ILLICIT AFFAIR 7

335 27 13
                                    

JIMIN POV

Nakahinga ako ng maluwag matapos kong mabasa ang mga comment at nakuha kong heart reacts sa mga social media friends ko sa pinost kong selfie kagabi. Grabe. Tuwang -tuwa ang mga loko at todo ang papuri sa akin. Kesyo mukha daw akong anghel na bumaba sa langit to bring chaos to their hearts and sexuality.

Uhuh. Like, well! Iba talaga ang nabiyayaan ng good genes. Joke! Hahaha.

Nailang nga ako kagabi sa pinuntahan kong bar kasi parang karamihan nakatingin sa akin na para bang may dumi ako sa mukha. Buti nalang at kasama ko ang iba kong friends ng college na siyang nagpicture sa akin na hindi ko pa pinopost sa socmed account ko. Ehehe. Baka kasi atakihin na sa puso mga socmed friends ko kapag nag post ako ng more than one selfie.

Tuwang-tuwa nga sa akin mga college friends ko dahil nagka trabaho ako agad and on top of it, sa Min Company pa. Sabi kasi ng isa kong friend na nag try mag apply duon, initial interview palang mapapa backout ka na sa pagaapply.

Hindi na nga lang ako masyadong nagkwento ng ibang detalye paano ako nakapasok sa kompanyang iyon. Syempre hindi ko rin kinwento sa kanila na secretary ako mismo ng may ari ng kompanyang iyon. Baka lalong magulantang sila kapag nalaman nila.

Sa kanila ko nga nalaman na 'yung mismong boss ko ang CEO ng Min Company dahil nga naging hot topic agad at nagpakita pa sila sa akin ng pictures at mga issues na na link sa boss ko dahil sa pagkakaruon nito ng good looking genes. Hay nako. Kung alam lang nila. Kung anong ganda ng genes niya siyang panget ng ugali niya.

"Jimin!" nagulat naman ako ng biglang sumulpot ang ka roommate ko sa pinto ng kwarto ko at pasigaw pa ang naging pagtawag sa akin.

"Bakit? Ano meron?" tanong ko habang hindi pa rin inaalis ang tingin ko sa cellphone ko.

"May bisita ka!" natataranta niyang sabi na pinagtaka ko.

"Bisita?"

"Oo! Bilisan mo! Nandyan siya sa labas!" naguluhan ako dahil mukhang kinakabahan siya na kinikilig.

Sino naman kaya iyang bisita na iyan?

"Ito na! Kalma ka lang." natatawa kong turan at bumangon sa kama. Sinundan ko ang ka roommate ko papunta sa sala na walang pakielam kung anong suot o hitsura ko.

"Hello po. Sorry sa paghihintay nandi--!" bati niya sa bisitang prenteng nakaupo sa maliit na couch.

"Boss!" hiyaw ko at napatago sa likuran ng ka roommate ko.

Binatukan naman ako ng ka roommate ko dahil nagulat siya ginawa kong paghiyaw. 

"Pagpasensyahan ninyo na po siya. Bagong gising lang kasi. Ehehe." nakatinging sabi ng karoommate ko sa akin sabay tulak sa akin sa harapan ng boss ko. 

Binigayan ko siya ng saan-ka-pupunta look pero ang walang hiya, hindi man lang nakaramdam at lumabas ng apartment namin. Saan siya pupunta?

Bumalik ang ulirat ko ng marinig kong may tumikhim kaya muli akong napatingin sa taong nasa harapan ko. Oo nga pala. Nandito 'yung boss ko. Teka nga, ano bang ginagawa niya dito at paano niya nahanap itong tinutuluyan ko? Wala pa naman akong binibigay na impormasyon sa kanya. 

"A-anong meron boss at nandito ka?" naiilang kong tanong sabay tingin sa dalawang tauhan na nasa gilid niya. Kailan pa sila nandyan? Hindi ko sila napansin ah. 

Bakit hindi ko sila napansin kung katabi lang sila ng boss? Ibig sabihin ba nu'n masyado akong naka focus kay boss? Impossible. 

Hindi niya sinagot ang tanong ko bagkus lumingon siya sa dalawang tauhan niya na siya namang lumapit ang isa sa akin at inabot sa akin ang isang folder. Ano ito?

ILLICIT AFFAIR (YOONMIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon