Finale...

7.4K 379 175
                                    





Unedited.....








Bumalik sila sa Negros at saktong tapos na rin ang pinagawa nilang bahay. Simple lang pero sigurado na silang matibay ang haligi dahil semento na pero gawa pa rin sa kahoy at kawayan ang ibang parte ng bahay. Mayroon pang tree house sina Sammy at Cathy kaya labis na nagagalak ang kambal. Panay akyat-baba ang dalawa habang may hawak pang manika sa mga kamay.

"Pasensya ka na kung hindi kita mabigyan ng ganito kagandang bahay," paumanhin ni Neo na hindi maitago ang paghanga sa nakikita.

"Wala iyon. Ako ang may kakayahan kaya ako ang magbigay," sabi ni Maddie na satisfied sa nakikita. May malaking kawa na paliguan pa sa labas ng bahay at may duyan din sa ilalim ng mga puno. "Noong bata pa ako, madalas kong iisipin kung ano ba talaga ang magiging bahay ko kasama ang mapapangasawa ko? Alam mo bang ini-imagine ko na magpapatayo ako ng palasyo. Iyong may malawak na hardin tapos may iba't ibang sasakyan at malapad na swimming pool? Tapos magkakaroon pa ako ng maraming katulong at mag-milk bath?" pagkukuwento niya at napatingala kay Neo. "Pero habang tumatagal at nagkakaedad na ako, nagiging simple na lang ang pangarap ko at nagiging maliit."

"P—Pasensya ka na, Maddie. Kung marami lang sana akong pera," nahihiyang paumanhin ni Neo.

Napapikit si Maddie at pinakinggan ang huni ng mga ibon, pagaspas ng mga dahon at daloy ng tubig sa ilog. Sumalubong ang luntiang kapaligiran sa paningin niya nang muli siyang magmulat ng mga mata. Huminga siya nang malalim at nilanghap ang sariwang hangin.

"Pero ang kasiyahan ng simpleng buhay natin ngayon ay hinigitan pa ang kasiyahan noong nasa mundo ako ng aking marangyang imahinasyon," halos pabulong na sabi ng dalaga at napatingin sa kambal na naghaharutan. "Nasa pagiging simple at kuntento kasama ang pamilya ang tunay na paraiso ko, Neo," seryosong saad niya. "Nandito ang palasyo ko kasama kayo." Hinawakan niya ang kamay ni Neo at pinisil.

"Mahal kita, Maddie. Kayo ng mga anak ko. Pangako, mas lalo akong magsusumikap para sa inyong mag-ina ko."

"Huwag mong pahirapan ang sarili mo, Neo. Kung ano ang makakaya mo, iyon lang 'yon. Katuwang mo ako sa lahat ng bagay basta huwag mo akong i-stress-in kapag inaapi ka nila, lumaban ka naman!" aniya na tumulis na naman ang nguso. "Nagugutom na ako, Neo! Magsaing na tayo."

"Sige, dito ka lang," sabi ni Neo at pumunta sa likod-bahay. Kagaya ng kahilingan ni Maddie, may sarili silang kitchen sa labas ng bahay pero kahoy pa rin ang panggatong nila. Gusto niyang manatili ang ganitong kaugalian ng pamumuhay nila ni Neo para maranasan pa rin ng kanilang kambal. Ayaw niyang ma-spoiled ang kambal lalo na't na-exposed na ang mga ito sa pamilya niya sa Maynila at mukhang ini-ispoil ng mga lola sa mga gamit.

Kumuha si Neo ng gulay sa bakuran at nagluto ng tinolang isda habang si Maddie naman ay naupo sa isang tabi dahil kanina pa nga ito nakaramdam ng pagkagutom.

Napailing si Maddie habang nagmumuni-muni sa ilalim ng malaking puno. Ang simple lang ng tahanan nila pero sobrang na-appreciate niya. Hindi rin siya nagpalagay ng swimming pool kagaya ng suggestion ng mommy niya. Sa halip, ang apat na malalaking kawa na lang ang pinagawa niya para sa kanila para tig-isa sila.

"Maddie?"

Napalingon siya kay Neo nang tawagin siya nito.

"Luto na ba?"

"Kakasalang ko lang ng sinaing at di pa kumukulo ang tubig ng tinola," sagot ni Neo at may dinukot sa bulsa tapos inabot kay Maddie.

"Ano 'to?"

"Chichirya. Baka gutom na gutom ka na kaya kainin mo muna, pantawid gutom din," sagot ni Neo.

"Hmm? Ayaw ko!"

Sa Piling ng isang Aeta (R-18)Where stories live. Discover now