ILLICIT AFFAIR 36

143 11 2
                                    

JIMIN POV 

Matapos 'yung nangyari sa amin ni Yoongi ng linggo at ng napag usapan namin, bumalik lahat sa dati na parang hindi naging kami. Aaminin ko naninikip ang dibdib ko sa isiping parang ako lang ang nasasaktan dahil para bang ang bilis ni Yoongi maka get over pero naalala ko na ako din pala ang nagpumilit na gawin ito pero syempre kasi naaalala ko 'yung mga sinabi niya sa akin ng gabing iyon kaya mahirap man ay pinipigilan ko talaga ang sarili ko na hindi maiyak sa trabaho at ang hirap. Sobrang hirap. 

Ayaw ko na nga sanang pumasok sa trabaho pero naalala kong may utang pa pala ako sa kanya na hindi pa bayad. Tsk. Buti na nga lang at kapag may ipapatrabaho siya sa akin ay dinadaan nalang niya muli sa e-mail at kung may ipapakuha man siya sa akin sa office niya ay sisiguraduhin niyang hindi kami magkikita tho syempre kapag nanduon ako sa office niya hindi ko maiwasang hindi maamoy yung naiwan niyang pabango and damn. How I miss to be with him. To hold his hand and hug him but I know I can't and this is for the good. 

Hindi ko nga alam kung tutuloy pa ako duon sa magaganap na party this coming friday. After work iyon didiretso kami sa isang high-end hotel na nirentahan ng company namin and for sure, baka makita ko duon 'yung mag asawang Kims not sure nga lang if nanduon din si Hoseok or sina Taehyung at Jungkook to keep me company for awhile. Baka kasi ma out of place ako kahit na ako 'yung so-called 'secretary' ni Yoongi and to make it worse, bukas na 'yung party na iyon at wala pa akong maisip na isusuot. I mean, syempre party iyon so I should be more presentable than I am kapag nasa work 'di ba?

Bago ako tuluyang dalawin ng antok sa sobrang dami kong ginawang trabaho sa office today ay nag message ako sa group chat namin nila Taemin at inaya sila na lumabas this weekend. Pumayag naman sila and hopefully, sa paglabas namin na iyon, makalimutan ko itong sakit na nararamdaman ko kahit panandalian lang. Malay ninyo makahanap ako ng mas higit kay Yoongi. 'Yung hindi ko kailangan masaktan ng ganito ng dahil sa pagmamahal kaso sa dulo ng utak ko, alam ko, walang makakapalit kay Yoongi dahil siya ang first love ko.

Kinabukasan, after ng nakakapagod na pagtatrabaho ay namalayan ko nalang na may kumakatok sa pintuan  ko na employee para ipaalala sa akin ang tungkol sa party ngayong gabi. Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ko. Aish! Oo nga pala. 'Yung party. Pwede bang hindi nalang ako tumuloy? Eh kung sabihin ko nalang na sumama yung pakiramdam ko? Acceptable at kapani-paniwala naman na excuse iyon 'di ba?

Pero bago pa ako makapagsabi ng excuse ko na iyon kay Yoongi ay muling bumukas ang pintuan ng office ko at iniluwa nu'n ang taong kinasasabikan kong makita nitong mga nagdaang araw. Ngingiti sana ako pero pinigilan ko ang sarili ko lalo na ng makita ko ang seryoso niyang mukha na nakatitig sa akin. Napalunok ako ng dahan-dahan siyang lumapit papunta sa desk ko.

"Aren't you done yet, Mr. Park?" 

Bago pa ako makasagot ay agad na akong kinain ng pagsikip ng dibdib ko. 

Really? Mr. Park? 

Oo nga pala. Mr. Park naman talaga ang tinatawag niya sa akin nuon o Park lang. Aish, bakit ako nagexpect na tatawagin niya ako sa pangalan ko na Jimin?

"A-Actually. ."

"Never mind. I'll see you at the party." agad na siyang lumakad palabas ng office ko kaya nawala na sa isip ko na sabihin 'yung excuse na naisip ko kanina. 

This is bad. Should I really go to that party? 

Namalayan ko nalang ang sarili ko na binabati ng mga staff sa hotel ng makarating ako. Nag book ako ng taxi para lang makarating dito dahil well, obvious naman sigurong hindi ako isasabay ni Yoongi dahil I'm just his secretary. I'm not his lover but I was his ex-mistress.

"Jimin!" napalingon ako sa tumawag sa akin at agad na napangiti ng makita ang papalit na si Hoseok. Teka, siya lang ang nandito?

"Mr. Jung!" nakangiti kong bati sa kanya.

ILLICIT AFFAIR (YOONMIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon