14

4.2K 230 32
                                    








Unedited...








"Tara, pasok tayo sa loob ng mall!" yaya ni Maddie. Nalaman niyang sa Barangay Puey, Sagay Negros Occidental pala siya napadpad nang mabasa ang mga nadadaanan habang patungo dito sa bayan. Alam niyang maraming beach resort dito sa Sagay dahil minsan na siyang nakasama sa barkada sa Suyac island pero two days and one night lang sila. Tumakas pa siya noon sa ama para lang makagala.

Laking tuwa niya nang magkaroon ng sahod si Neo at napilit niyang igala sila ng mga bata. As usual, heto na naman ang damit na suot niya at pulang sapatos. Ito na lang kasi ang branded na mayroon siya.

Kagaya ng inaasahan ni Neo, si Maddie nga ang tinitingnan ng mga tao habang nasa magkabilang kamay nito ang kambal suot ang hindi man bago pero maayos tingnan na bestidang bigay ng kakilala niya.

Agad na pumasok silang tatlo ng mga bata.

"Pangit, bili mo kami ng-" Napalingon siya kay Neo pero wala ito sa likuran nila. "Teka, wait lang."

Palinga-linga siya sa loob ng mall pero hindi niya mahanap ang lalaki.

"Ang hirap hanapin! Eh siya lang naman ang maitim dito!" sabi niya dahil hindi niya mahanap ang kulot na buhok at maitim ang balat na lalaki. Isa pa, madali lang makita si Neo dahil sa katangkaran nito.

"Tatay!" sabi ni Cathy nang makita ang ama sa labas ng mall na kumakaway sa kanila.

"Ay!" ani Maddie na walang pakialam sa mga tumitingin sa kanya. Bumalik siya sa entrance. "Hoy, pasok ka nga!" sabi ni Maddie at pinaypay si Neo.

"Huwag na. Dito na lang ako maghihintay," sabi ni Neo na napasulyap sa guwardiya na pinigilan siya kanina.

"Ano ka ba! Halika na?" nakapamewang na sabi ng dalaga.

"Ma'am? Kasama mo po ba siya?" tanong ng guard.

"Opo, kasama ko po," sagot ni Maddie. "Bakit? Hindi naman yata siya bawal na pumasok, kuya, 'di ba?"

"Pasok ka," sabi ng guard na biglang bumait kay Neo kaya pumasok si Neo pero medyo nahiya na dahil napatingin na sa kanila ang ilang namamasyal. Kanina kasi tahasan siyang sinabihan ng guard na bawal siyang pumasok.

"Bakit ba kasi ganyan ang damit mo?" tanong ni Maddie dahil kupas na maong, itim na tshirt na may butas-butas pa at siyempre lumang tsinelas nitong butas sa dulo.

Tuwang-tuwa ang mga bata sa nakikita. Panay pa ang turo kaya napangiwi si Neo.

Umikot-ikot sila.

"Ang ganda ng laruan!" sabi ni Sammy sabay turo sa rainbow colored na teddy bear na human size. "Gusto ko na(yan)!"

"Ako rin!" sabi ni Cathy at tumingala sa ama. "Tatay, bakal ta! (bili tayo.)"

"D-Doon tayo sa dulo," yaya ni Neo.

"Bibilhin nyo, Ma'am?" magalang na tanong ng tindera.

"Magkano?" tanong ni Maddie.

"One thousand lang isa," sagot nito.

"Naku, huwag na!" mabilis na tanggi ni Neo. Tatlong linggong sahod na niya ito at 200 daan lang ang perang dala. "Sa iba na lang."

"Waah! Gusto ko!" sabi ni Sammy na iiyak na at kahit na anong hila ng ama, hindi talaga aalis sa tapat ng teddy bear.

"Tama na, kahuluya (nakakahiya) ka na!" saway ni Neo at binuhat ang anak palayo sa teddy bear kaya napasunod si Maddie sa mag-ama bitbit si Cathy. Iyak nang iyak si Sammy pero wala namang magawa si Neo dahil wala talaga siyang pera.

Sa Piling ng isang Aeta (R-18)Where stories live. Discover now