ILLICIT AFFAIR 5

376 25 8
                                    

Napasalampak ako ng katawan ko sa desk ko sa office sa pagod ngayon araw. Mula ng pumasok ako dito kanina hindi na ako nakalabas para mag break man lang. Nakakaloka naman kasi 'yung previous secretary. Ewan ko ba duon. Ang daming tambak na trabahong hindi nagawa kaya yung hinihingi na important file ng boss ko rush kong ginawa with the help of Mr. Google.

Napatingin ako sa mga nakapatong na folders sa gilid ng desk ko. Parang gusto ko ng maiyak. Alam ko sa sarili ko na kailangan ko itong tapusin dahil at any given moment pwedeng may hingiin sa akin yung boss ko na trabahong pinagawa niya nuon sa dating secretary na hindi pa nito naibibigay sa kanya

As much as gusto ko ng umuwi ay susubukan ko nalang pauntiin ang trabahong gagawin ko bukas kasi baka madagdagan na naman ng panibago at mas lalo akong matambakan ng gawain.

Biglang sumagi sa isip ko ang kagustuhan kong pumarty sa club habang abala ako sa ginagawa kong trabaho pero ng maalala ko ang dahilan kung bakit ako hindi makapunta sa mga oras na ito ngayon ay agad na nagbago ang isip ko.

Wala akong balak na dagdagan ang paghihirap ko. Mamaya magkautang na naman ako kapag may nasukahan akong kung sino.

Hindi ko pa sana mapapansing mageeleven na ng gabi kung hindi ako nakaramdam ng pinaghalong antok at gutom. Muli akong napatingin sa mga gawain ko at bahagyang napangiti. At least, tama ang desisyon kong mag stay ng matagal sa office dahil bukas unti nalang ang trabahong natengga na gagawin ko.

Iika-ika akong naglakad palabas ng office dahil sa pamumulikat ng paa ko. Pero dahil wala ng tao sa paligid maliban sa akin at nakakabingi ang katahimikan ay nagmamadali akong pumasok ng elevator.

Papikit na sana ako ng mga mata ko ng makita kong pasara na ang elevator ng biglang may lumitaw na kamay out of nowhere.

"Aaahhh! Putangina!!!" sigaw ko sa gulat dahil akala ko may multo ng balak akong dalhin kay Susej kaso napalitan ang takot ko ng hiya ng makitang ang boss ko pala ang pumigil ng elevator.

Shit! Bakit nandito pa siya sa office? Hindi ba dapat kanina pa siya umalis dito? At saka hindi ko siya napansin na nakasunod sa akin! Saan siya dumaan?

Sa sobrang hiya ko agad akong tumungo at hindi makapagsalita para ipagtanggol ang sarili ko sa kahihiyan na nagawa ko pero kahit papaano ay nawala ang pakiramdam ko na iyon ng makita ko ang reflection niya sa salamin ng elevator na poker face.

Like, hindi man lang ba siya nagtaka sa nagawa ko? Hindi ba siya natakot, nagulat o natatawa dahil sa nangyari sa akin? Wala rin kasi ako makitang signs na nagpipigil siya na matawa.

Hanggang sa makababa kami ng elevator ay hindi kami nag imikan. Wala siyang sinabi o tinanong man lang bakit nasa office pa rin ako kahit ganitong oras gayong kabago-bago ko palang na nagtatrabaho sa kanya.

Sinaluduhan kami ng mga bantay na security guard ng makita nila kami kaso humiwalay ng landas sa akin si boss. Papunta sigurong parking lot samantalang ako papunta ng entrance/exit ng building para mag bus pauwi.

Sa pagod ko ay dumiretso sakay na ako ng bus at bumili ng nilalakong pagkain sa luob para lang mapawi ang gutom ko.

Muntikan na sana akong lumampas kung hindi lang sumigaw yung konduktor kaya susuray-suray akong bumaba at naglakad pauwi ng apartment ko kung saan pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang natataranta ko ng ka roommate na mukhang palabas naman.

Pagkakita nito sa akin ay para itong tumama sa lotto at agad akong niyakap.

"Gago! Putangina ka! Buti at naisipan mo ding umuwi! Akala ko nakidnap ka na papunta na sana ako sa police station para ireport na kagabi ka pa nawawala!" parang maiiyak niyang sabi sa akin.

ILLICIT AFFAIR (YOONMIN)Where stories live. Discover now