28

4.6K 274 75
                                    

Unedited

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Unedited...



"Sina Maddie?" tanong ni Neo nang wala na ang mag-ina sa classroom pero marami pa ang naiwan.

"Umuwi na," sagot nito kaya dali-dali siyang naglakad pauwi. Alam niyang may hindi sila pagkakaunawaan ni Maddie kaya nagpaalam siya sa mga kasamang uuwi na muna at bukas ay mag-double time siya.

Nakatawid na siya sa ilog nang maabutan niya ang mga itong naglalakad.

"Maddie!" tawag niya.

"Tatay!" sabi ni Sammy nang lumingon. Tumigil din si Cathy pero ipinagpatuloy ni Maddie ang paglalakad.

"Umuwi na pala kayo," sabi niya at binuhat ang dalawang anak tapos hinabol si Maddie pero tahimik ang dalaga at ang mga bata lang ang nagdadaldal.

Pagdating sa bahay, nagpalit ang mga bata ng damit pero si Maddie ay naghanda ng masasaing.

"Pasensiya ka na sa sinabi ko kanina, pagod lang ako," paumanhin niya tapos inagaw kay Maddie ang kaldero at siya na ang naghugas ng bigas. "Magsalita ka naman oh."

"Pagod din naman ako," sabi ni Maddie at blangko ang mukhang hinarap si Neo. "Pero ni minsan, wala akong sinabi sa pagiging ama mo."

"M—Maddie."

"Kung sinabi mo iyon para depensahan si MJ laban sa akin, wala na akong magagawa pa. Alam ko namang mahalaga siya sa 'yo. Kaya mo nga siya ipinaraya sa iba kasi hangad mo ang kaligayahan niya, 'di ba?"

"Hindi ganoon iyon. Pagod lang ako, Maddie, kaya hindi ko naisip ang sasabihin ko."

Hinihintay niya ang panlalait ni Maddie kagaya na lang na wala naman talaga siyang isip o bobo siya pero wala. Sa halip na laitin, iniwan siya nito at pinuntahan ang mga bata.

Nang matapos siyang magpaapoy, isinalang niya ang bigas tapos kumuha ng talbos ng kamote para ihalo sa sardinas. Pagbalik niya, nakita niyang nakipagharutan si Maddie sa kambal.

"Hmm? Ibabalik ko kayo kay MJ e. Gusto ninyo iyon?" pananakot ni Maddie sa kambal.

"Ayaw ko po! Gusto ko dito lang kami," tanggi ni Cathy sabay iling.

"Bakit? Mayaman naman si MJ tapos may laruan pa. Di ba siya ang nanay ninyo? Doon na kayo kina MJ at Leon," tanong ni Maddie na hindi nagustuhan ni Neo. Alam niya kung ano ang pinupunto nito.

"Ayaw ko! Gusto ko dito lang kay Tatay," tanggi ni Sammy.

"Eh kung kasama si Tatay Neo ninyo tapos doon na kayo titira sa bahay ni Nanay MJ ninyo?" ani Maddie.

"Maddie!" tawag ni Neo na diniinan ang pagbigkas. "Kayong dalawa, pasok kayo sa bahay at magligpit ng mga damit ninyo!"

Nilapitan niya si Maddie nang makapasok na ang mga bata. "Mag-usap tayo!" Tatalikuran na sana siya ng dalaga pero maagap niyang nahawakan ang kanang braso nito. "Huwag mong lituhin ang utak ng mga bata!"

Sa Piling ng isang Aeta (R-18)Where stories live. Discover now