ILLICIT AFFAIR 39

188 14 16
                                    

JIMIN POV

Ayaw ko man sumama kay Mr. Lee eh wala naman akong nagawa dahil magalang niya akong ipinaalam kila Taemin kaso bago ako o kami nakaalis eh sinenyasan nila ako na itext o tawagan sila kung sakali mang kailanganin ko ng rescue. Natawa naman ako dahil paano ako irerescue ng mga iyon kung tipsy na sila at hindi sila aware kung saan ba ako balak dalhin nito ni Mr. Lee na kasalukuyang abala sa pagmamaneho niya. Hindi ko kasi siya magawang tanungin dahil naiilang ako. Ilang taon din kami nitong hindi nagkita. Ang alam ko lang nagtatrabaho siya sa Tita ko bilang taga deliver nuon ng mga cakes na ginagawa sa cafe nuon na nakwento ko sa inyo bilang business at siyang bumubuhay sa amin ng Tita ko. Kaya laking gulat ko kanina ng paglabas namin, isang mamahaling sasakyan ang bumungad sa akin kung saan ako nakasakay ngayon habang naghihintay na makarating sa pupuntahan namin.

"Mr. Park." namalayan ko nalang na dumating na kami sa pinagdalhan niya sa akin at siyang pinagbuksan ako ng pintuan ng kotse. Bahagya akong yumuko bilang pasalamat.

Hindi ko alam kung bakit pagkakita ko sa bahay na pinagdalhan niya sa akin, nakaramdam ako ng kakaiba

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Hindi ko alam kung bakit pagkakita ko sa bahay na pinagdalhan niya sa akin, nakaramdam ako ng kakaiba. Na-goosebumps ako at parang naninikip ang dibdib ko at may kung ano na dahilan ng biglang pagsakit ng ulo ko. Nasaan ba ako?

"Mr. Park?" 

"A-Ayos lang ako. Nasaan ba tayo?" tanong ko habang sinusundan siya papasok ng bahay. Hindi ko naman kasi maalalang ganito 'yung bahay namin ni Tita. Maliit na apartment lang iyon eh. Teka nga, umasenso na ba siya ng hindi ko alam? Pero, four years lang naman este four years and a half lang naman ang lumipas ah? Grabeng lakas naman ng cafe ni Tita at nakabili na siya ng mansion? Mapapa sana all ka nalang talaga. 

Kumatok ng tatlong beses si Mr. Lee sa isang pinto bago kami tuluyang pumasok ng hindi man lang hinihintay ang response ng nasa luob. Nilibot ko ang tingin ko sa buong opisina at lalo akong hindi makahinga. Para akong nasu-suffocate. 

"Mrs. Kim, nahanap ko na po ang pamangkin ninyong si Mr. Park." 

Agad hinanap ng mga mata ko ang kinaruruonan ng Tita at ng magtama ang mga mata namin ay agad siyang tumayo sa kanyang swivel chair at patakbong lumapit sa akin at agad akong niyakap ng mahigpit

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Agad hinanap ng mga mata ko ang kinaruruonan ng Tita at ng magtama ang mga mata namin ay agad siyang tumayo sa kanyang swivel chair at patakbong lumapit sa akin at agad akong niyakap ng mahigpit.

ILLICIT AFFAIR (YOONMIN)Where stories live. Discover now