ILLICIT AFFAIR 18

209 15 10
                                    

JIMIN POV

"Sorry if I have to fetch you early. I just need someone to look after my twins. I'll be on a business meeting later but you're not required to be there."

Business meeting? On a weekend?

Tinanguan ko nalang siya bilang tugon at muling tumingin sa labas ng bintana. Kasalukuyang kaming nakaupo sa backseat sa kotseng pagmamay-ari niya na minamaneho ng driver niya. Nasa magkabilang dulo kami nakapwesto at ramdam ko talaga ang tensyon sa pagitan namin. Hindi ko nga maintindihan kung bakit ganito nalang ang kaba habang sumisipleng tingin sa kanya na abala din sa pagtingin sa labas ng bintana.

Dahil ba ito sa mga sinabi ng tatlo kong best of bestfriends kanina? O dahil sa magbabantay ako ng kambal niyang anak na hindi dapat kasama sa trabaho ko bilang secretary niya? Like, outside office affairs talaga ito eh. Tama ba ito?

Pero syempre wala naman akong magagawa dahil boss ko siya.

Teka nga! Bakit kailangan niya ng titingin sa anak niya? Wala ba siyang katulong sa bahay nila? Nasaan 'yung asawa niya? Hindi niya ba mautusan iyon? Anak naman nila iyon ah!

Sa dami ng gumugulo sa isip ko, hindi ko namalayan na dumating na pala kami sa bahay niya o nila ng asawa niya?

Wow! Ang laki ng bahay! Iba talaga kapag mayaman parang palasyo!

Wow! Ang laki ng bahay! Iba talaga kapag mayaman parang palasyo!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"We're here." dinig kong sabi niya kaya gaya niya ay lumabas na din ako ng kotse. Ang pinagkaiba lang yung drivee niya ay pinagbuksan siya, ako, ako lang ang nagbukas para sa sarili ko.

Inamoy ko ang simoy ng hangin at grabe ang goosebumps ko! Ngayon lang ako makakapasok sa bahay ng taong saksakan ng yaman! Never in my life kong inakalang maeexperience ko ito.

Sinundan ko siya papasok ng bahay niya at napa igik ako ng bigla nalang may sumigaw at ng marealized ko kung ano o sino ang mga iyon ay napangiti ako lalo na ng sugurin nila ang tatay nila ng isang mahigpit na yakap.

"Appa! You're back!" masayang sabi ng kambal. Grabe! Ang cute nila!

Bigla akong nakaramdam ng hindi maipaliwanag sa nakikita ng mga mata ko ngayon. Para din kasing nag iba ang awra ng masungit kong boss. Ngumingiti siya! At infairness, ang ganda ng ngiti niya! Mana sa kanya ang mga anak niya. Gummy smile. Hay, sana araw-araw nalang siyang nakangiti mas bagay sa kanya.

Bumalik ako sa wisyo ng marinig ko ang tanong ng isa sa kambal.

"Appa, who is she?" hindi ko itatanggi na nag init ang mukha ko sa tanong na iyon at nailang bigla. 'She'?! Mukha ba akong babae tignan?

"Hey, you say sorry! He is not a 'she'!" pagtatama ng kambal niya sa kanya.

Napatakip naman ng bibig yung isa kanina sa kambal na nagsalita at mahinang nagsabi ng sorry sa akin ng nakayuko. Ugh! My heart! Ang cute!

ILLICIT AFFAIR (YOONMIN)Where stories live. Discover now