ILLICIT AFFAIR 38

159 14 6
                                    

JIMIN POV

Nakaka dalawang katok palang ako sa tapat ng pintuan ng bigla itong bumukas.

"Ano iyo--? Jimin?! Anong gina--?! Woah?!" naguguluhang tugon ni Taemin sa akin sa biglaan kong pagsulpot sa labas ng bahay niya. Hindi ko na siya pinatapos sa gusto niyang sabihin o itanong at agad ko nalang siyang niyakap ng mahigpit at umiyak. 

Umiyak ako na parang wala ng bukas habang inaalalayan niya ako papasok at pinaupo sa couch.

Mukhang nasa kalagitnaan siya ng 'me' session dahil may scented candles ako na nakita at meditating mat habang may mahinang tugtugin na nakaka relax ang maririnig sa background. 

"S-Sorry! Nasira ko yata me time mo." paghingi ko ng paumanhin habang sumisinghot. 

Ngumiti siya sa akin at inabot ang isang baso na may lamang tsaa na ginawa niya sa kusina wala pang ilang minuto ang nakakaraan. Nakatingin lang siya sa akin ng malamlam habang hinahagod ang likod ko dahil hindi ko mapatahan ang sarili ko. 

"Hindi mo ba ako tatanungin kung bakit nandito ako ngayon ng walang pasabi at umiiyak?" tanong ko sa kanya pero umiling lang siya. 

"Kailangan ko pa bang tanungin kung alam ko na ang sagot? Isa pa, napagdaanan ko rin iyang ganyang stage. Actually, maka ilang beses pa nga." 

Niyakap niya ako na siyang tinugunan ko. 

"T-Thank you." halos pabulong kong sabi. 

"Para saan? Dahil pinapasok kita at inentertain ang pagda-drama mo? Tsk. Nakalimutan mo yata na magka ibigan tayo kaya obligasyon kong damayan ka sa kahit ano pa man na pinagdadaanan mo." nakangiti niyang sabi at hinaplos ang buhok ko. 

"Eh kung kaibigan mo ako, kami nina Hyungwon at Holland, bakit ng heart broken ka hindi mo sinabi sa amin? Hindi mo hinayaan na damayan ka namin?" nakanguso kong tanong.

Naalala ninyo naman siguro 'yung unang beses na pinakilala ko sila sa inyo 'di ba? Kakagaling lang ni Taemin sa heart break nu'n at hindi niya dinetalye sa amin ang dahilan kung bakit. 

"Kasi Jimin, ako ang pinaka matanda sa ating tatlo at gusto ko hindi masira ang tingin ninyo sa akin bilang ang 'strong' at 'ate' ng grupo kaya dineal ko mag isa ang heart break, isa pa, kasalanan ko din naman kung bakit ako na heart broken nu'n but that's all in the past. Let's stop talking about me. Let's talk about you. Well, are you okay to talk about it now or hihintayin nalang natin na dumating 'yung dalawa?" 

"Sinong dalawa?" 

"Eh 'di sina Hyungwon at Holland."

"H-ha? Pero bukas pa tayo magkikita-kita ah?"

Bago pa makasagot si Taemin sa sinabi ko at sunud-sunod na doorbell ang umalingawngaw sa luob ng bahay at agad na tumayo si Taemin para tignan kung sino 'yung nasa labas. 

Agad akong bumalik sa ulirat mula sa pagkakatulala ko sa kawalan ng isang pamilyar na boses ang bigla nalang sumigaw.

"Shutanggala, Jimin! Anong nangyari sa iyo?" madramang sabi ni Hyungwon at agad akong sinunggaban ng yakap.

"Uy 'te, mahaba-habang kwentuhan ang magaganap so I hope you don't mind na bumili kami ni Hyungwon nito while on our way here." sabi ni Holland habang binababa sa lamesa ang dala nilang Soju. 

Ilang saglit pa magkakatabi na kaming nakaupo sa couch habang nakabalot kami ng iisang kumot na pinaghahatian naming apat. Nakalatag sa lamesa ang inorder ni Hyungwon na pizza kanina, 'yung binila nila na Soju ni Holland, at 'yung ginawang popcorn ni Taemin. Para kaming may 'gay night' na apat pero obviously hindi. Sine-set lang nila 'yung mood para hindi ako gaanong umiyak mamaya kapag nag start na ako magkwento ng mga nangyari sa akin nitong nakaraang linggo pati na rin yung kanina sa party. Kasalukuyan kaming nanunuod ngayon ng BL na movie na ang pamagat ay In Between Seasons. 

ILLICIT AFFAIR (YOONMIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon