ILLICIT AFFAIR 19

216 15 4
                                    

JIMIN POV

Dahil hindi pa rin ako maka get over sa nangyari kagabi ay inaya kong lumabas ulit ang aking best of bestfriends at buti nalang ay pumayag sila at ngayon ay papunta ako sa bahay ni Taemin para duon maglabas ng sama ng luob at makikain. Hahaha.

"Sigurado ka? Baka hindi ka makauwi sa apartment mo?" nagaalalang tanong ni Taemin habang sinasalinan niya ng red wine ang isa pang baso ko. Binigyan niya na kasi ako ng white wine pero ewan ko ba parang hindi sapat yung isang wine sa akin. Kaya ang ending dalawang klase ng wine ang iinumin ko habang yung tatlo pare-parehas na white wine.

"Buti nalang hindi ka nagpatalo! Bruhilda pala iyang asawa ng boss mo eh! Tama lang na mag divorce sila!" naiinis na komento ni Hyungwon matapos kong ikwento sa kanila ang mga nangyari kagabi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Buti nalang hindi ka nagpatalo! Bruhilda pala iyang asawa ng boss mo eh! Tama lang na mag divorce sila!" naiinis na komento ni Hyungwon matapos kong ikwento sa kanila ang mga nangyari kagabi.

"Hyungwon! Baka nakakalimutan mo may anak sila! Huwag kang ganyan. Kawawa yung mga bata kapag nafinalized na yung divorce nila." sita ni Holland.

"Pero hindi mo masisisi si Hyungwon, Holland. Nakita mo naman anong naging ending ni Jimin kagabi." saad ni Taemin habang kumakain ng grapes.

"Naaawa tuloy ako sa kambal. Ang bait at masiyahin pa naman nila pero yung mga magulang nila? Argh! Bwisit!" sabi ko sabay isang diretsong lagok sa red wine ko at isinunod ko naman ang white wine.

"Eh ano ng mangyayari bukas?" tanong ni Holland.

Oo nga pala. Lunes na naman bukas. Meaning may pasok na naman ako ulit at makikita ko ang nakakainis na pagmumukha ng boss ko. Tsk. Pero bakit paulit-ulit kong nakikita sa memorya ko ang nakangiting mukha niya kasama ang kambal?!

"Wala naman akong choice kundi pumasok." naka pout kong sagot.

"Pero sabi mo gusto ko ng kambal di ba?"

"Oo. Bakit?"

"Sayang naman kung ganuon. May chance kasi na hindi mo na sila ulit makita kasi di ba sabi ng bruhilda indirectly sa asawa niya na ayaw ka na niyang makatapak ulit sa bahay nila."

"Tsk. Akala mo naman naaalagaan niya yung mga anak niya. Puro shopping lang naman ginagawa." inis kong sabi.

Ang tagal din namin nag usap ng kung anu-ano at nakakailang baso na rin ako ng wine. May tama na nga sina Hyungwon at Holland eh. Si Taemin naman tipsy na ako malapit na maging tipsy. Unting inom pa. Hahaha.

Natatawa nalang ako sa pwesto ko habang nagsho-showdown sina Hyungwon at Taemin samantalang si Holland bumibida na sa music video na nasa utak niya. At ako? Ninanamnam ang wine ko habang nagiiscroll sa socmed.

ILLICIT AFFAIR (YOONMIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon