Chapter 12

4.4K 239 52
                                    





Unedited...






Masakit ang katawang nagmulat siya. Nakaligpit na ang mga unan sa tabi niya kaya dahan-dahang bumangon ang dalaga at napahawak sa sumasakit na ulo.

"Aray!" daing niya at muling napaupo nang tatayo na sana ay nakaramdam siya ng kirot sa maselang bahagi ng katawan. "Ouch!"

Sinikap niyang maalala ang nangyari kagabi pero namulagat siya nang may maalala. Inusisa niya ang katawan. May damit pa naman siya pero masakit talaga ang pagkababae niya. Binuklat niya ang kumot. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang marka na natuyo na. Kiniskis niya iyon ng kanang kamay. Dugo!

"No, no, no!" natarantang sabi niya at sinikap na tumayo. "Neo!" malakas na tawag niya. "Neooooooooooo!" bahala na kung marinig siya ng buong kamag-anak nito.

"B—Bakit?" hinihingal na tanong ni Neo nang pumasok sa kubo.

Pinasadahan ng tingin ni Maddie ang lalaki. Naging kulah brown na ang lumang puting damit nito at may punit pa sa balikat tapos lumang maong na pantalon ang pangbaba.

"Shit! Maddie, hindi pwede!" naiiyak na sabi niya saka sinabunutan ang sarili. "P—Panaginip lang 'yon."

"Gising ka na pala. Tara, kain tayo. May niluto silang gulay para pantanggal ng sakit sa ulo."

"Ano ang nangyari kagabi, Neo?" tanong niya na umaasang may menstruation lang siya.

"Ha?"

"Natulog lang tayo, 'di ba?"

Iniwas ni Neo ang mga mata kaya natampal ni Maddie ang noo.

"K—Kung nagugutom ka, baba ka na lang. O gusto mo dalhan kita ng makain dito?" tanong ni Neo pero masamang tinititigan lang siya ng dalaga mula ulo hanggang paa. "Dalhan na lang kita. Huwag ka nang lumabas."

Muli siyang lumabas at kumuha ng kanin at ulam. Ang kambal naman ay kasama ang mga pinsan na gumagawa ng bola na gawa sa dahon ng niyog.

"Heto na ang pagkain," sabi ni Neo at inilapag sa harap ng dalagang nakaupo sa sahig at hinahawakan ang magkabilang paa. "Kumain ka na."

"Wala akong ganang kumain!" sabi ni Maddie kahit na nagugutom na.

"Kain ka para magkaroon ka ng lakas dahil uuwi na tayo mamaya."

"Gosh!" aniya saka gigil na pinahidan ang mga labi gamit ang kanang kamay. "Bakit, Maddie? Bakit? Sa dami ng naging lalaki mo, sa pinakamahirap at pinakapangit mo pa talaga isinuko ang Bataan?" hindi makapaniwalang sabi niya saka inuntog sa dingding ang ulo. "Pakamatay ka na, Maddie!"

Napangiwi si Neo habang tinitingnan ang dalaga. Alam niyang sising-sisi ito sa nangyari sa kanila kagabi pero wala siyang nagawa. Sinubukan naman niyang pigilan ito e. Ilang beses pa nga pero naging agresibo si Maddie hanggang sa nadala na siya dahil nakainom din siya. Buti na lang dahil mahimbing ang tulog ng kambal at hindi nagising kahit na anong galaw nila.

Nagulat siya nang biglang umiyak nang malakas si Maddie.

"M—Mula nang ipinadala ako rito, naging bwesit na ang buhay ko! Kasalanan mo 'to eh! Kung hindi ka sana nagpakita sa pamilya ko, eh di sa ibang lalaki sana nila ako ipinadala! Alam mong lasing ako kagabi pero sinamantala mo pa rin 'yong kalasingan ko!"

"Ilang beses kitang pinigilang uminom," depensa ni Neo sa sarili. "Pero ayaw mong papigil tapos hinalikan mo pa ako."

"Woah! Ako pa talaga?" bulalas ng dalaga sabay turo sa sarili. "As in ako pa talaga ang nag-initiate? Wow, ha! As in wow, Neo! Hindi ka lang pangit, ang kapal pa ng pagmumukha mo!"

Sa Piling ng isang Aeta (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon