inosenteng tao - inosenteng pamilya. Maswerte ako kung tutuusin dahil nabuhay ako pero dahil sa nangyari eh nawala ang ala-ala ng kabataan ko - sa nakaraan. Hindi ko alam kung dapat ko ba 'yon ikatuwa dahil hindi ko maalala ang malagim na nangyari sa mga magulang ko pero ang sabi sa akin ni Tita ay kailangan ko iyon maalala. Kailangan dahil ako lang ang susi para mabigyang hustisya ang pagkamatay ng mga magulang ko. Sinubukan na kasi nuon na ilaban ni Tita ang kaso ng mga magulang ko ngunit natalo sila sa korte dahil sa kakulangan ng ebidensya at witness kaya naman agad na napawalang sala ang may kinalaman sa krimen sa pamilya namin.

Kaya ganuon-ganuon nalang ang pagaalaga at pagtatago na ginawa sa akin ni Tita ng maka survive ako mula sa kamatayan. Tanging si Tita at Mr. Lee lang ang nakakaalam na buhay pa ako dahil hinayaan niyang isipin ng lahat na tuluyang nawala ang pamilyang Park ng dahil sa isang malagim na pangyayari. Nakakatawa dahil hindi inakala ni Tita na magtatagpo muli ang landas namin ng kababata at dapat na asawa ko na ngayon na si Yoongi. Kaya pala ganuon-ganuon nalang din ang mga nakukuha kong salita nuon kina Hoseok at Jin. Madalas nilang tinatanong o sinasabi sa akin kung coincidence bang nagkakilala kami ni Yoongi. I mean, wala naman siguro silang alam sa totoong pagkatao ko, 'di ba?

Isa pa, ang pinagtataka ko rin, kung magkababata kami ni Yoongi, hindi ba dapat ng malaman niya ang pangalan ko ay nagtaka na siya? I mean, syempre kahit gaano katagal na panahon na ang nakalipas, dahil ako 'yung kababata at dapat na asawa niya ngayon eh makilala niya ako sa pangalan palang pero hindi ko siya nakitaan ng kahit na anong pagdududa sa pagkatao ko maliban sa inofferan niya nga ako na maging magka relasyon kami na hanggang ngayon pinagtataka ko pa rin bakit niya naisip iyon. Hindi kaya gaya nina Jin at Hoseok eh naramdaman niya na parang kilala niya rin ako? Pero hindi talaga eh. Kasi kung iisipin, nuknukan ng yaman si Yoongi impossibleng hindi niya ako pina background check not unless hindi niya iyon binigyang importansya nuon dahil sino ba naman ako para gawin niya iyon kundi isang hamak lang na lasing na sinukahan siya sa bar kaya ako nagka utang at nagtatrabaho sa kanya para mabayaran iyon. Whew.

Ewan ko ba. Nawiwindang pa rin ako sa mga nangyari at naguguluhan. Bakit sa akin nangyari ang ganitong bagay? Bakit hindi nalang sa iba? Psh.

Gusto ko din maiyak dahil sa nalaman ko na pinatay ang mga magulang ko pero hindi ko magawa dahil wala akong maalala na memory tungkol sa kanila kahit na nakita ko 'yung picture nila duon sa dati naming bahay. Hindi ko tuloy alam kung masama ba akong anak ng dahil lang sa hindi ko magawang maging emosyonal para sa kanila.

Ayon kay Tita nabagok daw ang ulo ko kaya nawala ang ala-ala ko. Malakas ang naging impact ng pag gulung-gulong ko mula sa mataas na hagdan namin sa bahay. Ang speculation nila Tita ay narinig ko marahil ang nangyayaring kaguluhan sa sala ng mga oras na pinapatay ang mga magulang ko at dahil bata ako at nakita ko ang ginagawa sa magulang ko ay tinangka kong iligtas sila pero nagkamali ako ng tapak sa hagdan and ayun. Natagpuan kasi kami ng mga awtoridad na nakahandusay na tatlo sa sala. Nabalita pa nga sa newspaper iyon at merong kopya nu'n si Tita na balak niya pa sanang ipakita sa akin pero minabuti ko na huwag muna. Baka kasi muling sumakit ang ulo ko kapag pinilit kong alalahanin ang mga nangyari ng gabing iyon.

ILLICIT AFFAIR (YOONMIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon