1

6.7K 248 31
                                    









Unedited...









"What? Baliw ba siya?" bulalas ni Maddie na hindi makapaniwalang ipina-Tulfo ng isang blogger dahil nilandi raw niya ang asawa nito pero hindi siya sumagot at ang sabi lang niya ay ang abogado na niya ang kakausap dito. Naupo siya sa sofa at nagsindi ng sigarilyo.

"Baliw! Bakit ba kasi pinatulan mo! Nag-send ka pa ng dede mo?"

"Wow! Dede talaga? Hindi ba pwedeng sexy photo lang na may magandang cleavage?" bulalas niya. "Nanahimik ako, humingi siya ng photo kaya nagpasa ako. Anong masama roon? Duh?"

"May asawa na siya, teh. Dapat hindi ka na pumatol."

"Pakialam ko sa asawa niya? Kasal sila? Isa pa, ako ba ang unang nag-chat? Hello? Anong masama kung mag-reply ako? Hindi ba pwedeng friendly lang ako?"

"Hindi kasi tama iyon. At ano na naman ang tungkol kay Andrea Nicole? Bakit nakipaghalikan ka sa boyfriend niya na alam mong tropa natin?"

"Did I kiss him back? Excuse me, I was drunk!Siya ang humalik sa akin, no!" depensa ni Maddie. "Wakeup, people!"

Tatlong vlogger ang nagpa-Tulfo sa kanya nang sabay kaya sumasakit ang ulo niya.

"Paano mo ipaliwanag ang kay Shantel Loren?" tanong ni Anne Carmel na ang tinutukoy ay ang sikat na couple na kasal at may anak na. Ang mahirap ay may screenshot pa ang babae ng convo nina Maddie at ng asawa nito at ipinost sa social media. Nag-a-I love you-han pa ang dalawa at tinanong pa ni Maddie kung anong oras uuwi ang asawa nito para may time pa silang magkita.

"Well, kasalanan ko ba kung binibigay niya ang pangangailangan ko?" tanong ni Maddie na niregaluhan ng mga alahas at sasakyan ng kasintahan. Masaya naman siya. "At least alam kong kabet ako."

"Baliw ka na talaga!" sabi ni Anne Carmel.

"Hello? Hindi ko hiningi iyon at isa pa, wala namang may nangyari sa amin!" Prangka siya. Wala talagang nangyari sa kanila pero naghahalikan sila at well, nahawakan na siya ni Amiel sa private part.

"Kahit na. May pamilya na ang tao. Mali pa rin na pumatol sa may asawa!" giit ni Anne Carmel kaya pinatay ni Maddie ang sigarilyo at hinarap ang kaibigan.

"Teka lang, sino ba ang kinakampihan mo, ako o ang mga tangang babaeng 'yon? Ako lang ba ang naging babae ng cheater nilang boyfriend at asawa? As far as I know, ilang beses na silang niloko kaya bakit sa akin sila nagwawala? O baka alam nila na kapag lalaban ako, makukuha ko ang asawa nila?" inis na tanong niya. "At ikaw, tigilan mo ako sa pangaral ha! As if na hindi ka nang-agaw!"

"Kaya nga ayaw kong maranasan ang naranasan kong pagpahiya nila eh," sabi ng matalik na kaibigan. Na-issue na rin siya kaya ito na mismo ang nakipaghiwalay sa kasintahang may asawa na.

"Bahala sila!" Three days na siyang hindi umuuwi sa bahay at lahat ng social account niya ay deactivated na. Ni tawag ng pamilya ay hindi niya sinasagot.

"Ayaw ko lang yung tawag nila sa 'yong kabet ng bayan at anay ng tahanan!" inis na sabi ni Anne Carmel. Syempre bestfriend niya si Maddie at kahit na ganito ito, alam niyang mapagkatiwalaan at matakbuhan niya si Maddie. Ito rin ang tagapagtanggol niya sa lahat ng bagay.

"Hayaan mo sila! Araw-araw, weekly, iba ang issue sa soc-med. Isa pa, palaos na kasi sila kaya gumagawa ng issue para mapag-usapan at dumami ng subscribers nila. Kahit anong mangyari, ako lang naman ang lalabas na masama dahil wala silang balak na iwan ang mga tarantado nilang asawa! Kahit na anong panloloko niyan, hindi nila 'yan iiwan kaya ako ang sinisisi nila! Sabi nga ni Ellen Adarna, you deserve what you tolerated!"

Sa Piling ng isang Aeta (R-18)Where stories live. Discover now