13

4.5K 255 43
                                    

Unedited....

Maaga pa siyang nagising at nag-araro sa kabilang palayan. Dahil pareho lang silang mahirap, 100 lang ang bayad sa kanya dahil half-day lang naman siya. Swerte lang niya dahil nang buksan niya ang kawayang alkansya ay may laman pa itong isang daan kaya may dalawang daan siyang pera. Noong isang buwan kasi nagkasakit si Cathy kaya biniyak niya ang iniipong alkansya at binili ng gamot kaya naubos ang ipon niya.

"Manang anong oras na?" magalang na tanong niya sa tindera.

"Alas diyes 'y media," sagot ng babae at inayos ang mga paninda.

"Pabakal ko sang isa ka kilo nga asin," sabi niya dahil wala na silang asin. "Tapos duha ka dako nga vetsin, duha ka ahos, toyo kag one fourth nga sibuyas.(dalawang malaking vetsin, dalawang bawang, toyo at one fourth na sibuyas)."
"Tagpila ang tunga sa kilo mo nga pancit?" tanong niya.

"Tag-50 pesos ang tunga sa kilo," sagot ng babae. "Mabakal ka?"

"Sige, mabakal ko. Tagpira ang repolyo?"

"Ikilo pa na," sagot ng babae. "Pero bente na lang aring natunga na sa imo(pero bente na lang itong nahati na para sa 'yo.")

"Sige. Ang carrots?" tanong niya.

"Ma pancit ka?" tanong ng tindera.

"Huo tane kaso indi kaigo ang kwarta ko. Indi na lang ang carrots. Sakto na nga ang repolyo,(oo sana kaso hindi na kasya ang pera ko kaya huwag na ang carrots, repolyo na lang)", sagot niya. "Tapos padagdag ko ka apat ka putos nga tinapay nga monay kag tunga sa kilo nga kalamay nga pula(tapos dagdagan mo ng apat na supot ng tinapay na monay at kalahating kilo ng pulang asukal)."

"Sige lang, gaan ta na lang ka isa kabilog nga carrots,(sige lang, bigyan na lang kita ng isang carrots)," sabi ng tindera at pumili ng pinakamaliit na carrots.

"Pila tanan?" tanong ni Neo.

"Sinte kuwarenta," sagot ng babae nang i-total ang mga pinamili ni Neo.

Inabot niya ang dalawang daan kaya sinuklian siya ng tindera ng 60 pesos. Masayang naglakad si Neo para maabutan ang mga anak sa paaralan dahil medyo malayo pa itong bayan sa kanilang barangay. Usapan naman nila ni Maddie na hintayin siya pero baka magwala ito kapag matagalan siya.

Napadaan siya sa tapat ng bakeshop na may iba't ibang cake na naka-display. Tumigil siya at napatingin sa mga presyo. Tatlong daang piso ang pinakamurang cake.

"Oh? Mabakal ka?" tanong ng binatilyong naglilinis ng salamin ng bakeshop.

Napatingin si Neo sa 60 pesos na hawak.

"Wala kamo sang gamay nga cake? Ang tag singkwenta lang?(wala kayong maliit na cake? Ang tig 50 lang?" tanong niya na umaasang sana mayroon.

"Wala. Diin ka kabakal tag 50 nga cake man? Isa lang ka slice eh," sagot ng binatilyo na nagbabantay lang din ng bakeshop.

"Sige na lang," malungkot na sabi ni Neo.

"Uy, ano naobra mo 'di? Wala kami kwarta nga ihatag, wala pa kami benta. Didto ka lang bi sa pihak nga kalsada pangalimos!(uy, anong ginagawa mo rito? Wala kaming perang ibigay, wala pa kaming benta. Doon ka sa kabila mangalimos)," pagtataboy ng lalaking may-ari ng tindahan nang paglabas niya ay nakita si Neo.

"Wala ko gapangalimos(hindi ako nangangalimos)," magalang na sabi ni Neo at lumayo sa kanila.

"Boy! Bantayi mayo ang baligya ta ha. Basi karon kulang na na. Isipa bi. Basi pa-simple lang na ang ita kag nalingaw ya lang ka.(Boy, bantayan mong maigi ang binebenta natin ha, baka mamaya kulang na 'yan. Bilangin mo nga! Baka pa simple lang yang ita at kulang na yan.)" Narinig na sabi ni Neo kaya dali-dali na siyang umalis sa bakeshop. Sanay naman siyang iyon ang iniisip ng mga tao sa kanya. Parang tumingin lang, magnanakaw na kaagad? Hindi naman niya masisisi ang mga ito dahil alam niyang marami ring namamalimos na minsan dahil sa gutom ay nagagawang magnakaw sa mga tindahan sa kalye pero hindi siya ganun.

Sa Piling ng isang Aeta (R-18)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt