ILLICIT AFFAIR 13

242 18 7
                                    

JIN POV

Oh hi everyone! I'm worldwide handsome and the one and only husband of Kim Namjoon(ie) and brother of Kim Taehyung.

Sa mga nagtataka kung anong ginagawa ko, well nagluluto lang naman ako ng dinner namin for tonight at katulong ko sa pagluluto si Yoongi. Ang brother-in-law ko. Ewan ko ba dito at hindi sinama ang mga pamangkin ko eh pwedeng-pwede naman niya sila isama dito dahil bukas ang tahanan namin para sa lahat.

Pero nagpapasalamat na rin ako dahil nakarating itong lalaki na ito dito dahil kung hindi, susugurin ko siya sa office niya at hahatawin nitong pan na pinaglulutuan ko ngayon. Masyado kasi siyang workaholic kaya heto ngayon at nakikipag divorce ang asawa niya sa kanya. Pero syempre joke lang. Hindi naman dahil sa pagiging workaholic niya ang dahilan ng pakikipag hiwalay nito. Kung ako nga lang ang masusunod, mas okay pang maghiwalay sila ng asawa niya at sa kanya mapunta ang anak nila kesa duon sa bruhilda na kung alam lang ni Yoongi. . hay naku!

"Jin, baka mabutas na iyang kawali kakatusok mo." nakangising sita sa akin ng katabi ko habang nagluluto sa sarili niyang kaldero.

"Bakit pala hindi mo sinama yung mga pamangkin ko?"

"Maaga natutulog ang mga anak ko, Jin. Hindi sila pwedeng magpuyat."

Inirapan ko siya at nagpatuloy sa pagluluto.

"Buti nakapunta ka. Akala ko ididitch mo na naman ang makipag dinner kasama kami." may tono ng pagtatampo kong sabi. Totoo naman. Bihira lang kasi makasipot iyan sa mga family dinner mula ng mag asawa siya.

"Well, first of all, sinabi sa akin ni Joon na may sasabihin ka sa akin na hindi ko alam bakit hindi mo nalang sabihin sa text o tawag and second, ng inaya ako kanina ang alam ko tatlo lang tayo. Hindi ko naman alam na kumpleto tayong anim."

"So? Kung kumpleto pala tayo hindi ka pupunta?" biglang tumaas ang boses ko sa sinabi niya.

"N-no! Hindi iyon ang ibig kong sabihin, okay? I mean, hindi lang ako nainform. Eh di sana mas inagahan ko ang punta dito para hindi naghihintay sila Jungkook na mukhang gutom na sa sala." depensa niya kaya napangisi nalang ako. Wow. Nailusot niya ah.

Magsasalita na sana ako pero napatigil ako ng may pumasok sa luob ng kusina at sumandal sa may pintuan. Nakakunot nuo itong pinagmasdan ng katabi ko.

"Darling, what's happening here? Narinig kong sumigaw ka?"

"Wala, Joon. Akala ko nahawa na ako sa iyo at nakasira ako ng gamit." nakangising sabi ko at napakamot naman siya sa ulo niya samantalang nagpipigil naman ng tawa si Yoongi.

Alam ninyo kasi, inside joke iyon sa asawa ko. Ewan ko ba anong kamay meron siya at madalas 'yung mga nahahawakan niya nasisira niya. Buti na nga lang itong relasyon namin hindi niya nasira. Kung sabagay, sa akin siya nakapares eh. I'm worldwide handsome ika nga kaya subukan lang niya, hahalik mukha niya dito sa pwetan ng kawaling hawak ko.

"Aish!" lumapit siya sa amin at tinignan 'yung ibang luto ng pagkain, "Pwede ko na ba itong dalhin sa labas ng maiayos na namin sa hapag nila Taehyung?"

"Oo, sige." napatingin ako sa balak sanang dalawang putahe ang dalhin ni Joon at bigla akong kinabahan, "Saglit, Joon. Taehyung!!!" tawag ko sa kapatid ko na nasa sala.

"Yes, my brothaaaaa?!" energetic na bungad ng kapatid ko pagsilip niya sa pinto ng kusina. Teka, ang bilis naman niya yatang nakapunta dito galing sala? Tumakbo ba siya o kanina pa siya nandyan?

"Kanina ka pa nandyan?" usisa ko habang siya naman ay naglalakad palapit sa asawa ko.

"Kararating lang. Lumabas kasi si Jungkook eh kasama si Hoseok. May binili."

ILLICIT AFFAIR (YOONMIN)Where stories live. Discover now