ILLICIT AFFAIR 21

246 17 13
                                    

JIMIN POV

Maaga ako nagising. Ay mali. Hindi pala kasi ako nakatulog ng maayos kagabi mula ng halikan ako ng boss ko. Este ni Yoongi. At ang loko, pagkatapos akong halikan parang wala lang sa kanya at dumiretso tulog. Lasing nga siguro siya at baka hindi niya maalala yung ginawa niya sa akin kagabi pero ako? Hinding-hindi! First kiss ko iyon eh at siya ang kumuha nu'n!

Nakasabay ko nag breakfast ang mag asawang Kim at buti nalang hindi sila nagtaka o nagtanong pa ng magpaalam akong uuwi na ng hindi nagpapahatid sa kanila o kay Yoongi.

Like, hello?! Hindi ko pa siya kayang harapin dahil sa nangyari kasi paulit-ulit na umuulit sa isip ko ang halikan namin. 'Yung malambot niyang labi na nakalapat sa akin. Halatang sanay na sanay siyang humalik. I wonder kung 'yung asawa lang niya ang nahalikan niya o baka naman dati siyang playboy kaya ganuon?

Pagkadating ko ng apartment ay binati ko ang karoommate ko na nanunuod ng kung ano sa cellphone niya at agad na nagpaalam na magpapahinga kahit na alam kong nagtataka siya bakit ngayon lang ako umuwi. Mamaya nalang ako magpapaliwanag. Sa ngayon gusto ko lang muna matulog.

"Kanino ito?" tanong ko sa karoommate ko at tinuro ang isang cute na balloon boquet na may fairy lights at isang pirasong red rose sa luob. Wala naman sa aming dalawa ang mageeffort na bumili nig ganito at mas lalong parehas kaming walang time mag entertain ng possible lover. Agad akong umiling-iling nagbabaka sakaling mawala sa isip ko ang mukha ni Yoongi na bigla na lamang rumehistro sa isip ko. Aish! Mahirap ito, ugh!

 Aish! Mahirap ito, ugh!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Sa iyo." nakangisi niyang tugon at tinuloy ang pagkain biya ng dinner.

Oo, dinner na ako gumising. Nakatulog ako ng halos buong araw kaya naman sobrang energized ako ngayon.

"Huh? Anong trip mo at naisipan mo akong bilhan n'yan? Oh god! May gusto ka ba sa akin ng hindi ko alam?" gulat kong tanong at napahawak pa sa dibdib ko na parang na touch.

"What the fuck, Jimin?! Seriously?" tanong niya na parang nandidiri, "Alam mo gusto kita bilang karoommate kahit bigla-bigla ka nalang hindi umuuwi ng walang pasabi pero c'mon! Sa boss mo galing iyan. Kay Mr. Min Yoongi hindi sa akin."

Umawang ang bibig ko sa gulat.

"What?! Galing siya dito?" nagpapanic kong tanong. Bakit hindi man lang ako ginising nito? Sumilip kaya si Yoongi sa kwarto ko? Nakita niya ako matulog?

"Oo and chill. Hanggang labas lang siya hindi siya pumasok dito sa luob. Hitsura mo! Pulang-pula ha?" mapang asar niyang saad, "Nag confess na ba siya ng feelings niya o kayo na agad?"

"A-anong namumula ka d'yan! Hindi ah! At saka anong confess-confess iyang pinagsasasabi mo? Walang ganuon!" saad ko at naiilang na tinitigan yung balloon boquet na nasa harapan ko. Hindi ko alam kung kukinin ko ba ito at ilalagay sa kwarto ko. Ang ganda kasi! Maniwala man kayo o hindi, mahilig ako sa mga bulaklak kaya naman hindi ko maipaliwanag ang saya ko ng makatanggap ako nito ngayon kaso to think na galing siya kay Yoongi matapos ng nangyari sa pagitan naming dalawa kagabi. . Ugh!

ILLICIT AFFAIR (YOONMIN)Where stories live. Discover now