ILLICIT AFFAIR 2

599 31 6
                                    

"Tsk." turan ko habang nakaupo sa kama. Kagigising ko lang at nagising ako hindi dahil maingay kundi dahil nauuhaw ako.

Nagtataka nga ako kung bakit masyadong tahimik. Mukhang hindi yata nagbabad sa paglalaro ng computer games 'yung ka roommate ko. Buti naman. Mas okay iyon kesa naman magising akong may galit na galit na parang gustong pumatay tapos pagiche check ko iyong game lang pala na nilalaro ang dahilan.

Saglit kong pinakiramdaman ang higaan at nagtaka ako. Teka, bakit parang sobrang lambot naman yata ng kutson ko ngayon?

At bakit nga ba ang dilim? Teka nga.

Paglapat ng paa ko sa sahig ay nagulantang ako. Bakit sobrang lamig? Parang yelo! Speaking of yelo, bakit ang lamig dito sa kwarto ko? Electric fan lang naman gamit ko at hindi pa BER months para lumamig ng ganito ang panahon.

Tiniis ko ang malamig na sahig at kinapa ang dingding para hanapin ang switch kaso nagtaka ako kung bakit parang ang lawak naman masyado ng kwarto ko ngayon.

Hindi naman na ako lasing! Gusto ko lang naman uminom ng tubig!

Dahil sa pagpupursige kong mangapa ay sa wakas! Nahanap ko rin ang switch at agad in-on ang ilaw at napasigaw ako sa gulat ng makitang nag iba ang hitsura ng kwarto ko.

"Oh my gosh, Jimin! Nananaginip ka lang! Impossibleng magkaruon ka ng ganitong kwarto!" sabi ko habang sinasampal ang sarili ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Oh my gosh, Jimin! Nananaginip ka lang! Impossibleng magkaruon ka ng ganitong kwarto!" sabi ko habang sinasampal ang sarili ko.

And then, the slap to my face hit me. Like, not just literally ng may maalala ako. Oh gosh!

Namilog ang mga mata ko sa takot at hiya na saktong sinabayan pa ng pagtunog ng seradura ng kwarto kung nasaan ako at iluwa nun ang isang nakakamatay sa unang tingin na nilalang. Napalunok ako.

Sinundan ko ito ng tingin ng lumakad ito sa luob at namalayan na nakatayo na siya sa harap ko at pinupukol ako ng masamang tingin ng marinig kong sumara ang pinto ng kwarto.

"H-hi? M-magkakilala ba tayo? Ehehe." kinakabahan ngunit nakangiting tanong ko sa kanya.

Mahirap ng tarayan ko ito eh mukhang naninikmura itong lalaking ito.

"No, but you owe me something." poker face niyang tugon.

"Ow--wow? Aww aww?"

"Are you stupid?" napalunok ako at napaatras ng mapansin ko sa boses niya ang pagkainis pero yung mukha niya ganuon pa rin. Poker.

Napakamot ako bigla sa ulo ko at nilihis ang tingin ko sa ibang direksyon.

Anong problema ba nito?

Ayos ayos ng kausap ko kaso parang may regla kung sumagot.

At saka, anong owe? Wala akong maalala na may inutangan ako at mas lalong hindi ko pa nakikita iyang gwapo niyang mukha. Ehehe. Gwapo naman kasi talaga siya pero iyon nga lang parang may regla.

ILLICIT AFFAIR (YOONMIN)Where stories live. Discover now